Chapter 23
2 years later…
Krisha:
It's been two years since Aki left. Eversince, wala na akong balita sa kanya. On the first three months, I waged a lot of effort to reach him; but those attempts failed of course. Kung desidido ang isang taong iwasan ka, then perhaps hindi mo talaga siya mahahanap.
Kung ayaw na nga niya sa’kin, hindi ko naman ipagpipilitan pa ang sarili ko. Kaya lang ay gusto kong malaman ang reason kung bakit. Kung bakit niya pa sinabing mahal niya ako. Was that a joke or napilitan lang siya?
Either way, wala akong galit sa kanya. Sa sarili ko ako galit. I've been a fool loving him and he's just being a gentleman. Pero aaminin ko, without Aki, I feel so incomplete. I was like a lonely sound of violin without any accompaniment. The piano tune I used to hear had long faded along with my bitter-sweet memories of him. And so for that matter, I quit violin. So, that's that. Before I knew it, I already have a new life.
Second year college na ako sa kursong Psychology sa PLM. Oh, right... I really did passed the entrance exam and landed on my dream course. Siguro ay marami ang magsasabing Psychology is not much of a course with lesser opportunities after graduation. But I chose this course because I want to be a better person.
I grew up with well-providing parents; and during high school, with my experiences of commuting, narealize ko na hindi lahat ng parents ay ganun. I want to help the community especially ‘yung mga batang nagtatrabaho ng maaga or street dwellers. Maybe someday I'll see myself managing my own NGO (Non-Government Organization).
Flash! Flash!
"Ma'am, tingin naman po kayo kay sir!" anang photographer, motioning me to look at my left. Inayos ko muna ang suot kong sunhat bago lumingon sa aking Mr. Bear. Endearment ko ‘yun sa boyfriend ko.
We've been steady for a year now. Last year ko lang siya sinagot pagkalipas ng isang taong panliligaw niya sa’kin. I decided to give him a chance but I never thought he could make me love him back. He's a great guy na extinct na yata sa panahon ngayon.
Nakangiti siya when I saw his face. Ngumiti rin ako at hinawakan ko ang rim ng suot niyang fedora hat. I pullet it down to his face.
Flash!
"’Oy, ano ba?!" Reklamo niya.
"Ilang shots pa ba? Hindi ka ba naiinitan?" Reklamo ko rin sa kanya.
12 PM and the sun is broiling us here at a bleacher somewhere on a deserted soccer field. ‘Yan ang idea ni Mr. Bear ng isang wonderful pictorial. Oops... Hindi kami artista. We just like having a photoshoot a day after our monthsary. It's double special today dahil kahapon ay aming 1st anniversary.
Tumayo si Mr. Bear, nagpagpag bago inilahad ang kamay niya sa’kin. "Okay, tapos na."
BINABASA MO ANG
Violin Tears (Edited)
Teen FictionPaano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?