Chapter 26
Krisha:
Super late na akong lumabas ng kwarto ko next morning. Ayoko pa nga sanang bumangon dahil pakiramdam ko ay kulang pa ako sa tulog. Hindi ko na naabutan sina mama at papa dahil maaga silang umaalis. Wala rin si manang Ester pero may niluto siyang pagkain sa kusina.
‘Yung kasambahay naming si Amy ang natira dito kasama ko, pero nasa garden siya at kasaluku’yang nagdidilig ng mga halaman. What to do? I wish I hadn't cancelled my dateday. Bumalik ako ng dirty kitchen at du’n na nagbreakfast. Medyo wala akong appetite. Ganu’n ako kapag may inaalala.
I badly need to see Aki again. Gusto ko siyang makausap... gusto kong may marinig mula sa kanya. I want closure. Kasi ayoko na nitong nararamdaman ko. Nagsisimula na naman akong umasa na hindi na tama.
I took a quick shower and went out. Sinabi ko kay amy na pupunta lang ako ng bookstore. I purposely left my phone on my dresser. Nagcommute akong mag-isa papunta sa condominium tower na tinitirahan nina Aki dati. I just hope na du’n pa rin sila nakatira—
Ting!
When the elevator of the condo tower chimed to the 27th floor, my heart leaped pagkarinig ko pa lang sa mahinang piano tune. They're still living here. I got off the elevator and sauntered lightly in the corridor. Palakas nang palakas ang naririnig kong music. Liebestraum.
First time kong marinig ang Liebestraum niya. I never heard him play anything but Gavotte before. Minsan lang siya nagpapaiba ng composer, kapag ako ang pumipili ng piyesa namin. Nanginig ang daliri ko as I pressed the buzzer. This is it!
BUZZZZT!
Hindi huminto ang tugtog pero bumukas ang pinto—
Akala ko ay bago na ang nakatira dahil hindi ko nakilala ang babae na nagbukas ng pinto. When she smiled at me, du’n ko na lang siya namukhaan.
"M-mamita, ikaw ba ‘yan?" I can't believe what I'm seeing! As in I'm really surprised to see her. She looked thin and weary. Maganda pa rin naman siya, pero hindi na kagaya nu’ng naaalala kong siya two years ago when her beauty is radiant. Wala siyang make-up at simple na lang sa pananamit.
"Aka-chan, pasok ka," aniya. Sweet pa rin ang pagkakasabi niya niyon gaya ng dati, ‘yun nga lang hindi ko na feel ang fondness. Nagi-guilty siya dahil for two years, nagawa niya akong tikisin.
Niyakap ko si mamita pagkapasok ko sa loob. I wasn't mad at all. Siya pa rin si mamita ko no matter what happens. "Namissed kita, mamita. Sobra!"
Bahagya siyang lumayo sa’kin and then cupped my cheeks. "Hmm... Hindi ka na cute, beautiful lady ka na! I'm sorry to missed your birthday…"
"Okay lang po ‘yun, mamita. I could celebrate it again— kung pupunta ka."
She smiled. "Oo naman! Ay— halika na, doon tayo sa loob." Iginiya niya ako patungo sa sala. Naabutan ko doon si Aki na busy pa rin sa pagpapiano.
BINABASA MO ANG
Violin Tears (Edited)
Teen FictionPaano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?