Chapter 16
Krisha:
Nakakainis naman. Bakit ngayon pa ako hindi nakapagdala ng pera?! Hayun tuloy, napunta na sa iba si Aki ko! Loser girlfriend here! Isang oras, hmp! Ang tagal tagal nu’n!
"Hoy, Lukring saan ka pupunta? Ito na ang room natin, oh?" nahila ni Rho ang likod ng blouse ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Yayks. Ano ba ‘yan, magkakandaligaw pa ako sa sobrang pag-iisip. Nauna akong pumasok ng room. Tumayo si Marie sa seat ko pagkakita niya sa’kin. Ipinabantay ko kasi sa kanya ang gamit ko.
"Wow, ang gandang bouquet, kanino galing?" Ini-snatch ni Marie ang bouquet sa kamay ko at inamuy-amoy niya.
"Kay Aki,” sabi ko kasabay ng pagpatong ko sa ibabaw ng desk ko ng book bag na hindi naman talaga libro ang laman. Humalungkat ako at pinagpilian ang tatlong box na nandoon.
I glanced at Rho. Umingay siya dahil nilapitan siya ng mga alagad niyang sina Santi. Binalik yata ng mga iyon ‘yung wallet niya.
"Awee, ang swerte mo naman, ‘te! Pero Krisha pansin ko lang, ha? Lagi ko na kayong nakikitang magkasama ni Rho," bulong ni Marie.
"Oh, eh lagi niyo naman kaming nakikitang nagpi-flip top nu’n, ‘di ba?" I answered bluntly. Hindi naman talaga flip-top tulad ng mga nasa youtube. I was just exaggerating.
She shook her head. "’Oy, ha? Hindi na kayo nag-aaway, ‘te! At nakita kitang kasama siya sa mall the day bago siya umabsent! Nag-date kayo, ‘no? Kaya pala ayaw mong sumama sa’kin nu’ng inaya kita kasi—"
Tinakpan ko ang bibig niya. Hay! Ito na nga ba ang kinatatakutan kong mangyari! "Marie, walang something sa’min ni Rho, pramis! I was just doing him a favor. Alam mo na, ayokong ma-troll."
Brr... Nagdadalawang-isip na tuloy ako kung bibigyan ko pa ba ng chocolate si Rho or ‘wag na. ‘Wag na lang? Eh, pero nasabi ko na!
Sabagay wala namang malisya to— hawak ko ang box, tinungo ko ang seat ni Rho at iniabot ko ‘yun sa kanya. "Happy Valentine's." Grabehan, pinagtinginan ako ng lahat ng mga kaklase kong nasa room! Buti na lang at kakaunti lang kami. Well, kaunti na rin ang ten classmates. Tiningnan ko si Rho. He's just staring at me. Say something, tukmol!
Nu’ng mukhang hindi na talaga siya magsasalita, tumalikod na ako. Pinigil niya ako with his hand on my arm. Ibinulsa niya ‘yung box tas tumango siya. Tumingin siya sa wristwatch niya. "May fourty four minutes pa. Tara lakad lakad muna tayo." What fourty four minutes?! Don't tell me, inoorasan niya si Aki?
Halos ipagtulakan niya ako palabas ng pinto. Hindi man lang gentleman!
"Bakit ang layo mo Lukring? Tumabi ka sa’kin!" hinila niya ako nang sapilitan hanggang sa nagkakabungguan na ang mga siko namin.
"Ano ka ba? Baka kung ano pa ang isipin ng mga classmates natin!" Golly, I'm intensely blushing!
BINABASA MO ANG
Violin Tears (Edited)
Teen FictionPaano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?