Chapter 11

2.3K 54 0
                                    

Chapter 11

Aki:

Nagulat ko sa ginawa ni Lucrezia. Nagulat lang. Sa isang banda kasi, gusto ko ang nangyari. Ramdam ko na kami na nga talaga. Ipinikit ko ang mga mata ko. I savored the moment dahil ito ang first time na may humalik sa akin at ‘yung gumawa nu’n ay ang babaeng mahal ko, next to oka-san.

'Hindi ko na tatanungin si Lucrezia kung bakit. Ang mahalaga ay kung ano na nga ba ang mga dapat naming gawin ngayong 'kami na'. Nang maghiwalay ang mga labi namin, yumakap ako sa kanya para hindi siya mahiya sa’kin. Gusto kong malaman niya na ayos lang at hindi ko naiisip na masama ang ginawa niya.

"Aki... Aishiteru," narinig kong bulong niya. [Aishiteru-Mahal kita]

"Watashi wa motto aishi te..." sabi ko. Kung alam lang niya. [Mas mahal kita]

Hindi ko masasabi sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko ng isang bagsakan. Araw-araw ko ‘yun ipadadama sa kanya, pangako.

"Alam mo, may good news ako sa’yo!"

Napangiti ako. Alam ko na kung ano ‘yun pero mas maganda kung ‘wag kong i-spoil ang momentum. "Ano ‘yun?"

"FINALIST AKO SA COMPETITION!"

Hinaplos ko ang buhok niya. Ngayon pa lang, alam kong siya ang magchachampion. Tutulungan ko siya at susuportahan gaya ng dati. "Omedetou! Dapat siguro ay magpa-victory party ka." [Omedetou-Congratulations]

Ngumuso siya. "Victory party... Eh, bakit, pupunta ka ba? Tsaka hindi pa naman ako nananalo! Kinakabahan kaya ako!" Lumabas na ang pagka-bubbly ni Lucrezia. ‘Pag kaming dalawa lang kasi ang magkasama, lagi siyang seryoso at on-focus. Para bang natatakot siyang magkamali sa harap ko o natatakot siyang magalit ako sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Nasa likod mo lang ako palagi. ‘Di ba, ako nga ang accompaniment mo?"

Habang nakatingin ako sa kanya, napansin kong mas nagningning ang mga mata niya. "Eh, ‘di magpapractice na tayo?"

"Oo. Kung gusto mo, ngayon na. Pero nakapili ka na ng piyesa?"

Tumango siya. "‘Yung Canon D major."

Seryoso nga talaga siya sa Canon kahit madali lang iyon tugtugin dahil paulit-ulit lang ang melody. Dahil finals na, ang inaasahan ko sanang piyesa niya ay ‘yung mataas ang difficulty level kagaya ng Tzigane. Sabagay, may kanya-kanya namang paborito ang mga tao pagdating sa musika. At mas magandang sa puso nagmumula ang driving force para tumugtog sa isang concurso.

Umupo ako sa harap ng piano at tinugtog ko ang panibagong opus ng ginagawa kong melody. Tumabi sa’kin si Lucrezia. "Balang araw siguro ay magiging sikat na composer ka…" ani Lucrezia.

"Siguro. Pero pangalawa lang ‘yun sa greatest dream ko," sagot ko naman.

Violin Tears (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon