Chapter 19
Krisha:
Kanina pa ako hindi mapalagay. Dapat siguro nag-cut na ako ng klase, eh. I tried to contact mamita pero ngayon pa siya out of reach. Tinawagan ko na pati ang parents ko para sabihin ang nangyari. Kaso kulang ako sa information. Nu’ng break, nagpunta ako sa infirmary. Nakausap ko ang doctor ng school. Wala pa daw siyang puwedeng sabihin tungkol sa nangyari kay Aki. But she gave me the hospital name and address kung saan dinala si Aki.
Nagdecide akong ‘wag pasukan ang last subject ko today. As far as I know, wala pa akong absence this year. I could at least try to have one. Dating gawi, naghintay ako ng jeep sa may sidewalk. Naiinip ako. I can't wait to see Aki. Paano kung masama nga ‘yung nangyari sa kanya? I need to be beside him!
"Pupunta ka ng hospital? Sasamahan kita." I looked up to see Rho standing beside me.
OMG. He's a good mind reader. I shook my head. "Kaya kong pumunta du’n mag-isa."
Hinablot niya ang braso ko. "Too late para tumanggi. Tinawagan ko in advance ang driver ko."
Not a minute had passed, nasa harap na nga namin ang kotse niya galing sa parking lot. "Saan bang hospital?" tanong ni Rho habang binubuksan niya ang cardoor. Hindi ako kaagad nakasagot. I was amazed. Magdiditch siya ng klase para lang samahan ako sa hospital? Ginagawa niya talaga ang lahat ng gustuhin niya. Well… kaya niyang gawin ang lahat basta ginusto niya.
He looked at me once more after I didn't answer him. Nakasimangot siya. "Sakay na. Akala ko ba nagmamadali ka?"
Okay, we get in the car and mang Jun drove us all the way to The Medical City in Pasay. Sa information ako unang lumapit. Itinanong ko kung may inadmit silang student na ang pangalan ay Chiaki Yamada.
"Wait a moment please," nakangiti ang receptionist habang nagtatype sa kanyang PC. "Upo muna ako sa couch," paalam ni Rho. I nodded.
"Boyfriend mo ‘yung kasama mo? Bagay kayo," the receptionist said.
I shook my head. "Naku, hindi ko po siya boyfriend! Ahhm... ang boyfriend ko po ay ‘yung dadalawin ko sana dito—" Bakit ako nag-e-explain?!
Tinukso pa tuloy ako lalo ng receptionist. "I think he liked you that much para lang samahan kang dalawin ang boyfriend mo."
I don't want to think about that! I don't want to think about that! I chose not to respond. Instead, yumuko na lang ako.
"Ah, ito na. May inadmit nga kaming Chiaki Yamada sa emergency. Pero hindi naman siya na-confine. Nakaalis na siya two hours ago after his billing."
What?! Wala na si Aki dito?
Nakadama ako ng relief. Thank God at hindi naman pala seryoso ang nangyari sa kanya. Nagpasalamat ako sa receptionist bago lumapit kay Rho. When our eyes met, nagrewind sa isip ko na parang sirang tape ang sinabi kanina ng receptionist.
BINABASA MO ANG
Violin Tears (Edited)
Teen FictionPaano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?