Chapter 13
Krisha:
Wow! Ang laki ng bahay nina Rho! Three floors! Teka, ito nga ba talaga ang bahay nila? Hindi ba ako nagkakamali?
Sabagay, marunong akong sumunod sa directions. Malaki ang tiwala ko sa aking sarili pagdating sa mga galaan—este sa pagpunta sa mga lugar. ‘Yan ang isa sa mga pros ng pagcocommute!
Pipindutin ko na lang ang doorbell, nanginig pang bigla ang daliri kong nasa buzzer. Ano, itutuloy ko ba ‘to o uuwi na ako? Jusko, ngayon pa ako na-chicken pagkatapos kong mag-effort na pumunta dito?
Eh, nakakahiya rin naman kasi... Ano na lang ang sasabihin ng parents ni Rho kapag sinabi kong ako ang may kasalanan kung bakit siya nagcommute pauwi at naulanan on the process?
Kaso hindi ko pa nga talaga napipindot ang doorbell, bumukas na ang gate. Nakatunghay sa akin ang security guard. Hawak niya sa kanyang tenga ang celphone. "Ser, siya po ba ‘yun?" aniya.
Hala?! Ipapadampot ba nila ako kay manong guard tas dadalhin sa baranggay at ipapablotter?! Waaah! Krimen na bang maituring ‘yung nagawa ko?!
Tumingin sa’kin si manong guard kaya mas lalong bumilis ang lagabog ng puso ko. "Neng, pumasok ka na daw sa loob sabi ng amo ko."
What? Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang taka. Paano naman kaya nalaman ni Rho na dadalawin ko siya? Surprise nga dapat to, ah?! IT MUST BE THE TROLLZ.
Hinatid ako ni manong guard papasok. Malaki ang garden na nadaanan namin at bongga ang landscape! Sa may main door ay may naghihintay na lalake. Kahawig niya si Rho pero obvious na mas matanda siya ng ilang taon. Malalim ang eyebags niya pero hindi naman ‘yun kabawasan sa appeal niya. Nakasuot siya ng plain shirt at jersey shorts. Ngumiti siya pagkakita sa’min. Lumapit pa nga siya at hinawakan ako sa braso.
"Manong, salamat sa paghatid sa kanya. Balik na po kayo sa post ninyo," sabi niya kay manong guard bago siya bumaling sa’kin.
"Ano’ng pangalan mo?"
Kung makahawak siya sa braso ko, ‘di pa pala niya alam kung sino ako?!
"Krisha po." pabibo kuno kong sagot.
"Ahh... Ako si Sigma. Kuya ako ni Rho. Birthday ko ngayon, hindi mo ba ako babatiin?" Haynaku, parang alam ko na kung kanino nagmana si Rho ng pagkademanding. Pero mabait bait naman itong si Kuya.
"H-happy birthday, kuya." hayan binati ko na siya para wala siyang masabi. Malamang ang next niyan, hihingi siya ng gift. But then, hindi siya humingi ng gift.
"Salamat. Ah, tara sa loob," he said and guided me inside. Kung maganda ang bahay nila sa labas, mas maganda ‘yun sa loob kahit konti lang ang mga muwebles. Hindi masakit sa mata.
"Umupo ka muna diyan. Tatawagin ko si Rho. Kung gusto mo, may swimming pool sa likod at—"
BINABASA MO ANG
Violin Tears (Edited)
Teen FictionPaano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?