Sa sumunod na araw ay ang schedule ni Brice operasyon. Pumasok siya sa operating room upang iassist ang doctor na mag-oopera kay Brice.
Kabado man ay kailangan magfocus ni Miles sa ginagawa."Let's suture the blood vessels and finish up" sabi ng doctor sa buong team.
"Yes, doc."
Naging successful ang naging operasyon at masayang ibinalita ito ni Miles sa ina ni Brice.
"Pwede ko na bang makita ang anak ko Nurse Miles?"
"Pwede na po sa katunayan po niyan ay nailipat na namin si Brice sa normal room."
"Maraming salamat."
"Wala pong anuman."
Katatapos lang nang naging shift ni Izhi ng makita niya si Miles na naghihintay ng masasakyan sa labas ng hospital. Inistart niya ang motor at nilapitan ito.
"Sakay na, ihahatid kita sa inyo."
"Dyan mo na naman ako pasasakayin?"
"Yeah, what's wrong? Nga pala kumapit ka ng mabuti or shall I say yumakap ka ng mahigpit baka malaglag ka."
"Nananadya ka ba talaga?"
"Hindi ah and beside I am just giving you a favor kasi alam ko gustong gusto mo na yumakap sa akin."
"Whatever."
Binabaybay na nila ang daan pauwi nang biglang lumiko si Izhi na labis na ipinagtaka ni Miles.
"Hindi ito ang daan papunta sa amin ah. Saan mo ako dadalhin Izhi?"
"Itatanan na kita" walang kaabog-abog na saad nito.
"What?" sigaw ni Miles dito.
"Lower your voice please, nabingi yata ako sayo."
"Sorry ikaw naman kasi. Anyway, saan mo ba talaga ako dadalhin?"
"Secret."
"Sabihin mo na."
"May secret ba na sinasabi? Huwag ka na ngang makulit at saka 'wag ka din malikot dyan baka malaglag ka pa."
Dinala ni Izhi sa isang restaurant si Miles.
"Ano ito?"
"Alam mo naman na sinabi ko sayo na liligawan kita Miles medyo nadelay nga lang dahil pareho tayo naging busy sa hospital."
"I don't know what to say" nagugulumihanan siya sa binata.
"Wala ka naman ibang dapat sabihin kundi oo. Alam mo hindi ako umiibig sa isang babae in just a few days pero simula noong halik ginulo mo na ang sistema ko. Sinubukan kong pigilan kasi mali dahil magkaibigan tayo pero anong magagawa ko sa bawat oras na makita kita eh tumitibok itong puso ko. I know, I sound like a girl but this is what I feel."
Pinipigilan ni Miles na hindi mapangiti sa sinabi ng binata.
"Ano titingnan mo na lang ba ako? Hindi mo ba ako sasagutin ng oo?"
"Pag-iisipan ko muna."
"Are you rejecting me?"
"I didn't accept nor rejecting you, so chill."
"Sige, hihintayin ko ang magiging sagot mo. By the way, I have to give you something, here."
"Heart shape necklace?"natutop ni Miles ang bibig.
Isinuot ni Izhi sa dalaga ang necklace at tiningnan ito.
"Ang ganda mo."
"Salamat."
"Halika na kumain na muna tayo bago kita ihatid sa inyo."
Ramdam ni Miles na medyo nasaktan nya si Izhi nang hindi pa niya ito sinagot pero ayaw niyang masaktan ulit.
------------------------------------------------------------
Matapos ang OJT sa hospital ay nakapagtapos na sa North East Shoudo University sina Miles, Riann at Izhi. Pagkatapos din ay agad silang nagtake ng board exam at nakapasa din sila.
"Sa wakas isang license nurse na tayo MM!"sigaw ni Riann at tumalon talon pa.
"Oo nga eh ang saya!"
"Paano ba iyan MM, ikaw naman ang mangtreat sa akin. Nurse ka na oh" wika ni Aldrey.
"Oo ba punta ka mamaya sa bahay naghanda si nanay."
Napansin ni Miles na biglang nalungkot si Riann, nasa ibang bansa kasi ang parents niya na parehong divorse na. Niyakap niya ang kaibigan.
"Syempre pwede ka sa bahay Riann. Ano ka ba para ka na ngang anak ni nanay naku magtatampo iyon kapag hindi ka nakita."
"Wala naman kasing pakialam ang parents ko sa akin."
"Huwag ka ng malungkot nandito naman kami ni Aldrey para sayo."
"Tama si MM babe, nandito din naman ako. Hindi kita papabayaan alam mo iyan."
"Salamat sa inyong dalawa kung wala kayo malamang matagal na akong naging baliw."
Samantala umuwi naman ang ama ni Izhi para dumalo sa graduation rites. Nagkaayos na din ang mag-ama at tanggap na nito na doctor na talaga si Izhi.
Pinuntahan ni Izhi si Miles para i-congratulate ng personal ang dalaga.
"Congratulations isa ka ng ganap na nurse."
"Salamat, congratulations din sayo ng tatlong beses" ani Miles sa binata.
"Ha? What do you mean?"
"First dahil sa licence doctor ka na. Pangalawa dahil sa nagkaayos na kayo ng ama mo at pangatlo dahil oo ang sagot ko."
"Oo?"
"Oo sinasagot na kita sa panliligaw mo kaya congratulations Izhi Brice" nahihiyang saad ni Miles.
"Really? You just don't know how much you make me happy Miles."
"Ilang beses mo naman din napatunayan ang sarili mo sa akin Izhi kaya nga sinasagot na kita ngayon. Thank you for waiting for me at hindi ka napagod."
"Hinding hindi ako mapapagod na hintayin ka Miles dahil ganoon kita kamahal."
"Huwag mo lang akong saktan Izhi alam mo naman ang ginawa sa akin ni Paul, hindi ba?"
"Pangako hinding hindi kita sasaktan."
Isang mahigpit na yakap ang pinakawalan ni Izhi sa dalaga.
A/N:
Okay! Mabuhay ang bagong kasal hahahaha joke!😭😁
Next chapter is soon!
Huwag ka ng bibitaw kaibigan dahil sisimulan ko ng pahirapan si Miles at gusto ko madurog ang kanyang puso na gugustuhin niya na lang mamatay.hahaha
Bida siya e kaya aapihin ko ng bonggang bongga.Masochist lang.😉
BINABASA MO ANG
La Vista del Amor (The Vision of Love)
RandomMakakayanan mo ba na makita ang mahal mo na unti -unti nang nanlalamig sayo?Paano kung sumuko na ito na mahalin ka? Subaybayan ang pag-ibig na sinubok nang mata ng kasawian.