Nang makabalik si Izhi sa hospital puro litanya ang inabot niya kay Eric daig pa nito ang babae."Saan ka ba pumunta kahapon Izhi Brice alam mo ba na kay rami ng naging pasyente dito kahapon tapos mag-isa lang ako" nagtatagis ang mga bagang nito.
"Pasensya na biglaan lang kasi kailangan namin samahan si Brice sa school nito dahil family day."
"Brice?"
"Ah hindi ko pa pala nasabi sayo, siya iyong tinulungan namin ni Miles para makahanap ng donor."
"Ah ganoon ba, sige naiintindihan ko. I-text mo kasi ako ng malaman ko kung ano ang ginagawa mo."
"Sorry, it just slip my mind."
Isang matandang lalake ang naging pasyente ni Izhi ng araw na iyon ng Lunes. Iminuswestro niya ang upuan rito.
"Ano ang nararamdaman mo, sir?" tanong ni Izhi rito.
"Masakit at pumupula ang mata ko doc at minsan maluha luha itong mata ko kaya napagpasyahan ko na magpatingin."
"Ganoon ho ba" Izhi checked his eyes.
"Ano po ang meron sa mga mata ko doc? Hindi naman po ito seryosong kalagayan doc ano?"
"Sa katunayan po niyan sir mayroon po kayong corneal disease. The cornea is a dome shaped that is front of your eyes it helps to focus the lights that comes in. So base nga sa sinasabi niyo na sumasakit, pumupula at minsan maluha luha ang inyong mga mata ito ay mga sintomas ng corneal disease."
"So ano ang dapat kong gawin doc?"
"I suggest pwede po kayong magpasurgery."
"Pero doc wala po akong pera at isa pa may apo pa akong pinapag-aral. Wala po ba ibang solusyon sa kondisyon ko?"
"I will prescribed you a medicated eyedrops sir at pwede po kayong magsuot ng eyeglass."
"Salamat. Pero mahal ba ang eyedrop?"
"Hindi naman. Sa ngayon po ay bibigyan ko kayo ng libre. Kapag naubos na ang isang box eh kailangan niyo na po bumili sa pharmacy."
"Naku, maraming salamat Dr.Mendiola malaki na itong naitulong ninyo sa akin."
"Wala pong anuman sir."
=================================
Samantala kinuha naman si Miles ng pamilya Moriones bilang private nurse ng isang buwan. Kailangan niyang tumira sa bahay ng mga ito para alagaan ang nastroke na ina nito.
"Ito ang magiging kwarto mo simula ngayon Nurse Miles at kung nagugutom ka pwede mo lang utusan ang katulong dito para ipaghanda ka okay?" bilin ni Mrs. Carol.
"Salamat po."
"Sige, kailangan ko pa kasing bumalik sa opisina. Ikaw na muna ang bahala kay mama."
"Opo ma'am, ingat kayo."
Habang nirerecord niya ang vital signs nito nagsalita si Amelita.
"Hija, babalik pa ba ako sa dati?"
"Lola Amelita? Oo naman po as matter po ay okay naman ang mga signs ninyo at paunti unti niyo na rin naigagalaw ang mga kamay niyo, within a month mas magiging maganda na ang inyong recovery lola."
"Naku salamat para matulungan ko na din sa kompanya ang anak ko."
"Sige po, kailangan ko pang ihanda ang makakain ninyo. Excuse me."
Nang makababa inutusan niya ang kasambahay ng mga ito na maghanda ng makakain.
"Ang laki naman ng bahay na ito pero apat lang tayo dito. Saan pala ang mga anak ni Mrs.Carol?"
"Nasa abroad ang lahat at ang bunso lang nila ang nandito pero nasa condominium. Kapag week days lang kung umuwi dito 'yon" sagot ni Ella ang kasambahay ng pamilya Moriones.
"So saan pala ang asawa ni Mrs.Carol?"
"Naku Nurse Miles hiwalay na sila, nangbabae kasi tapos dito pa sa bahay hinalay ang babae nito kaya nakipagdivorse si ma'am dito."
"Pero 'di ba mother in law ni Mrs.Carol si lola Amelita?"
"Oo pero siya ang kinampihan ni lola Amelita kaysa sa sariling anak nito kaya pinalayas nito si sir."
"Kaya naman pala hindi ko nakikita ang ex husband ni Mrs.Carol dahil divorse na pala ang mga ito."
"Secret lang natin ito Nurse Miles ah pero iyong si sir kasi may pagkamanyak. Ako nga muntik ng mahalay ng lalakeng iyon buti na lang nariyan si lola Amelita at natulungan ako. Buti nga wala na iyon dito sa bahay."
"Ah ganoon ba, tapos ka na ba sa paghahanda ng pagkain ni lola?"
"Oo heto."
"Salamat Ella sige aakyat muna ako sa taas pakakainin ko muna si lola."
Matapos pakainin ni Miles si Amelita ay nagtungo siya sa kanyang silid para magpahinga saglit.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa tatlong linggo ay nasa maayos naman na kalagayan si Miles. Mabait ang naging pagtungo sa kanya ni Amelita at Mrs.Carol gayundin ang kasambahay nito na si Ella.
Dumalaw din ang anak ni Mrs.Carol at nakalagayang loob naman ito ng dalaga. Ngunit isang araw nabulabug ang bahay ng umuwi ang anak ni Amelita, ang ex husband ni Mrs.Carol.
"Ano ang ginagawa mo dito walang hiya ka!" sigaw ni Mrs.Carol.
"Bakit bawal na ba akong dumalaw sa mama ko? Alalahanin mo Carol ina ko pa rin ang may-ari ng bahay na ito kaya 'wag mo akong pagbabawalan kung gusto kong pumunta dito."
"Sana inisip mo 'yan noon pang naaksidente si mama, ni anino mo nga hindi ko nakita sa pamamahay na ito tapos ngayon magpapakita ka dito."
"Pwede manahimik ka na! Ella, pakitimpla mo nga ako ng maiinom" utos nito sa katulong.
"Opo, sir."
Sa huli pumayag rin si Carol na magstay muna sa bahay ang ex husband. Ipinakilala rin si Miles sa dating asawa na si Vic. Isang tanghali kausap ni Miles si Izhi sa telepono.
*while on phone*
"Oh shatsie, napatawag ka yata?"
"Nais ko lang na kumustahin ka. Maayos naman ba ang trabaho mo dyan?"
"Oo naman shatsie, mababait ang mga Moriones sa akin. Sa katunayan nga niyan ay nakalagayan ko na ng loob ang mga tao dito sa bahay."
"Ganoon ba, mabuti naman. I just checked, hindi ko kasi mapigilan ang mag-alala sayo."
"No need okay, nasa maayos akong kalagayan at isa pa magconcentrate ka na lang dyan sa mga pasyente mo."
"Sige I'll call you later, may pasyente kasing dumating."
"Sige shatsie, love you ingat ka."
"Love you too, ingat ka din dyan. I'll hung up now" paalam ng binata.
Nang maibaba ni Miles ang telepono nagulat siya nang biglang magsalita si Vic. Nasa mid 40's na ang lalake pero walang bakas ito ng katandaan at nanatiling matikas pa rin ang pangangatawan sa madaling salita gwapo pa rin ito.
"Hi. Boyfriend mo ang tumawag?"
"Ah opo sir."
"Maswerte ang boyfriend mo sayo. May girlfriend siyang kasing ganda mo."
"Naku nambola pa ho kayo pero salamat po. Excuse me lang po, pupuntahan ko muna si lola Amelita."
Napansin niyang sinenyasan siya ni Ella na mag-ingat sa lalakeng amo.
A/N:
All Izhi's medication to the patients were just research on the Google so hindi ako sure if tama ito.
BINABASA MO ANG
La Vista del Amor (The Vision of Love)
De TodoMakakayanan mo ba na makita ang mahal mo na unti -unti nang nanlalamig sayo?Paano kung sumuko na ito na mahalin ka? Subaybayan ang pag-ibig na sinubok nang mata ng kasawian.