Chapter 31 (Pagbabalik)

423 8 0
                                    


Nang makabalik sa Maynila ay puro sermon at palo ng sandok ni Aling Melen ang inabot ni Miles.

"Nay naman oh kababalik ko lang nga ng Maynila ito agad ang isasalubong niyo sa akin" himig pagtatampo pa ng dalaga.

"At bakit hindi, labis mo kami pinag-alala ng tatay mo alam mo ba iyon ha? Sa ilang gabi hindi kami nakatulog sa pag-alala sayo!"

"Heto naman ho ako oh alive and kicking. At isa pa inay galos lang naman ang natamo ko. Dyan pa siguro ako sa pagpalo niyo ng sandok maisugod sa ICU" biro niya sa ina.

"Miles Meriz tigilan mo ako ah. Sige na magpalit ka na ng damit ng makakain ka na tingnan mo nga ang sarili mo oh nangangayat ka na. Ano ba ang kinakain mo doon sa Albay?"

"Abo po ng Mayon hahaha" isang hirit niya pa sa ina dahilan upang paluin siya nito ng sandok muli.

"Hala sige na MM kilos na. Itutuloy ko muna itong pagluluto ko."

"Si nanay namimisikal talaga."

Napansin ni Miles na kanina pa walang imik ang ama niya kaya mabilis niya itong nilapitan.

"Tay, kanina pa po kayo tahimik dyan?"

"Wala naman masaya lang ako na nandito ka na. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ng nasa Albay ka pa. Bakit ka ba kasi nagpahulog sa bangin ha bata ka?"

"Sinukat ko lang ho kung malalim ba" biro niya sa ama.

"MM! Puro ka kalokohan sinabi ko na sayo na magbihis na ng makakain" sigaw ng nanay niya mula sa kusina.

"Sige na anak baka paluin ka ulit ng sandok ng nanay mo ma ICU ka talaga" biro ng kanyang ama.

"Hoy Delfin sige gatungan mo pa talaga iyang anak mo. Hindi na ako nagtataka kung saan 'yan nagmana" sigaw ni Melen sa asawa.

Naghigh five naman sa ere ang mag-ama at tumawa ng mahina.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Sa sumunod na araw ay agad na nagreport sa East Hospital si Miles. Nang hapon na iyon ay nagkaroon sila Miles at Izhi ng double date kasama ang kaibigan na sina Riann at Aldrey.

"Hoy bruha ka pinag-alala mo ako ah akala ko kung ano na ang nangyari sayo sa Mayon" litanya ni Riann.

"Ay natouch ako sobra. Ipinag-uwi sana kita ng lava" at sinabayan ito ng halakhak ni Miles.

"Halos buong araw niyan ako kinukulit na sundan ka sa Albay" dagdag ni Aldrey.

"Dahil nag-alala ako kay MM. Ikaw nga dapat mag-alala dyan dahil kababata mo siya."

"Hindi na ako nag-alala pa alam ko naman na makakaligtas siya doon kahit anong mangyari dahil masamang damo yata 'yan" biro ni Aldrey.

At isang hampas sa balikat dito ang pinakawalan ni Miles.

"Mas masamang damo ka pa kaya sa akin noh! Shatsie oh inaaway ako ni Aldrey."

"Childish" halos pabulong na pagkakasabi ni Izhi.

"What?"

"Wala, sabi ko order na tayo ng pagkain kasi ginugutom na ako."

"Siya guys tama si Izhi ginugutom na rin ako eh" segunda ni Aldrey.

"Eh kailan ka ba hindi nagutom lagi mo akong inaasar dahil siba ako sa pagkain, ikaw din naman" nakasimangot na saad ni Miles kay Aldrey.

Matapos nilang kumain ay nagkanya kanya na silang umuwi. Samantala inihatid naman ni Izhi ang dalaga sa bahay nito.

"Hey! Inaantok ka na ba shatsie?" tanong ni Izhi.

"Medyo. Buong araw kasi akong on duty sa mga pasyente kaya napagod ako ng sobra."

"Sige na matulog ka na muna riyan gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo sa inyo."

"Pasesya ka na ngayon sa akin shatsie kung hind ako makikipag-usap sayo dahil sobrang antok ko na talaga."

"Ano ka ba Miles no worries. Sige na magpahinga ka na muna."

Nasanayan na kasi nila na sa byahe pauwi ay nagkukwentuhan sila about current issues or about sa mga naging pasyente nila.

Minsan nauuwi pa nga sila sa pagkakatampuhan dahil magkaiba ang nagiging perceptions nila towards a certain issue pero 'di kalaunan may isa naman sa kanila ang magpapakumbaba.

A/N:

Hi readers dahil sa patuloy ka na nagbabasa pababaunan kita ng palaisipan ngayon.

'Sino ang sasagipin mo, ang plastic mong kaibigan o ex mong manloloko?'

send me your messages guys👌😊

La Vista del Amor (The Vision of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon