Nang makabalik sa Maynila agad na hinarap ni Izhi ang naiwan niyang trabaho. Samantala si Miles naman ay nakabalik na sa kanyang trabaho."Nurse Dee papasukin mo na ang next patient, please" ani Izhi sa nakaassign sa kanyang nurse.
"Yes, doc."
Pumasok ang isang estudyante. Matapos niyang mai-examined ang mga mata nito ay pinayuhan niya ito.
"Doc, may problema po ba sa mga mata ko?" may pag-aalala sa tinig nito.
"So far wala naman akong nakitang serious case may eyestrain ka lang. Lagi ka bang nasa harap ng cellphone o computer? "
"Madalas po nasa harap ako ng computer doc kasi po ang totoo niyan ay writer ako ng wattpad."
"Ganoon ba. Well may eyestrain ka it was when you overuse your eyes in reading or working in a computer. You know your eyes need to rest for a while just like any part of the body. If your eyes feel strained, just give them some time off. If they still weary for a few days I suggest na bumalik ka dito for another check-up, okay?"
"Yes doc, salamat po."
Matapos maexamined ang mga pasyente ay isinandal ni Izhi ang katawan sa swivel chair at ipinikit saglit ang mga mata.
Mayamaya nagulat na lang na lang siya nang may dumampi na labi sa pisngi niya. Nang imulat niya ang mga mata isang nakangiting Miles ang bumungad sa harap niya.
"Tired?"
"Hmmm yeah, pero ngayon hindi na dahil nandito ka na."
Hinila ni Izhi ang dalaga sa kandungan nito at niyakap ang baywang nito. Impit naman napatili ang dalaga sa gulat.
"Ano pala ang ginagawa mo dito?"
"Tapos na ang trabaho ko sa field ibinalik na ako dito sa hospital. Dinalhan nga pala kita ng makakain sabi kasi ni Eric ay hindi ka pa daw kumakain sa rami ng pasyente ninyo."
"Thanks."
"Halika na kumain ka na habang mainit pa ang ulam na dala ko" tatayo na sana si Miles nang pigilan siya ng binata kaya napaupo ulit siya dito.
"Hey! Ano ba tatayo na ako."
"Can we stay like this for a while?"
"Hmm okay. Teka akala ko ba pagod ka, hindi ka ba nabibigatan sa akin?"
"It's okay hindi ka naman mabigat."
"Sus bolero! If I were know nagrereklamo ka na deep inside" ismid niya rito.
"Promise hindi talaga" at para itong sira na itinaas pa ang kanang kamay.
"Hahaha 'di nga?"
"Di nga."
"Ayaw ko maniwala."
"Ayaw mo talaga maniwala ? Pwes!Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sayo shatsie" banta niya dito.
Alam na ni Miles na balak siyang kilitiin ni Izhi.
"My gosh! NO!" biglang umalis si Miles sa kandungan ng binata at tumakbo malapit sa hospital bed.
"You can't run away from me lady" habol ni Izhi.
Nagpaikot ikot ang dalawa sa hospital bed hanggang sa hinihingal na sila pareho.
"You can stop now man you can't catch me" she taunts him.
Biglang tumalon sa kama si Izhi at inabot ang dalaga sa labis na gulat ay naout of balance si Miles at napahiga sila sa kama.
BINABASA MO ANG
La Vista del Amor (The Vision of Love)
RandomMakakayanan mo ba na makita ang mahal mo na unti -unti nang nanlalamig sayo?Paano kung sumuko na ito na mahalin ka? Subaybayan ang pag-ibig na sinubok nang mata ng kasawian.