Masakit man tanggapin pero kailangan ng tanggapin Miles na bulag na talaga siya.But her life won't stop there.
Naisipan niyang mag-ayos ng araw ng iyon. Nagpatulong siya kay Kitty sa kung ano ang susuotin at maging sa pag-apply ng kaunting make-up.
Gusto niyang maging maganda sa paningin ni Izhi upang makabawi sa lahat ng pambabalewala niya dito sa nakaraang mga araw.
Siya na rin mismo ang tumawag sa Peach Restaurant para magpareserve ng lunch. Tanghali ng tinawagan niya sa phone nito si Izhi.
"Can we meet?" simula ni Miles.
"Bakit? Did something happen?"
narinig niya na may pag-alala sa boses ng binata."It's just...(silent)."
"Hey! Are you still there?"
"Y-Yeah. Ano ahm, can we have lunch together? I reserved lunch in Peach Restaurant kung okay lang sayo?"
"Of course, shatsie. Okay, I will go to pick you now."
"See you, ingat."
Lubos lubos ang kasiyahan ni Izhi ng araw na iyon dahil pinansin na siya ni Miles.
Maingat niyang inalalayan ang dalaga para makapasok sa kotse bago imaniobra ang manibela. Pansin ng binata na tahimik si Miles ginagap niya ang kamay nito at dinala sa labi.
"Hmmm...tahimik ka yata, shatsie?"
"Ahm, maganda parin ba ako?"
He chuckles.
"Bakit ka tumatawa dyan? Pangit na ako ganoon?"
"It's not like that. Let me tell you this, paningin mo lang ang nawala shatsie pero ang ganda mo inside and out. Your inner beauty are still there it won't fade."
"Talaga?"
"Yeah."
"Talagang talaga?"
"Talagang talaga hahaha kulit mo. If you won't believe I'll make you believe."
"Paano?"
Mabilis na inihinto ni Izhi ang sasakyan at kinabig si Miles para bigyan ng mapusok na halik. Halos mapugto ang hininga ng dalaga rito hindi niya ito inaasahan.
"How about that? Naniniwala ka na ba ngayon?"
Batid ni Miles na malaki ang ngiti sa kanya ng binata.
"Nakaisa ka talaga sa'kin Izhi Brice ah" she pout.
"I can make it twice if you want."
"Stop it sige na magmaneho ka na para makarating na tayo."
It was a private room. Nang makarating agad na inalalayan ni Izhi ang dalaga papasok sa restaurant.
Hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Miles ang mga komento ng mga customer nang pumasok sila sa restaurant.
"Ay ang bagay nila, gwapo iyong lalake at maganda naman si girl kaso teka bulag ba siya?"
"Naku pustahan mga friend iiwan din 'yan ng lalake. Kung ako ba naman ang lalake magtyatiyaga ba ako sa isang bulag? No way!"
"Hindi ba si Doc Vijandre iyan iyong sikat na Optometrist?"
Nasaktan si Miles sa mga narinig kaya nang makapasok sa private room ay agad na napaiyak siya na labis na ikinagulat ni Izhi.
"Shatsie? Huwag mo na silang pansinin" pang-aalo ng binata.
"Ayos lang naman kung anu-ano ang sabihin nila sa akin pero hindi ko maatim iyong nadadamay ka na Izhi. You don't supposed to deal with this."
"I can deal with it Miles because you are part of me."
"But I can't continue like this lalo na at nasasaktan ka na."
"Now what? Do you want us to break up?"
"Kung iyon ang mas makakabuti para sa iyo."
"Makakabuti sa akin? How about you?"
"I can bear with it."
"You are just being blinded by what you heard shatsie huwag mo naman gawin ito sa akin."
"Sorry."
"You know how much I love you Miles kahit nawala ang paningin mo hindi kailanman nabago iyon."
"I love you more pero..."
"I will never let you go Miles. I will hold your hand no matter what," kasabay noon hinawakan ni Izhi ang mga kamay ng dalaga.
Bumitiw si Miles sa hawak ng binata at tumalikod rito.
"Izhi, I don't want to do this pero hindi ko maatim na masira ang image mo ng dahil sa akin."
"What about me Miles? Ano lang ba ako para sayo?"
"Syempre boyfriend kita. Ano ba naman klaseng tanong 'yan?" napayuko siya rito.
"So bakit hindi mo ako kayang pagkatiwalaan?"
"Hindi naman sa ganoon. Ayaw lang kita masaktan at masira ang career mo ng dahil sa akin!"
"Pero nasasaktan mo na ako! Wala akong pakialam sa mga sasabihin ng iba sa akin Miles. Ikaw ang mas mahalaga kaysa career ko pero hindi mo iyon pinaniwalaan bagkus pinagdudahan mo pa ako."
Umiyak na lang ng umiyak si Miles kaya niyakap siya ng binata ng buong pagsuyo.
"Sorry! Sorry....sorry" she said between her sobs.
"Ssshh...It's okay."
"Sorry, I know you were going to hate me now for not trusting you."
"I can't hate you because I am more in love with you."
Iniharap ni Izhi ang dalaga sa kanya at hinawakan ang mga kamay nito.
"You are the most important for me shatsie. I know we have a lot of awful than good days this past weeks but its love. You were the best definition of my life. I love you so much," kinuha ni Izhi ang kahita sa bulsa.
kinuha rito ni Izhi ang isang 24 carat silver ring with infinity cut at isinuot ito sa dalaga.
"Happy birthday, shatsie."
Walang nagawa si Miles kundi ang umiyak. Akala niya kasi ay kinalimutan na ng binata na kaarawan niya.
"Hey! Why are you crying?"
"Kasalan mo 'yan may pa singsing ka pa kasi sa birthday ko. Thank you akala ko talaga nakalimutan mo na."
"Syempre hindi. Pinaghandaan ko ang araw na ito kaso akala ko talaga hindi ko na maibigay sayo gayong ayaw mo akong kausapin."
"Izhi Brice you're worse but I love you."
Napangiti si Izhi sa winika ng dalaga at ginawaran niya ito ng banayad na halik na tinugon naman ni Miles ng buong pagmamahal.
Naglakbay naman ang mga kamay ni Izhi sa katawan ng nobya.
"Wait! Can we go somewhere to do this?"
Nagulat man si Izhi pero napangisi naman siya sa huli.
"Best birthday gift ever!" bulalas ni Izhi.
Sa katunayan ay magkasabay ang kaarawan ni Miles at Izhi kaya lagi nila itong sinecelebrate ng magkasama. They are just FATED.
BINABASA MO ANG
La Vista del Amor (The Vision of Love)
RandomMakakayanan mo ba na makita ang mahal mo na unti -unti nang nanlalamig sayo?Paano kung sumuko na ito na mahalin ka? Subaybayan ang pag-ibig na sinubok nang mata ng kasawian.