Chapter 11 (Birthday Present)

527 11 0
                                    


Isang flowy dodger blue long sleeves na umaabot hanggang sa may talampakan na may one slit ang napiling isuot ni Miles para sa birthday party ng mommy ni Izhi.

By seven dumating na sa bahay ng mga Dominicah si Izhi para sunduin sina Miles at kitty.

"Oh kuya Izhi, nariyan ka na pala."

"Nasaan na ba ang ate MM mo Kitty, huwag ninyo naman paghintayin iyang si Izhi" wika ni Delfin.

"Ate, bilis na. Nandito na si kuya Izhi" tawag ni Kitty sa kapatid.

"Nariyan na. Pasensya na Izhi at natagalan ako" biglang labas ni Miles.

"Hi. You look amazing'' tila natulala na sabi ni Izhi sa dalaga.

"Thank you. Let's go baka mahuli pa tayo sa party ng mom mo."

"Sige po tito at tita, alis na po kami."

"Sige hijo, alagaan mo ang dalawang dalaga namin ah."

"Huwag po kayong mag-alala I will take care of them."

Hindi naman mahaba ang biyahe at nakarating din agad sa masyon sina Miles, Kitty at Izhi. Maraming bisita ang dumating at may dumadating pa. Nilapitan ni Izhi ang ina at ipinakilala sina Miles.

"Hi mom, this is Miles kaibigan ko."

"Miles Meriz Dominicah po ma'am at ito po ang kapatid ko si Kitty."

"Hi hija (bumeso) glad you came. So ikaw pala si Miles, alam mo ba na lagi kang bukambibig ng mama kesyo bagay daw kayo nitong si Izhi."

"Po? Nakakatuwa naman po si lola."

"Pero wala ba kami kailangang i-expect sa inyong dalawa?"

"Mom enough! Pinapahiya niyo ako kay Miles niyan eh" saway ni Izhi sa ina.

"What's wrong, you are both single."

"By the way ma'am, heto po regalo namin ni Kitty"sabay abot ni Miles sa regalo.

"Naku nag-abala pa talaga kayo at saka tita na lang ang itawag mo sa akin."

"Ah sige ho, tita."

"Siya sige, I'll excuse myself for a while. Kailangan ko munang puntahan ang mga amiga ko."

Umalis na ang ina ni Izhi at nakipaghalubilo sa mga kaibigan nito. Sa may garden ng mansyon ginanap ang party. Magkasama sa isang mesa sina Kitty, Miles, Elmer at Izhi.

"Pasensya ka na kay mom kanina ah, nagmana din kasi ng kakulitan kay impo" ani Izhi.

"Ikaw naman kasi bakit hindi ka na lang humanap ng girlfriend ng hindi na ako napagkakamalan na girlfriend mo."

"Eh wala pa naman akong natitipuhan ulit. You need to know na ayaw ko pang matali."

His ex are the one who broke up first in his last relationships.

"Bakit ba kayong mga lalake ayaw matali?"

"I don't know, maybe my ex are not yet the one. They are making so much demands that I choke in our relationship."

Napapailing na lang si Miles sa binata.
Hindi successful ang mga unang relasyon ni Izhi kaya hindi nagtatagal ang kanyang relasyon sa mga ito. Aminado naman din ang binata na partly may mali siya dahil hindi niya napagtuunan ng pansin ang mga ito, naging busy kasi siya sa pag-aaral para lang patunayan sa ama na hindi siya nagkamali sa napiling kurso.

Kaya ngayon he is waiting for the right girl his heart would beat.

------------------------------------------------------------

Naging masaya naman ang celebration ng birthday ng ina ni Izhi.
Maghahating gabi na nang matapos ang selebrasyon at mag-uwian ang mga bisita.

Lumapit si Miles kay Vina upang magpaalam.

"Uuwi na po kami tita. Salamat po at maligayang kaarawan ulit."

"Ako nga itong dapat magpasalamat dahil nakadalo kayo at sa regalo ninyong magkapatid."

"Walang anuman, tita."

"Siya sige, ingat kayo. Izhi anak ihatid mo na sina Miles at Kitty sa bahay nila at gabing gabi na."

"Yes mom. Miles, let's go."

Nang makarating sa kanilang bahay.

"Ate, pasok na ako sa loob" wika ng kapatid.

"Sige pakisilip kong gising pa sina itay at inay."

"So paano aalis na ako Miles para makapagpahinga ka na din" ani Izhi.

"Sige ingat ka, salamat ulit sa paghatid."

Nang makapasok ang dalaga Izhi started the car at pinaharurot ito. Nang makabalik sa mansyon nakita niya ang ina at ang kapatid na si Elmer na nagbubukas ng mga regalo.

Naalala ni Izhi na hindi niya pa pala naibibigay ang regali sa ina kaya pumanhik siya sa kwarto at kinuha ito.

"Hi mom, this is for you."

"Oh really? Naku salamat anak."

"Muntik na ngang magtampo si mom sayo kuya. Akala niya kasi nakalimutan mo na siyang bigyan ng regalo" sabad ni Elmer.

"Hahaha buksan niyo na mom."

"(Nang mabuksan ang regalo) Wow! It's a necklace, thank you Izhi dear."

"You're welcome mom. Let me do the honor?"

"Sure."

Nang mailagay sa ina ang kwintas kumuha ito ng salamin at tiningnan ang repleksyon.

"I really love it Izhi. It makes me look young."

"Sinamahan po ako ni Miles na bumili at siya mismo ang pumili niyan."

"Really? Naku natutuwa talaga ako niyan sa batang iyan she knows my taste ah."

"Oo nga po, kaya sa kanya ako nagpatulong."

"Ligawan mo na anak, ganyan ang mga gusto kong maging girlfriend mo."

"Ayan na naman po kayo mom ah, kaibigan lang ang tingin ko kay Miles walang halong malisya."

"Eh 'di lagyan mo ng malisya hahaha."

Napapailing na lang si Izhi sa sinasabi ng ina.

A/N:

Keep reading and touch the stars to vote guys.👌☺

La Vista del Amor (The Vision of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon