Chapter 7 (Training Week)

669 8 0
                                    


Tatlong oras na sa study room si Izhi at nangangawit na ang kamay niya sa hawak na Ophthalmology book na singbigat ng dalawang kilo ng bigas.

*knock*

"Pasok."

"Izhi, magmeryenda ka muna heto pinaghanda kita ng brownies at juice" wika ng kanilang kasambahay.

"Salamat ho manang. Ilapag niyo na lang dyan sa mini table. By the way, dumating na ba si mom?"

"Wala pa,may meeting daw iyon ngayon at malilate sa pag-uwi."

Ang mommy ni Izhi na si Vina ay isang dealer ng pabango habang ang ama na si Ricardo ay isang engineer abroad.

"Nga pala tumawag ang daddy mo kanina at pinapasabi na magpapadala daw siya bukas sayo ng pera."

"Ah ganoon po ba, sige ho salamat."

Tumango ang kasambahay at lumabas na ng pintuan.

Ang amang si Ricardo ay nais na maging inhenyero si Izhi kaya laking pagkadismaya nito na doctor ang kinuha niya kaya hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakausap mag-ama.

The other day nagsimula na ang training ni Izhi sa pagiging doctor pero una kailangan nilang dumalo ng symposium at mga seminars.

"Kailan ang next seminar brod?"tanong ni Eric.

"Sa pagkakaalam ko bukas."

Si Eric ay isang Optometris din katulad niya. Dahil sa sunod sunod na symposium at seminars hindi na nakakapirmi sa bahay si Izhi ng isang oras.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Sunod sunod na din ang naging seminars ni Miles. Nang umagang iyon nakagayak na ang dalaga para lumakad.

"Nak,heto na ang baon mo."

"Salamat inay."

"Halika na MM, ihahatid na kita."

"Huwag na 'tay sasakay na lang ho ako ng jeep malapit lang naman iyon."

"Huwag ng matigas ang ulo MM, mamasada din naman ako kaya ihahatid na lang muna kita."

"Okay. Inay, aalis na ho kami."

"Sige, ingat kayo."

Nang makarating sa social hall ay agad ng nagpaalam si Miles sa ama.

"Tawagan mo ako mamaya anak para masundo kita."

"Naku ang tatay naman itinulad niyo naman ho ako kay Kitty malaki na ako 'tay kaya ko na ang sarili ko at isa pa kasama ko naman mamaya si Riann."

"Syempre nag-aalala lang ako anak alam mo naman sa panahon ngayon delikado ng umuwi mag-isa idagdag pa at babae ka."

"Huwag po kayo mag-alala at hindi ako mapapahamak, bago pa nila ako magalaw eh may latay na sila sa mata itay. Pasasaan pa at spartan itong anak mo" she assured her father.

"Sigurado ka?"

"Opo, gusto niyo pakitaan ko kayo ng isang matagumpay na suntok?" wika niya matapos yakapin ang ama.

"Puro ka talaga kalokohan. Sige mamamasada na ako."

"Ingat ka 'tay."

Ang layunin ng seminar ay para turuan ang mga nurse kung ano ang gagawin sa oras ng sakuna. Nagkaroon naman ng bagong mga kakilala si Miles tulad nina Mary at Rosel na katulad niya ay nursing din ang kinukuha.

Pagkatapos ng seminar ay niyaya ni Riann si Miles na magpunta sa mall bago umuwi kasama ang boyfriend nitong si Aldrey.

Third wheel na naman ang labas nitong si Miles.

"Uuwi na lang ako thirdwheel na naman ako sa inyong dalawa" himutok ni Miles.

"MM okay lang 'yan mas masaya nga kung nandyan ka."

"Naku Riann tigilan mo ako baka kamo ikaw lang ang nagsasaya."

"I-treat ka namin kaya sumama ka na."

"Sige na nga."

"Ang daling kausap ah humanap ka na kasi ng boyfriend ng may nanglilibre na sayo" usal ni Aldrey.

"Ang sabihin mo lang eh kuripot ka Aldrey! Riann oh bf mo ayaw yatang manglibre."

"May nagawa yata akong kasalanan in my past life kaya may kaibigan ako na kagaya mo."

"Kukutusan na talaga kita Aldrey!"

"Hep! Tama na nga yan ang gulo ninyong dalawa. Babe, ilibre na natin si MM alam mo naman basta gutom eh lumuluwang ang turnilyo niyan sa ulo."

"Hmmp! Tara na nga!"

Tawa ng tawa sina Riann at Aldrey sa kaibigan. Sinamaan ng tingin ni Miles ang dalawa.

Matapos nila magliwaliw sa mall inihatid si Miles nina Riann at Aldrey sa bahay nito.

La Vista del Amor (The Vision of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon