Chapter 2 (Market Convo)

1.7K 28 0
                                    


Sa sumunod na araw walang pasok si Miles kaya siya na muna ang tumao sa pwesto nila sa palengke. Kitang kita niya ang babaeng nagbibenta katabi nila kung paano nito ipangalandakan ang dibdib nito sa customer.

Ngayon may malaki na siyang hinaharap sentimyento ni Miles. Lumipat ang lalake sa pwesto nila kaya tuwang tuwa si Miles, todo ngiti pa siya.

"Hi sir, magandang tanghali po. Ano po ang bibilhin ninyo?"

"Bigyan mo nga ako ng isang bungkos ng petsay."

"May iba pa po ba kayong bibilhin?"

"Itong mangga na lang, sariwa ba ang mga ito?"

"Oo naman po, magtanggal po kasi kayo ng shades ng makita ninyo ng malinaw."

Labis ang gulat ni Miles sa naging customer niya ng tanghaling iyon. Hindi siya makapaniwala na pumupunta sa ganoong lugar ang kaklase.

"Ikaw?"

"You look surprised?"

"Malamang, of all places dito pa talaga kita makikita. Ano ba ang pumasok dyan sa kukote mo at bumili rito?"

"Why do you need to interrogate  me for buying here?"

"Ayos oh! Tinatanong ko siya, sinagot niya din ako ng isa pang tanong. Naitanong ko lang naman kung ayaw mong sagutin eh di 'wag."

"Is that the way how you treat your customer?"

"Hindi naman sa lahat. May bibilhin ka pa ba?"

"Wala na, how much?"

"150 lahat."

"Here (sabay abot ng pera). By the way, may I know your name?"

"Miles Meriz Dominicah but you can call me MM for short, bakit?"

"Wala gusto ko lang malaman tutal magkaklase naman tayo."

"Ang dami mong sinabi. Sige na alis na at marami pa akong ibang customer."

"Thanks."

Nagtataka si Miles kung bakit niya laging nakakatagpo ang binata. Umaakyat kasi to the highest level ang kanyang dugo sa tuwing kaharap ang lalake. Matindi kasi ang galit niya sa mga lalake dahil para sa kanya nagpapaiyak lang ito ng mga babae.

Call her bitter or manhater she don't give a damn.

Paano naman kasi ang magaling niyang ex ay walang ginawa kundi niruyakan ang puso niya. Minahal niya ito ng sobra tapos niloko lang siya ng hinayupak.

Grrr...Dahil sa labis na ngitngit ay nalamukos na ni Miles ang hawak na kangkong.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Gabi na nang makauwi sa bahay nila si Miles dahil sa rami na rin ng mga customer.

"Naririto na po ako."

"Oy anak ginabi ka yata?"

"Nay, alam niyo ba na dinagsa na naman ang ating pwesto. Iba talaga ang karisma ko sa mga mamimili," palatak ni Miles.

"Nagagandahan lang ang mga iyon sayo ate."

"At least inamin mo rin sa sarili mo na maganda ako sister."

"Binabawi ko na pala, ako talaga iyong maganda."

"Magtigil na kayong dalawa dyan halina kayo at kakain na tayo."

"Alam ninyo mga anak ang talagang unang maganda ay ang nanay niyo" wika ng kanyang ama.

"Ayiee ang inay at itay ang sweet pa rin kahit gurang na."

"Ang sabihin mo ate naiinggit ka lang, humanap ka na kasi ng boyfriend."

"Tigilan mo ako Kitty ah. 'Nay oh si kitty" kinurot niya ang kapatid.

"Nay oh si ate, nangungurot."

"Huwag mo ng patulan iyang kapatid mo MM. Tama naman ang sinasabi niya."

"Itay si nanay oh" pasaklolo niya sa ama.

"Binibiro ka lang eh nakabusangot na agad iyang mukha mo."

Malapit sa ama't ina ang magkapatid na Kitty at Miles kaya gayon na lamang ang kanilang pagbibiruan kapag kasama ang mga ito.

------------------------------------------------------------

Samantala, inabot naman ni Izhi ang mga pinamili sa kanyang lola.

"Oh ano apo 'di ba maganda iyong tindera doon sa palengke?"

"Po? Si impo naman iyon agad ang tinanong sa akin."

"Oo naman, naku magiliw talaga ang babaeng 'yon."

"Ang sungit niya impo."

Tinawanan lang siya ng kanyang lola.

"Apo ang bait ng batang iyon naku kaya nga magiliw talaga ako sa kanya."

"Impo ang rami niyo naman pong alam?"

"Syempre matagal na akong suki doon sa pwesto nila."

"Ganoon po ba. Sige ho impo, akyat muna ako sa taas."

"Ligawan mo kaya apo?"

Biglang napalingon si Izhi sa sinabi ng lola.

"Ligawan? Naku impo baka may boyfriend na 'yon.''

"Eh kung wala, ligawan mo na apo."

Napapailing na lang si Izhi sa sinasabi ng abuela. Ang 'Impo' ay ibang tawag sa lola.

Napapaisip pa lang siya na nililigawan si Miles eh parang dumadaan na siya sa butas ng karayom.

Kinabukasan, naglalakad siya sa hallway when a girl approached him. Izhi think immediately how to ditch the girl. Sakto naman at nakita niya si Miles agad niya itong nilapitan at inakbayan.

"I am sorry dear but I have business with this woman" he wiggled his eyebrows to Miles.

"What? Okay, next time."

Izhi sigh in relief.

"Ano na namang kabaliwan ito Mr. Vijandre?"

"I planned to ditch that girl then I saw you."

"Whatever, dyan ka na nga at may pupuntahan pa ako."

"Sasamahan na lang kita saan ba 'yan?"

"Ayaw nga kitang nakikita, makakasama pa kaya" ingos niya.

"Teka nga pansin ko lagi mo na lang ako sinusungitan ah sa pagkakaalam ko wala naman akong kasalanan sayo."

"(She sigh) Ayaw ko ng nilalapitan ako."

"I am not contagious Miles. And I just want to be friends with you, that's all."

"Pasensya na, alam ko mabuti ang intensiyon mo but pinairal ko pa talaga ang katarayan ko."

"Good at last you realize it now."

"Sige na nga payag na ako na maging magkaibigan tayo" she said out of the blue.

"That's great. So friends na tayo ah. Halika kain tayo, treat ko. Pampabuenas dahil sa magkaibigan na tayo."

"Yuck! Corny nito."

"Biro lang, naniwala ka naman. Kakain tayo dahil syempre nagugutom na ako."

"Hmp. May pupuntahan pa ako ikaw na lang."

"Alam mo ikaw ang KJ mo, ngayon lang ito. Sige ka ikaw din kung gusto mong magutom."

"Sige na nga. Oh ano na? Kukupad kupad tayo?" sita niya ng hindi pa rin kumikilos si Izhi.

"Heto na nga bibilisan na."

"Kapag babagal bagal ka dyan, iiwan kita."

Natawa si Miles nang maunang tumakbo ang lalake papuntang food court.

La Vista del Amor (The Vision of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon