Chapter 51 (Sad Vision)

461 9 0
                                    


Natuloy din ang operasyon ni Miles dahil may nagdonate muli ng kanyang mga mata para makakita na ang dalaga.

Sa kabutihang palad ay naging successful ang operasyon. Nang tuluyang tanggalin ang benda sa mga mata ni Miles ay napaiyak ang dalaga kaya nag-alala tuloy ang pamilya nito.

"Anak, bakit ka umiiyak? Hindi mo parin ba kami nakikita?" pag-alala ng ina.

Umiling si Miles habang pinupunasan ang mga luha.

"Oh Diyos ko! Bakit nagkakaganito si Miles, Izhi?"

"Inay, huwag mo na kayo maghysterical dyan kaya ako napaiyak dahil nakikita ko na kayo."

Nakahinga ng maluwag ang lahat.

"Kailan naman siya makakalabas dito sa hospital hijo?" tanong ni Delfin.

"Bukas ho ay pwedeng pwede na siyang lumabas."

"Ganoon ba. Sige aasikasuhin muna namin ang release papers ni MM" ani ng ina.

Nang makalabas ang ina at ama ay binalingan ni Miles ang binata na kanina pa tahimik sa tabi niya.

"Hmm..may problema ka ba?"

"Don't scare me again like that."

"Sorry, masaya lang talaga ako."

Niyakap ni Izhi ang dalaga. Masaya siya para sa kasintahan at the same time ay nalulungkot siya dahil hindi niya malaman kung paano sasabihin ang katotohanan rito.

"Teka! Saan na ang pamilya ng nagdonate sa mga mata ko para mapasalamatan ko sila."

"Ipagpabukas mo na lang shatsie bago ka lang naoperahan kaya siguradong maiintindihan ka nila."

"Ha? Maayos naman ako shatsie sa katunayan ay ang sigla ko na nga. Halika na samahan mo na ako sa kanila."

Walang nagawa si Izhi kundi samahan si Miles sa magulang ng nagdonate rito.

"Izhi?"

"Hi tita, tito. Si Miles po pala" pagpapakilala ni Izhi.

"Hello po. Maraming salamat po sa pagdonate ninyo ng mga mata sa akin utang ko po ito sa inyo kung bakit nakakakita na ako ngayon. Hindi ko po alam kung paano ko masusuklian ang kabutihan ninyo" maluha luhang sabi ni Miles.

"It's okay hija, mahal ka ng anak ko naging mabuti kang kaibigan sa kanya. Kaya alam kong masaya siya nasaan man siya ngayon," at doon na napahagulhol ang ginang.

"Anak? Mawalang galang na po pwede ko bang malaman kung sino ang anak niyo?" nagtatakang tanong ni Miles.

"Si Joyce. Hindi niya nakayanan ang operasyon at sa kalagitnaan nga ng operasyon ay binawian na siya ng buhay. At sa huling sandali niya ay hiniling niya na ibigay sayo ang kanyang mga mata kapag hindi naging successful ang operasyon."

"Si J-Joyce?"

Nanlambot ang mga tuhod ni Miles kaya napaupo siya sa sahig at doon pumalahaw ng iyak.

Joyce was her dearest friend at hindi niya maatim na tuluyan na itong namaalam at ito pa mismo ang nagdonate ng kanyang mga mata.

How she will accept this?

"How can I do this to my friend, Izhi? Sana hindi na lang ako nakakita!"

"Miles!"

"What? I lost my friend dahil lang sa kagustuhan kong makakita muli" garalgal na ang boses nito.

"Hindi mo iyon kasalanan hija, desisyon iyon ni Joyce kaya 'wag mo na sisihin ang sarili mo."

"Pero tita.."

La Vista del Amor (The Vision of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon