Inaantok pa si Miles ng gisingin siya ni Kitty kaya pikit mata pa siya nang lumabas sa kwarto. Nang imulat niya ang mga mata nagulat siya nang makita si Izhi na presentableng naupo sa may sopa."Good morning Miles" bati nito.
"Aaaaaaahhhhh!!! Kitty! Hindi mo naman sinabi na may ibang tao dito."
"Eh hindi mo naman natanong ate."
"Batang ito pilosopo pa!"
Mabilis na pumasok sa banyo si Miles. Tiningnan niya ang repleksiyon sa salamin at halos matakot siya sa nakita, animo sinabunutan lang naman siya ng sampung palaka.
Nag-alala naman si Izhi baka nagsisentimyento na sa loob ng banyo ang dalaga hindi naman kasi niya naabisuhan na pupuntahan niya ito ng maaga.
"Hijo, magkape ka muna" alok ni Delfin sa binata.
"Salamat ho sir."
"Huwag muna ako tawaging sir, tito na lang."
"Ah sige ho, tito."
Napansin ni Izhi na kanina pa siya hindi nilalabas ni Miles na napansin din pala ng ama nito.
"MM, lumabas ka na nga riyan. Alam mong hindi maganda na pinaghihintay mo ang ating bisita."
"Heto na nga itay, lalabas na."
"Sige maiwan ko muna kayo hijo."
"Sige ho tito at salamat ho sa kape."
"Walang anuman."
"Bakit ka nga pala naririto ng ganito kaaga?"
"Anyayain sana kita, samahan mo ako bumili ng regalo para kay mom. Si Eric kasi may date daw kaya tinanggihan ako ng loko."
"Kaya ako ang naisipan mong puntahan?"
"Yeah wala naman akong ibang maisip kundi ikaw, alam ko matutulungan mo ako."
"Eh iyong si Dina pala, bakit hindi mo siya niyaya?"
"May inaasikaso daw siya. Sige na Miles samahan mo na ako minsan lang naman ako humingi ng pabor sayo."
"Oo na mangongonsensya ka pa talaga. Hintayin mo ako at magbibihis lang ako saglit."
Dala ni Izhi ang kotse nito kaya mabilis lang din silang nakarating sa town.
"Sa tingin mo Miles ano kaya ang maganda kong iregalo kay mom?"
"Hmm...well, ano ba ang gustong gusto ng ina mo?"
"Gusto niya ng mga pabango."
"Eh 'di iyon ang iregalo mo."
"Pero marami na siyang mga pabango hindi ko yata nabanggit sayo na dealer si mom ng mga perfumes."
"Ganoon ba. Bakit hindi na lang kaya kwintas?"
"Kwintas? That's a great idea."
Pumasok sina Miles at Izhi sa isang jewelry shop.
"What do you think would suit my mom?"
Kinuha ni Miles ang silver necklace with corn flower blue crystal round pendant.
"I think it will suit your mom."
"Really? Pwede ko ba subukan muna sayo?"
"Okay, sige."
Kinuha ni Izhi ang kwintas at inilagay ito kay Miles. Matapos sinuyod siya nito ng tingin nang may lumapit na saleslady sa kanila.
"Sa tingin ko po sir bagay na bagay po sa girlfriend ninyo ang necklace."
BINABASA MO ANG
La Vista del Amor (The Vision of Love)
LosoweMakakayanan mo ba na makita ang mahal mo na unti -unti nang nanlalamig sayo?Paano kung sumuko na ito na mahalin ka? Subaybayan ang pag-ibig na sinubok nang mata ng kasawian.