Chapter 28 (Joyce)

368 9 0
                                    


Mahaba ang naging biyahe ng team kaya ang iba sa kanila ay nakatulog bago makarating sa Albay. Malayo naman ang kinaroonan nila mula sa bulkan kaya safe sila kung magbuga man ito ng lava.

Pero minsan nalalanghap pa rin nila ang abo na nilalabas nito dahil sumasama ito sa hangin.

Nagsimula na rin ang kanilang team sa pagbibigay assistance sa mga mamamayan na nilikas sa isang covered court.

"Nurse Miles pakicheck nga ang blood pressure ng mga elders dito, please."

"Yes, Doc Tan."

Hindi naman malubha ang mga kalagayan ng mga tao puro reklamo lang nila nahihirapan silang huminga dahil sa nalanghap na abo mula sa bulkan.

Mahinahon pa naman ang bulkan ng ilang araw. Tinatawagan naman ni Miles ang mga magulang at si Izhi kapag bakante na siya.

"Shatsie, maayos ka lang ba dyan?" ang pambungad na tanong na binata sa kanya.

"Oo naman malayo itong kinaroroonan namin sa mismong bulkan."

"Mabuti naman, kumakain ka ba naman dyan baka naman nangangayayat ka na ah."

"Kumakain naman ako Izhi. Wala ka bang duty ngayon?"

"Meron, wala pa ang mga pasyente. Tanghali na kasi ang schedule ko sa kanila dito sa hospital ngayon dahil may baranggay medical kaming isinisagawa."

"Ganoon ba, sige tatawag na lang ulit ako mamaya kasi tinatawag na ako ni Doc Santos."

"Sige ingat ka dyan, love you shatsie."

Isang katangian ang nagustuhan ni Miles sa nobyo dahil buhat naging sila hindi ito nahihiya na magsabi ng 'I love you' sa kanya kahit minsan may mga taong kaharap pa.

Inalis muna ni Miles sa isipan ang kasintahan at nagfocus sa pagtulong sa mga tao doon.

Sa kabilang dako hindi naman maalis alis kay Izhi na hindi mag-alala para sa kaligtasan ng nobya. Pero pareho silang kailangan ng mga tao kaya naiintindihan niya ito.

_________________________________________

Dumating na ang nakaappointment niya ng araw na iyon. Si Joyce.

"Hi, doc" masayang bati nito sa kanya.

"Hello Joyce, kumusta ka na?"

"Ito maganda pa rin."

"What about your condition?"

"Habang stage 1 pa daw ako eh kailangan ko ng mag-undergo ng chemotherapy to kill the cells bago pa ito kumalat."

"Kailan magsisimula ang chemo mo?"

"Hindi ko pa nga alam kaya pwede ba samahan mo ako ngayon sa doctor ko?"

"Sure, let's go."

Si Joyce ay classmate ni Izhi noong highschool at naging matalik na magkaibigan sila. Naninirahan ito sa Cebu at pumunta sa Manila para magpagamot sa sakit na Colon Cancer.

"Hi, doc."

"Oh your here Joyce. Magkakilala pala kayo nitong si Doc Mendiola" wika ni Dr.Reyes.

"Ah opo, hindi niyo natatanong eh magkaklase kami noong highschool. By the way doc, nandito po ako ngayon para malaman kung kailan ang schedule ng chemo ko?"

"Well, about that pwede natin simulan next month pagkatapos mong dumaan muna sa counseling."

"Sige po doc sabihan niyo lang ako kailan ang counseling."

"Hija, saan nga pala ang parents mo?"

"Nasa Cebu pa po pero next week nandito na po sila."

"Bueno at gusto ko silang makausap."

Matapos samahan ang dalaga ay pumunta muna sila sa canteen ng hospital.

"Kinakabahan ako sa chemotherapy na iyan Izhi" bulalas ni Joyce.

"Okay lang iyan para gumaling ka na ng tuluyan sa cancer, Joyce."

"Sabagay hahaha pero parang wala naman akong sakit right?"

"Oo naman, maputla ka lang pero maganda pa din naman."

"Iyan ang gusto ko sayo. Teka hindi mo pa pala napapakilala itong si Miles sa akin."

"Oo nga eh wrong timing. May medical team sila ngayon sa Albay" aniya.

"Ganoon, next time na lang marami pa naman time. Nga pala kailangan ko na din umalis may bibilhin pa kasi ako."

"Sige, balitaan mo na lang ako kung magkechemo ka na."

"Oo ba pakikumusta na lang din ako kay Eric balita ko wala pa din ipinagbago ang mokong na 'yon?"

"Naku sinabi mo pa ewan ko nga kung kailan 'yon titino."

"Sige mauuna na ako see 'ya" paalam nito.

Silang tatlo ni Eric ay magkaibigan noon pa man kaya lang through chat lang silang nag-uusap tatlo kasi nasa Cebu si Joyce.

Bumalik na sa office niya si Izhi dahil may pasyente daw na naghihintay sa kanya.

"Magandang tanghali po doc" wika ng isang ginang.

"Gayundin sa inyo misis."

"Ano po ang atin?"

"Magpapacheck-up po sana ako ng mata ko doc. Feeling ko kasi parang may something sa loob ng mata ko na hindi ko maintindihan doc."

"Okay, lay down for a while misis para maexamine ko po ng maayos ang mata ninyo."

Matapos maexamined.

"Ano po ang problema ng mata ko doc?"

"Well, misis sa tingin ko may dry eyes kayo. Pwede po kayo mag-undergo sa prosedure na tinatawag natin na Lipiflow, it uses heat and pressure to treat dry eyes. Bibigyan ko din po kayo ng cyclosporine o lifitegrast to stimulate tear production" aniya rito.

"Salamat po, doc."

"Okay, nurse papasukin mo na ang next patient please" utos niya sa isang nurse.

Saglit na nawala sa isip ni Izhi si Miles dahil sa pag-iistima ng mga pasyente niya.

A/N:

Tumitindi na ang eksena sa bawat kabanata inspired ako e kasi na nakapag-unwind ako two days ago. Kasama ko ang barkada nagroadtrip kami,sumasakit pa nga balakang ko sa ilang oras kakaupo sa motor hahaha😜😂

But everything was worth it kahit lubak lubak ang daanan best at ilang ulit naflat ang gulong ng motor kinaya lang namin.👊👌

La Vista del Amor (The Vision of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon