Kinabukasan ay pinuntahan nila ang mga cherry blossoms. Hindi pinalampas ni Miles ang magpapicture sa sikat na puno ng Japan."Ang ganda naman dito, very refreshing talaga ang mga cherry blossoms" saad ni Miles.
Marami pang pinuntahan sina Izhi at Miles bago bumalik sa hotel. Ang hotel kung saan sila nagstay ay isang traditional japanese house. Kaya nakayapak sila kung pumasok sa kwarto nila.
Pero ayos lang sa dalawa dahil para sa kanila isang magandang karanasan iyon.
Nang mga sumunod na araw ay nagkaroon naman sila ng camping sa taas ng bundok. Private area ito kung saan pwede magcamping ang mga turista. Sa laki ng lugar ay hindi man lang nila nakita ang ibang turista na nagkakacamping rin doon.
Natapos din si Izhi sa pagset ng tent nila. Habang si Miles ay naglapag ng sapin sa damuhan para maupuan nila ni Izhi. Inihanda niya na rin ang mga dala nilang pagkain.
Tahimik ang lugar at mas malamig kumpara sa lowlands. Umupo si Izhi sa likuran ni Miles at niyakap ang asawa. Humilig naman sa kanya si Miles.
"Instant heater" ang palatak ni Izhi.
"Hahaha ewan ko sayo. Ang ganda ng lugar dito noh malayo sa mga tao, tahimik."
"Yeah, so ano gusto mo mamundok na rin tayo sa Pinas?"
"Sira ka talaga."
"Hahaha na miss ko na nga ang Pilipinas aba walang Durian dito sa Japan."
"Sinabi ko na sayo nagdala ka sana ng buto ng Durian ng matanim natin dito."
"Loko ka talaga. Sinita na nga tayo sa airport dahil sa amoy ng Durian."
"Oo nga eh akala ko hindi na tayo makakapunta ng Japan dahil dyan sa pinaglihian mo."
Nagbaon kasi si Miles ng Durian at nasita sila ng gwardiya mabuti na lang kilala si Izhi at pinayagan sila. Mayamaya natawa si Izhi.
"Bakit?"
"Naalala ko lang masama talaga ang tingin mo doon sa gwardiyang sumita sa atin."
"Dapat lang noh sabihan ba naman anong mabaho iyon parang hindi siya tagaPinas."
"Hahaha makikipagbasag-ulo ka talaga para lang sa Durian?"
"Oo naman para kay baby kaya iyon."
Hinaplos ni Izhi ang tiyan ni Miles.
"Baby, narinig mo iyon makikipagbasag-ulo si mommy for you."
"Dapat lang."
"Pasasalihin ko kaya ng boxing ang anak natin, shatsie?"
"Tumigil ka Izhi. Ako ang unang gugulpi sayo kapag nangyari 'yon. At isa pa sigurado ka bang lalake ang magiging anak natin?"
"Hmm....yeah, father instinct."
"But according to mother instinct, babae ito."
"Wanna bet?"
"What's the deal?"
"Kapag lalake ako ang magpapangalan sa anak natin pero kapag naging babae ikaw ang magpangalan. Deal?"
"Deal."
Medyo madilim na sa labas kaya nagsimula na maglagay ng mga kahoy si Izhi para gumawa ng apoy. Nag-ihaw din sila ng isda para sa kanilang hapunan at masaya itong pinagsaluhan.
Isang gasera lang ang tanging nagsisilbing ilaw nila sa loob ng tent na provide ng may-ari sa lahat ng turista.
Malaki ang tent nila kaya maluwag sa loob. Sa bandang ibaba ay may ilog kaya minabuting maghalf bath na ni Miles habang papadilim pa lang. Hindi na siya nagpasama sa asawa dahil malapit lang naman at tanaw lang ito sa kinaroroonan ng tent nila.
BINABASA MO ANG
La Vista del Amor (The Vision of Love)
عشوائيMakakayanan mo ba na makita ang mahal mo na unti -unti nang nanlalamig sayo?Paano kung sumuko na ito na mahalin ka? Subaybayan ang pag-ibig na sinubok nang mata ng kasawian.