Chapter 53 (Mr.Romantiko)

453 12 0
                                    


Makalipas ang ilang linggo ay idinaos nila ang bridal shower ni Miles sa Spiral Bar and Casino. Sa kabilang kwarto naman ay naroon ang groom at mga kaibigan nito.

"Ayan nandito na ang ating pinakamamahal na soon to be bride Miles Meriz Dominicah" anunsyo ni Riann sa pagdating ni Miles sa lugar.

"Salamat sa inyo naappreciate ko talaga ito. Ay naku ah bongga ang set-up niyo mga girls. Ano ba 'yan naiiyak ako sa inyo."

"Hep! Bawal ang iyakan right mga girls? Kaya ilabas na ating regalo for Miles!" ani Rosel.

"Nurse Miles saluhin mo!" sigaw ni Mary.

Nagulat siya nang tinapunan siya ng isang see through black lingerie ng kasamahang nurse.

"Hoy, ano ito bakit niyo ako binibigyan ng ganito? At saka ano ba naman ito kita na ang panty ko dito" reklamo niya.

"Hahahahaha kaya nga binibigyan ka namin niyan para maging hot ka sa paningin ni Doc Vijandre" may pakumpas kumpas pa ng kamay si Rosel.

"Hot na kaya ako kahit hindi ko suotin ang kakapiranggot na telang 'yan" ismid ni Miles sa mga kaibigan.

"Ay wow nagsalita ang dyosa mga 'te mabuti pa mag-exit na tayo ng room" tumatawang wika ni Mary.

"Hahaha bawal ang KJ MM, pagbigyan mo na kami tutal ikakasal ka naman" dagdag pa ni Riann.

"Tama! Kaya isuot mo na iyan tingnan namin kung bagay ba sayo" pamimilit ni Rosel.

"Go Miles kaya mo 'yan!"

"Oo na mga baliw na 'to, kung hindi ko lang kayo kaibigan."

Mabilis na pumasok si Miles sa isang cubicle at naghubad. Mabuti na lang at nakablack two piece siya kaya bumagay sa see through lingerie.

"MM, ang tagal mo naman nilalamok na kami dito oh" rinig niyang pagrereklamo ni Riann.

"Oo na heto na nga oh, lalabas na."

Nang makalabas siya ay mabilis na nagpalakpakan ang kaibigan at mga kasamahan nurse ni Miles pagkakita sa kanya.

"Wow! Amazing!"

"Bakit hindi ka sumali sa modeling Miles" komento naman ni Mary.

"Tigilan mo ako sa mga modeling na 'yan. Oh nakita niyo na, ano bumagay ba sa akin? Naku! Parang magkapulmonya nga ako dito dahil sa kakulangan sa tela."

"Hep! Hindi ka muna magpapalit dahil may gagawin pa tayo. The show has just began whahahahaha" tila baliw na sabi ni Riann sa microphone.

"Ano na naman ba ang pakulo ninyo?"

"Just sit ang relax. Bigyan ng bangko ang bride, please."

"May inihanda kaming iba't ibang alak at kailangan mong tikman ang bawat isa. Ladies, ilabas na ang mga baso ng alak!"

Maliban sa mga kaibigan at mga kasamahang nurse ay naroon din  sa kwarto ang limang babae na nakamaid outfit para pagsilbihan si Miles.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Halos ngumawa si Miles sa iba't ibang lasa ng alak na kanyang natikman. Pero wala siyang choice kundi pagbigyan ang kapritso ng mga kaibigan. Medyo nahihilo na din siya ng kaunti sa mga ininom niya kaya napasandal na lang siya sa may upuan.

"At hindi pa natatapos ang show dahil ang sentro ng ating palabas ay walang iba kundi si Mr.Romantiko!"

"Sino na naman 'yan ha Riann? Ikaw malilintikan ka na talaga sa akin."

La Vista del Amor (The Vision of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon