Naglakad lakad si Miles sa bakuran nila dahil maganda iyon sa pagbubuntis niya. Kasama niya ang kaibigang si Riann at Aldrey."Kumusta ka na dito MM?"
"Maayos naman, buhat ng nagdesisyon kayong manirahan sa Leyte ay ngayon niyo na lang ako dinalaw dito. Nagtatampo tuloy ako sa inyong dalawa."
"Pasensya ka na. Sa katunayan naging busy kasi kami sa pagpapatayo doon ng bahay tapos itong si Aldrey ay lagi naman may trabaho."
"Magtatrabaho ka pa ba ulit?" tanong ni Aldrey.
"Ewan ko nga. Sapat naman sa amin ang sweldo ni Izhi kaya naisip ko pagkatapos kong manganak ay tutukan ko na lang muna ang pag-alaga sa anak ko."
"I think that's a good idea, MM" sabi ni Riann.
"Anyway, pasok muna kayo sa loob ipaghahanda ko kayo ng meryenda."
Nang makapasok sa loob ng bahay ay inutusan ni Miles ang nag-iisang katulong nila na maghanda ng meryenda.
"Ngayon na pala ang kabuwanan mo ano? Naku malapit ka na talaga manganak."
"Oo nga eh."
"Basta kung manganak ka man tawagan mo kami at bibiyahe agad kami ni Aldrey dito."
"Hahaha syempre naman."
"Oh paano ba 'yan MM kailangan na din namin umalis baka gabihin kami sa daan" saad ni Aldrey.
"Dito na kaya kayo maghapunan."
"Naku 'wag na."
"Oh siya sige, ingat kayo."
Inihatid niya ang mga kaibigan sa pintuan bago bumalik sa sala. Mayamaya dumating na din si Izhi.
"Shatsie, I'm home."
"Bakit ngayon ka lang kanina pa kita hinihintay?"
"Sus! Namiss mo kaagad ako?" tudyo pa nito.
"Hindi ah. Akin na ang Durian ko."
Nang maibigay ay inutusan niya ang asawa na hiwain ito pagkatapos ay mabilis na kumain.
"Wooh! Sarap talaga, gusto mo shatsie?" alok ni Miles.
"Tsk. Sayong sayo na 'yan."
"Oh anong nangyari sayo at nakabusangot ka?"
"Eh kasi inisnob mo na ako shatsie."
"Sa anong dahilan?"
"Pinagpalit mo na ako dyan sa Durian kaya 'di mo na ako pinapansin kapag hawak mo na 'yan."
Ngali ngali niyang hampasin ng Durian ang asawa sa kadramahan nito but instead ay hinalikan niya ito sa labi.
"Pwede isa pa?"
"Eh kung ihampas ko ang Durian sayo?"
"Baby oh si mommy inaaway si daddy," hinawakan ni Izhi ang tiyan ni Miles at kinausap ang anak.
"Hahaha our baby just kick!"
"Eh kasi daw 'wag mo akong inaaway at sisipain ka niya."
Tinaasan lang ni Miles ng kilay ang asawa. Last month ay pinagawa na nilang mag-asawa ng room ang kanilang magiging anak.
________________________________________
The next day ay nagpunta sa mall sina Izhi at Miles kasama ang kani kanilang kapatid na sina Kitty at Elmer na parehong excited sa paglabas ng kanilang pamangkin.
"Ate, bagay ito para kay baby" pinakita ni Kitty ang isang pink dress.
Base sa ultrasound babae ang magiging anak nila ni Izhi. Marami pa silang tiningnan sa baby section na mga damit.
BINABASA MO ANG
La Vista del Amor (The Vision of Love)
RandomMakakayanan mo ba na makita ang mahal mo na unti -unti nang nanlalamig sayo?Paano kung sumuko na ito na mahalin ka? Subaybayan ang pag-ibig na sinubok nang mata ng kasawian.