Chapter 27 (Assign in Albay)

369 6 0
                                    


Tinulungan naman ni Riann ang kaibigan na mamili ng grocery para ibenta sa sari-sari store. Kasama din nila si Izhi na naging driver at tagatulak ng cart ng dalawa.

"Nacheck mo na ba lahat ng nasa list ang mga nalagay na natin sa cart Riann?" tanong ni Miles.

"Yup, na double check ko pa nga and nalagay na natin ang lahat."

"Ladies, hindi pa ba kayo tapos?" singit ni Izhi.

"Are you tired shatsie?"

"No, I was just asking" tanggi nito.

''Kita mo ito kahit itanggi mo obvious naman na pagod ka na. Sorry kung ginawa ka namin tagatulak ng cart."

"It's okay, don't worry about me. Come to think of it parang naggym na rin ako."

"Oh guys bayaran na natin ito para makauwi na tayo" anunsyo ni Rian sa dalawa.

Matapos bayaran ay dumiretso na sa bahay ang tatlo at tinulungan pa ni Riann na mag-ayos sa sari-sari store ang kaibigan.

"Paano ba 'yan kailangan ko ng umuwi may duty pa ako bukas" paalam ni Riann.

"Sige salamat ah, tinulungan mo ako mamili pati sa pag-aayos dito sa sari-sari store."

"Ano ka ba syempere ikaw pa ba tatanggihan ko. Sige na, bye."

"Ingat ka" at binigyan na mahigpit na yakap ang kaibigan.

Sa mga sumunod na araw ay naging busy sina Miles at Izhi sa hospital.
Isang umaga ipinatawag si Miles ni Mr.Lalunio ang Director ng East Hospital. Dali daling pumunta ang dalaga sa office nito.

"Good morning sir pinatatawag niyo daw po ako?" tanong ni Miles rito.

"Yes, have a sit Nurse Miles."

"Ano po pala ang gusto niyong sabihin sa akin Mr.Lalunio?"

"Hindi ba kasama ka sa Team B? I would like to send you off in Albay together with your team of surgeons ang internal medicine."

"Ganoon po ba, okay po."

"Gusto kong tulungan ninyo ang mga mamayan sa paanan ng bulkan. Aware ka naman siguro sa nangyayari ngayon na nagsisimula ng magbuga ng usok ang bulkan and we can't risk the health of the people living there."

"Yes sir, I understand. Kailan po ang pagpunta namin doon?"

"By tomorrow morning gusto kong pumunta na kayo doon. It might be a little risky job Nurse Miles. Hindi niyo alam ang magiging kaligtasan ninyo doon dahil sa papalapit na pagputok ng bulkan but we oath to save lives."

"Alam ko Mr.Lalunio kaya nga po willing pa rin ako na sumama sa team kung kapalit naman nito ay makapagsave ako ng mga buhay."

"Don't worry about the expenses sagot na ito ng hospital."

"Sige sir, can I leave? May pasyente pa kasi ako."

"Sige, you can leave."

Nang tanghaling iyon habang kumakain sila ng pananghalian ni Izhi ay nasabi dito na pupunta ang team nila sa Albay sa may paanan ng bulkang Mayon.

"What? It's too risky Miles alam mo iyan. Hindi niyo nga alam kung kailan at anong oras puputok ang bulkan paano naman ang safety ninyo?" giit ni Izhi.

"Yes, alam ko lahat iyan Izhi pero isipin mo ang mga tao doon kailangan na kailangan nila ang assitance ko, maaatim ba ng konsensya ko na pabayaan sila?"

"Pero paano naman kung ikaw naman ang mapapahamak shatsie? Hindi ko kakayanin kapag may mangyaring masama sayo."

"(Ginagap ni Miles ang kamay ng binata) Shatsie, nurse ako at tungkulin ko ang tumulong even it might risk my life I will still go."

"Paano naman ako Miles? Ang pamilya mo? Talaga bang pag-aalahanin mo kami?"

"Sana maintindihan mo ako Izhi buo na ang desisyon ko."

"Bahala ka. But come back alive!"

"Oo naman mag-iingat ako doon I promise. Salamat sa pag-iintindi shatsie. Alam kong ikaw ang higit na makakaintindi sa akin dahil doctor ka."

Tumango ang binata. Niyakap ni Miles ang nobyo.

"Kung kasama mo lang ako doon hindi ako mag-aalala ng ganito."

"Shatsie, don't give me reasons to hold back please" pagsusumamo ni Miles.

"Sorry, hindi ko lang talaga mapigilan ang mag-alala."

"Natatakot din naman ako para sa kaligtasan ko but I really want to help."

"Wala akong magagawa mabait ang naging girlfriend ko eh."

"Kaya ngumiti ka na dyan please."

"Ayaw ko."

"Sige na please?"

"(Ngumiti ang binata dito) Oh ayan ah ngumiti na ako."

"I love you."

"Love you too. Sige na kumain tayo para makabalik na tayo ng hospital."

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Nang makuwi ng hapon na iyon mabilis na nag-impake si Miles ng mga damit at iba pang dadalhin para sa pagpunta sa Albay.

"Talaga bang hindi ka na papipigil MM?" tanong ng ina na nakatayo sa may pintuan.

"Inay, kailangan po ako ng team at mga tao doon."

"Nag-aalala lang naman kami sa kaligtasan mo doon anak."

"Alam ko po inay pero nurse po ako. Ang sabi naman sa amin ng head ng team ay mga dalawang linggo lang naman daw po kami doon."

"Mag-iingat ka doon MM" dagdag na bilin ng amang si Delfin.

"Opo 'tay. Tatawag po agad ako sa inyo doon if may vacant time ako."

"Huwag ka din doon magpapagutom kasi paano mo naman tutulungan ang pasyente mo kung ikaw mismo ang magkasakit."

"Alalahanin ko lahat ng mga bilin niyo 'nay, 'tay."

Kinabukasan ay sinundo si Miles ng isang van na magiging sasakyan nila papunta sa Albay. Naroon na sa loob ang dalawang nurse bukod sa kanya, surgeons at mga internal medicine.

Isang mahigpit na yakap ang pinakawalan ni Miles sa mga magulang bago sumakay sa sasakyan.

"Iyong mga bilin namin MM ah huwag mong kalimutan" pahabol na sigaw ng ina.

"Opo, inay!"

A/N:

Keep on reading😊

La Vista del Amor (The Vision of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon