Isang umaga may naging pasyente si Izhi na sexy na babae na todo make-up ang mukha. Iminuwestro niya ang upuan rito."Good morning Doc Vijandre" bati nito sa malamyos na tinig.
"Good morning din, so anong atin?"
"Magpapacheck-up po sana ako ng mata doc."
"Ah ganoon ba. Let me see your eyes, please."
Kinuha ni Izhi ang gamit para macheck ang mata nito.
"Maganda ba ang mata ko doc?" flirt nito sa binatang doctor.
"Ah hehehe oo naman. By the way, you have a myopia condition o iyong tinatawag natin na nearsightedness."
"What?"
"Yes, so I suggest if you wear eyeglasses from now on miss."
"Ah okay doc. By the way, can I invite you to have lunch with me later as a gratitude. Don't worry, my treat."
"Sorry pero may kasabay na kasi ako sa lunch" hinging paumanhin niya rito.
Nang biglang pumasok si Eric at binulungan siya.
"Doc, iyong Nurse Miles niyo nasa labas umuusok na ang bumbunan" biro nito na sinabayan pa ng tawa.
Nang tumingin sa labas si Izhi nakita niya si Miles na sinesenyasan siya na kapag pumayag sa alok ng babae ay gigilitan siya nito ng leeg.
"Dr.Eric, ikaw na muna ang bahala kay miss—?" tumingin si Izhi sa babae indikasyon na hinihingi niya ang pangalan nito.
"Bea."
"Okay, Miss Bea si Dr. Lopez na muna ang aasiste sayo. Eric, labas na muna ako pare. May aamuhin lang akong lion."
"Sure, no problem."
Lumabas si Izhi sa silid at bumalandra sa kanya ang nakapameywang na si Miles.
"Hi shatsie, may kailangan ka?"
"Huwag mo akong matawag tawag na shatsie dyan"simangot ng dalaga.
"Oh bakit nakasimangot ka dyan?"
"Paano hindi ako sisimangot kung nakita ko ang boyfriend kong doctor na may pasyenteng nilalandi siya."
"Hey! Niyaya niya lang ako for lunch as a sign of gratitude."
"Gratitude? Babae ako Izhi Brice, I know a bitch when I see one."
"Feisty! Huwag ka na magselos shatsie" yakap niya sa dalaga.
"Hindi ako nagseselos noh pinaalalahanan lang kita" layo niya sa binata.
"Oh bakit ka lumalayo?"
"Ano ka ba naman nasa hospital tayo baka may makakita sa atin."
"The hell I care, gusto kitang yakapin eh" yakap niya ulit sa dalaga.
"Isa Izhi!"natatawang saway ni Miles sa binata.
"Wala akong naririnig."
"Ah ganoon, sige ka pagsisihan mo iyan."
Kinurot niya ng kinurot ang kasintahan hanggang sa bumitaw ang binata. Mayamaya may dumaan na superior sa hospital kaya huminto sila at umakto na nag-uusap.
"Nurse Miles kapag tapos na ang shift mo pwedeng pakiassist ako sa eye room?" seryosong sabi ni Izhi kay Miles.
"Sige po doc, aabisuhan ko na lang ang head nurse namin."
"Ah sige salamat."
"Dr. Vijandre and Nurse Miles, good morning" bati ng head ng hospital.
"Good morning po Mr. Lalunio" sabay na bati ng dalawa.
BINABASA MO ANG
La Vista del Amor (The Vision of Love)
RandomMakakayanan mo ba na makita ang mahal mo na unti -unti nang nanlalamig sayo?Paano kung sumuko na ito na mahalin ka? Subaybayan ang pag-ibig na sinubok nang mata ng kasawian.