Chapter 54 (Exchanging of Vows)

459 10 0
                                    


Pagkatapos ng trabaho ay inaya ni Izhi ang kaibigang si Eric na sumama sa Fabian Sweets at dumaan na rin sila sa palengke para bumili ng Durian.

"What's with the Durian bro?" wika ni Eric.

"Nagpapabili sa akin si Miles gusto niya daw kumain ng Durian."

"Odd. Parang buntis lang si Miles niyan ah" pabirong saad ni Eric.

Natahimik naman si Izhi at saglit na nag-isip. Hindi kaya buntis si Miles?

"Uy pare natahimik ka na dyan?"

"Come to think of it. Hindi nga kaya buntis si Miles?"

"Paano naman mabubuntis si Miles eh hindi niyo naman...wait! May nangyari na sa inyo?"

"Yes" walang kagatol gatol na saad niya sa kaibigan.

"Damn! That was fast bro! Did you use some condoms?"

"I bet I did not?"

"Eh talagang mabubuntis niyan si Miles."

"Anyway, kailangan ko makasigurado."

Mabilis na umuwi si Izhi sa bahay nila. Agad niyang ibinigay kay Miles ang Durian na nabili. Mabilis ito hiniwa ng dalaga at dali daling nilantakan.

Ganadong ganado si Miles sa pagkain ng Durian. Nang akmang kukuha si Izhi ng Durian ay pinalo ng dalaga ang kamay niya.

"Bakit?"

"Anong bakit ka dyan? This is mine. Mine alone."

"Huh?"

Hindi kailanman naging madamot si Miles sa kanya kaya nagtataka si Izhi ngayon sa nobya. Mas dumoble tuloy ang kutob niya na buntis nga ito.

------------------------------------------------------------

Sa kalagitnaan ng pagkain ng Durian ni Miles, realization hits her kaya mabilis siyang napatakbo sa kwarto at kumuha ng pregnancy test. Nagulat naman si Izhi sa dalaga kaya sinundan niya ito.

Nang makarating sa ikalawang palapag he try to open the door knob pero lock ito.

"Shatsie, are you there?"

Walang sumagot sa kanya.

"Miles, open the door please. Ano ba ang nangyayari sayo dyan sa loob?"

Nang pihitin niya ulit ang pinto ay bukas na ito. Nakita niyang nagtalukbong ng kumot ang dalaga.

"Hey! What's wrong?"

"Nothing!"

"You can tell me" mahinahon niyang sabi rito.

Sa halip na sagutin siya ay binigay ni Miles rito ang pregnancy test na may dalawang guhit.

"Wow! Magiging tatay na ako!"

Mabilis na niyakap ni Izhi si Miles.

"I hate you! Pinakain mo ako ng hindi ko gustong prutas!"

"Iyan ang gusto ni baby" paalala niya rito.

"Shut up!"

Agad na ipinaalam ng dalawa ang magandang balita sa mga magulang at kaibigan nila.

Ang kasal na dapat sa katapusan ng Hunyo ay napaaga. Naging magarbo ang kasal nila.

May mga media pa ang nagcover ng kasal dahil kilala na magaling na doctor si Izhi. Dinaluhan ito ng mga
kamag-anak at malapit na kaibigan nila pareho.

At nang mag-exchange of vows na ang dalawa napuno ng iyakan sa loob ng simbahan dahil sa tuwa.

"Miles, shatsie? Hahaha how we ended calling our names into shatsie now you change your surname into Mendiola. From friends to boyfriend at ngayon asawa mo na. Nakakatuwa isipin na kasama kita sa phase ng buhay ko na hindi man naging smooth ang relasyon natin. There were always bumpy roads in our relationship and we ended to break up pero sa kabila ng lahat ng iyon ay nandito parin tayo at magkasabay na humaharap sa Diyos. Miles Meriz wear this ring as a symbol of my love. I love you, shatsie."

La Vista del Amor (The Vision of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon