Chapter 30 (Ang Paghahanap)

423 11 0
                                    


Kinaumagahan ay nagtungo muli ang rescue team sa paanan ng bundok kung saan nahulog si Miles. Sumama na rin si Izhi sa mga ito. Mabuti na lang at humupa na ang pagbuga ng lava nang bulkan.

Pagdating sa lokasyon ay agad na bumaba sa matarik na bangin ang mga rescue team gamit ang lubid.

Ngunit mas ikinabahala ni Izhi ay magtatanghali na ngunit hindi parin nila matagpuan si Miles.

Hindi tuloy niya naiwasang suntukin ang puno na nasa harapan.

"Doc Vijandre, calm down. Walang magagawa kung paiiralin mo ang init ng iyong ulo" wika sa kanya ni Dr. Tan.

"Gusto ko ho kumalma doc kaso lumipas na ang ilang oras ngunit hindi parin nila natatagpuan si Miles."

"Ipagdasal na lang natin na hindi nasaktan si Nurse Miles."

Mag-aalauna na nang matagpuan ng rescue team si Miles. Hindi naman napuruhan si Miles at nagtamo lamang ng mga galos sa braso at binti. Mabilis na niyakap ng binata ang kasintahan.

"Ayos ka lang ba shatsie? Alam mo sobra mo akong pinag-aalala."

"Sorry, hindi agad ako natagpuan ng mga rescue team kasi nilapatan ko pa ang isang babae ng paunang lunas malapit sa kung saan ako nahulog" paliwanag ni Miles rito.

Agad naman silang bumalik sa quarters nila. Tinawagan din ni Miles ang mga magulang para ipaalam sa mga ito na ayos lang siya at hindi naman gaanong nasaktan.

Hindi na muna bumalik sa Maynila si Izhi at tinulungan na lamang ang mga doctor roon.

"Hindi ka ba talaga uuwi ng Maynila Izhi?" tanong ng dalaga rito.

"Hindi na muna. Sumabay ka na lang sa akin sa pag-uwi."

"Sige, kung 'yan ang gusto mo. Teka hindi ka pa ba nagugutom? Sabi ni Doc Tan kanina pa kayong umaga doon ah at hindi ka man lang kumain?"

"Paano ako makakain ni hindi ko alam kung ano na ang nangyari sayo."

"Halika na kumain ka na, sasabayan na kita dahil nagugutom na rin ako."

"Gagamutin na muna natin iyang mga galos mo."

"Ano ka ba ayos lang ako mamaya na lang pagkatapos natin kumain."

"Stop being hardheaded shatsie" sinamaan siya ng tingin ng binata.

"Hmp! Oo na."

Nang mahulog si Miles sa bangin ay hindi niya akalain na galos lang ang matatamo niya. Buong akala niya ay magiging katapusan niya na pero mabait ang panginoon at iniligtas siya sa anumang kapamahakan.

Hindi na sana niya masisilayan pa ang nobyo at pamilya.

"Hey! Tila ang lalim ng iniisip mo ah" sita sa kanya ni Izhi.

"Naisip ko lang na ang swerte ko pala na hindi ako napuruhan at galos lang ang natamo ko, kung nagkataon eh hindi ko na makikita iyang mukha mo."

"Kapag nangyari 'yon ay hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa sarili Miles."

"But what's important now ay nandito na ako ngayon sa tabi mo at humihinga."

"Yeah. Oh ayan nalinis ko na ang mga galos mo. Let's eat."

Sa sumunod na mga araw ay bumalik na sa Maynila ang team nila Miles at baon nila ang karanasan sa Albay.

May mga nasawi man sa pagputok ng Bulkang Mayon ay mas marami naman silang buhay na nailigtas and that's what counts.

A/N:

Hey everyone thankyou for reading this one. Pasensya na po kayo kung minsan-minsan ko na lang i-update ang storyang ito dahil midterm week namin sa ngayon. Keep on reading at marami pang magaganap sa pag-iibigan nina Miles at Izhi.

La Vista del Amor (The Vision of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon