Chapter 46 (Feeling Better)

417 8 0
                                    


Dinalaw ni Izhi ang girlfriend bago pumasok sa hospital. Nadatnan niya si kitty na nasa sala at may ginagawang homework.

"Good morning, Kit."

"Kuya Izhi? Naku pasok kayo kuya. Ahm maupo po muna kayo tatawagin ko lang si ate."

Tumango siya sa dalagita at naupo sa may sofa. Mayamaya lumabas sa pintuan si Miles kaya nilapitan niya ito para alalayan.

"Hanggang saan mo ba balak magpakahibang sa akin ha Izhi Brice?"

"What do you mean?"

"I am now good for nothing. Nawala na sa akin ang lahat. Ang paningin ko ang trabaho ko. Masaya ka pa ba na girlfriend mo ako?

"Stop it."

"Totoo naman eh. So ano, naaawa ka na lang ba sa akin?"

"Miles, ano ba itong mga pinagsasabi mo?"

"Pinapagod mo lang ang sarili mo sa akin. Just stop it Izhi."

"Napapagod ako kung paano ipaintindi sayo kung gaano kita kamahal. Bakit mo ba ako pinagdududahan? Kung ganito lang naman siya sige aalis na muna ako. Mag-usap na lang tayo kapag kaya mo na akong pakinggan."

She hurt him. Pero hindi niya kailanman ginusto na maging malamig sa binata. Talagang nagbago na ang lahat.

"MM, maaari ba kitang makausap anak?" wika ng amang si Delfin.

"Ano ho iyon itay?"

"Napansin ko din ang pagiging malamig mo kay Izhi nitong mga nakaraang araw. Anak, mabait na bata si Izhi at pakiwari ko naman kahit nabulag ka na ay hindi naman nagbago ang pagmamahal ni Izhi sayo. Sa katunayan nang mabulag ka, hindi mo na rin nakikita ang pagmamahal sayo ni Izhi."

"Itay..."

"Ikaw ang nakalimot MM pinagdudahan mo agad si Izhi. Hindi mo ba naisip na nasasaktan siya sa mga ipinapakita mong pag-uugali sa kanya?"

"Gusto ko lang naman na maging maayos ang buhay niya at kapag kasama niya ako hindi mangyayari iyon, mapapahiya lang siya sa akin."

"Matalino ka MM alam kong mas alam mo kung ano ang makakabuti sa inyo ni Izhi."

"Salamat 'tay, hindi ko napansin kasabay nang pagkawala ng paningin ko nawala rin ang kakayahan kong makaramdam. Lahat itinataboy ko kabilang na si Izhi hindi ko pinansin na nasasaktan ko na pala siya."

She cried for her own mistake.

"Gusto ko lang na maging masaya  ka anak."

Mahirap ang mawalan ng paningin hindi niya alam kung paano mag-adjust sa sitwasyon.

Hindi naging madali para kay Miles ang lahat. Nasasaktan siya pero hindi niya akalain na mag-iiba ng tuluyan ang relasyon nila ni Izhi.

Buhat nang huli silang mag-usap ng kasintahan ay hindi na muli pang nagpakita sa kanya ang binata.

_________________________________________

Pagkalipas ng ilang araw dumalaw si Izhi kay Miles. Kahit gaano pa ang pagpipigil niya na hindi ito dalawin nanaig parin ang pagmamahal niya para sa dalaga.

Ngunit ng makarating sa bahay ng mga ito ay nagkulong lamang sa kanyang silid si Miles at ni ayaw siyang kausapin.

"Miles? Alam ko naririnig mo ako. I won't give up on you. Hindi ba sabi ko ako ang magiging mga mata mo? Just let me..let me stay with you" wika ni Izhi sa may pinto.

Rinig na rinig ni Miles ang mga katagang iyon at labis siyang nasasaktan para sa binata pero para sa kanya iyon ang mas makabubuti sa kanilang dalawa.

Pero mabubuhay na lang ba siyang bulag sa kanyang mga nararamdaman?

Hanggang saan ba niya kayang tikisin ang kasintahan na walang ibang ginawa kundi mahalin siya?

Sobrang nalilito na si Miles sa anong dapat gawin.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Sa kabilang dako ay hindi naman alam ni Izhi kung ano na ang dapat niyang gawin. Tuluyan ng nanlamig sa kanya si Miles.

Ramdam niya kasabay nang pagkawala ng paningin nito ay ang pagkawala naman ng pagmamahal nito sa kanya.

He was hopeless.

Isang lagok pa ng tequila ang pinakawalan ni Izhi sa kanyang bibig nang lapitan siya ng kanyang lola.

"Lulunurin mo na lang ba ang sarili mo sa alak apo?"

"Impo?"

"Si Miles ba? Bakit hindi mo siya kausapin?"

"Sa totoo niyan impo hindi ko na alam kung paano ko pa ipaiintindi kay Miles ang lahat. Ni ayaw niya akong kausapin."

"Mabigat ito para kay Miles apo just give her time."

"Iyon naman po ang binibigay ko pero paano naman ako?"

"Pasasaan ba ay maiitindihan rin ni Miles ang lahat."

Successful Optometrist si Izhi at hindi maiwasan ni Miles na hindi mainsecure sa binata gayong girlfriend pa naman siya nito pero ngayon wala na siyang maipagmamalaki dito.

Gusto niya alagaan ang binata subalit siya naman ngayon ang alagain.

Ayaw niyang dumating ang panahon na awa na lang ang nararamdaman sa kanya ni Izhi. Kaya mabuti pa ngayon pa lang siya na ang lalayo para hindi na siya masaktan pa sa bandang huli.

"Anybody home?" sigaw ni Riann sa may tarangkahan.

Kinuha ni Miles ang blind stick para pagbuksan ang kaibigan.

"Hello, beshy!"

"Ang ingay mo bakit ka ba nandito?"

"Ouch! Eh 'di para saan pa bibisitahin ko ang magaling kong kaibigan."

"Halika na nga pumasok ka na tamang tama at nagluluto ako ng maruya."

"Wow! Timing pala ang dating ko."

Si Riann na ang nagtuloy sa pagluluto ng maruya at pinaupo na lang si Miles.

"Ayos lang ba talaga na ikaw ang magluto dyan gayong bisita ka."

"Sus! Ngayon ka pa nahiya. Anyway, ano itong naririnig ko na hindi daw kayo in good terms ni Izhi?"

"Malalagot talaga sa akin mamaya iyang si Kitty nai-tsismis na pala ako."

"Hayaan mo na kung hindi pa sabihin ni Kitty ay hindi ko pa malalaman. So ano nga, bakit hindi kayo in good terms?"

"Kasi naman hindi ko maintindihan kung naawa lang talaga siya sa akin kaya nagtitiis parin si Izhi sa kagaya kong bulag."

"Ano ba naman iyan MM! Kailan ka pa naging insecure?"

"Simula ng mabulag ako. Hindi mo naman ako masisisi Riann nawala na ang paningin ko pati na ang trabaho ko."

"Nandoon na ako pero MM hindi naman ganoong klaseng tao si Izhi. Mahal ka niya kaya sana 'wag mo na siyang pagdudahan pa."

"Oo na po kasalan ko na."

"Ang sa akin lang naman Miles mas magtiwala ka pa kay Izhi at please 'wag mo ng pakinggan ang ibang tao kung ano man ang say nila sa inyo dahil hindi naman sila ang nagmamahal kundi ikaw."

"Hahahahahahaha yes Sister Riann."

"Tse! Mabuti pa mag-ayos ka na ng sarili mo mukha kang may Leukemia."

"Sira!"

"Puro kasi pagmumukmok sa kwarto ang inatupad mo nitong mga nakaraang araw. Ano ba ang meron sa kwarto mo ginto at hindi mo maiwan iwan?"

"Kung nakakakita pa ako kanina pa kita sinakal dyan."

Tinawanan lang siya ni Riann kaya natawa na rin siya.

Nang masaksihan ito na ama ay labis itong nagalak dahil bumalik na ang masayahing si Miles.

La Vista del Amor (The Vision of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon