Isang araw nakita ni Izhi sa hospital si Joyce bigla na lang ito naisugod dahil lumala na ang cancer nito. Nalaman nila na panibagong cancer na naman ito at hindi napansin ni Joyce dahil akala nito na cancer free na siya.Hanggang sa araw nga na iyon na naisugod siya sa hospital. Agad na pinuntahan ni Izhi ang kababata dahil alam niya nasa Cebu pa ang magulang nito.
"Kumusta na ho ang kanyang kalagayan doc?" tanong ni Izhi sa doctor ni Joyce na si Dr. Reyes.
"Sa ngayon maayos naman ang kalagayan niya pero hindi kaila sayo Doc Vijandre na malubha na ang kalagayan ni Joyce hindi ko alam kung kakayanin pa ng katawan niya ang panibagong operasyon" saad nito.
"What do you mean doc? Na hindi na makakasurvive si Joyce sa susunod na operasyon?"
"Pwede naman Doc Vijandre if bumuti ang kalagayan niya this coming weeks pero hindi ko sinasara ang posibilidad na makakasurvive siya we just hope that she can make it."
"Sige doc, salamat."
Nang makaalis si Dr.Reyes ay nilapitan ni Izhi ang kababata at hinawakan ang kamay nito.
"Ano ang sinabi ng doctor? Mamamatay na ba daw ako?"
"Stop it Joyce don't say such thing.''
"Binibiro lang kita ang seryoso mo naman" pagkatapos ay tumawa ito ng malakas.
"This is not a joke Joyce alam mo may posibilidad na ikamatay mo ito."
"I am aware about it Izhi eh ano ba ang magagawa ko kung hanggang dito na lang talaga ang buhay ko? Hayaan mo na lang ako i-enjoy at makasama kayo sa nalalabi ko pang araw dito sa mundo."
"Hey! You can make it Joyce nandito lamang kami ni Eric."
"Speaking of Eric naku pakitawagan nga ang mokong na 'yon. Ano ba ang pinagkakaabalahan ng lalakeng iyon at hindi pa ako dinadalaw?"
"May mga pasyente siya, pinalitan niya kasi ako sa night shift ko kaya puyat lagi iyon."
"Pakisabi namimiss ko na siya kamo. Anyway, si Miles kailan mo pa ba siya ipakilala sa akin ha, naiinip na ako."
"On duty siya ngayon, gusto mo puntahan ko?"
"Sige para makilala ko na iyang girlfriend mo."
_________________________________________
Pinuntahan ni Izhi ang nobya sa quarters nito. Nadatnan niya ito na nagpapahinga.
"Can I have your time shatsie?"
"Oo naman, bakit pala?"
"May gusto lang akong ipakilala sayo."
"Ha? Sino?"
"Si Joyce."
"Joyce who?"
"Hindi ko pala naikwento sayo na may kababata kami ni Eric si Joyce at noon niya pa gusto na makilala ka kaso walang time."
"Ganoon ba sige. Where is she?"
"Nasa room 10."
"Room 10, is she sick?"
"May cancer siya at nasa stage 4 na ito."
"Oh my! Halika na I want to meet her."
Agad silang pumunta sa kinaroroonan ni Joyce.
"Here we are Joyce" wika ni Izhi rito.
"Hi, Joyce" bati ni Miles.
"Hi. So are you Miles?"
Tumango si Miles rito.
"Wow! Finally I meet you. Akala ko mamamatay na lang ako hindi pa kita makikita."
"Joyce!" saway ni Izhi.
"What? We both know Izhi na two options lang meron ang cancer. It's either you survive or die."
"Joyce, huwag ka magsalita ng ganyan hindi ka mamamatay okay ngayon pa nga lang tayo nagkakilala" sabad ni Miles sa mga ito.
"Oo nga eh you know what Miles I am still fighting and praying for my recovery but whatever destined God gave me I will accept it with all my heart."
"Fighting!"
"Alam ko na bakit patay na patay sayo si Izhi dahil maganda ka pala talaga."
"Hahaha sus bola."
"Totoo. Alam mo ba lagi ka na lang bukang bibig niyan sa group chat namin ni Eric na kesyo ang ganda mo daw which is totoo naman. Naiinlove na daw yata siya sayo at marami pang corny words mula sa kanya minsan tuloy gusto ko na magleave sa GC" tawa nito.
"I am still here Joyce, pinapahiya mo na ako kay Miles" wika ni Izhi.
"Oops! My bad! Nandyan ka pa pala haha nga pala bakit ka pa ba nandito? Si Miles lang naman ang gusto kong makita. So you are free to leave the room Izhi Brice."
"Tsk.rude. Sige na maiwan ko na muna kayo babalikan ko lang ang mga pasyente ko."
Masaya naman nakipagkwentuhan si Miles kay Joyce bago pa lang man niya nakilala ang babae pero nakalagayan niya na ito agad ng loob.
Natapos lamang sila nang pumasok ang isang nurse na assign dito at pinagpahinga na ang dalaga.
Napagtanto ni Miles na masayahin si Joyce sa kabila ng sakit nito ay nakukuha parin nito na ngumiti.
A/N:
Pwede kayo magmessage dito kung gusto niyo mapabilang sa mga characters sa mga gagawin ko pang story,your free to message me guys😘
BINABASA MO ANG
La Vista del Amor (The Vision of Love)
RandomMakakayanan mo ba na makita ang mahal mo na unti -unti nang nanlalamig sayo?Paano kung sumuko na ito na mahalin ka? Subaybayan ang pag-ibig na sinubok nang mata ng kasawian.