Chapter 21 (Nightmare)

444 10 0
                                    


Dahan dahan dinaganan ni Vic ang dalaga. At pinagbubuksan nito ang butones ng kanyang blouse.

"Huwag! Huwag po sir Vic, maawa  ka!Haaaaaaaah 'waaaaag!"

"Miles! Miles, wake up shatsie!" niyugyog ni Izhi ang balikat ng dalaga.

"I-Izhi?"

"Nananaginip ka."

"Kay samang panaginip Izhi!" saad ng dalaga habang habol ang kanyang hininga.

"Heto uminom ka muna ng tubig" at inabot dito ang isang baso ng tubig.

"Salamat."

"Okay na ba ang pakiramdam mo?"

"Oo, salamat. Teka tumawag ba si tatay at nanay sayo? Baka kasi nag-alala na ang mga 'yon."

"Don't worry, natawagan ko na sila kagabi na sa amin ka muna matutulog."

"Ganoon ba. Hindi ka ba pupunta sa trabaho?"

"Mamaya na siguro, halika na sa ibaba naghanda si mom ng almusal."

"Sige shatsie, maghihilamos lang ako tapos susunod na ako sa ibaba."

Nais ng kalimutan ni Miles ang nangyari sa kanya kaya umuwi siya pagkatapos ng almusal sa kanila para makapagbibis. Sinamahan naman ni Izhi ang dalaga.

"MM, okay ka lang ba anak? Alam na namin kung ano ang nangyari sayo sa bahay ng mga Moriones" wika ni Melen.

Tiningnan ni Miles si Izhi.

"Huwag kang magalit kay Izhi hindi siya ang nagsabi sa amin. May mga pulis na pumunta rito kanina at hinahanap ka."

"Walang hiyang Vic na 'yan makita ko lang ang lalakeng 'yan ipapatikim ko sa kanya ang kamao ko" usal ni Delfin.

"Itay, hayaan niyo na ho. Hindi naman siya nagtagumpay sa balak niya sa akin at isa pa kinasuhan na siya ni Izhi. Sigurado akong mabubulok siya sa kalungan."

"Ayos ka na ba talaga anak?"

"Oo naman po. Sige ho kailangan ko pa kasing magduty sa hospital."

"Bakit hindi ka na lang magpahinga muna MM?" suhestiyon ng ama.

"Itay 'wag na ho, kaya ko naman at isa pa kailangan ako sa hospital."

"Ang tigas talaga ng ulo mo."

"Itay 'wag na kayong mag-alala kasama ko naman si Izhi."

Sa huli napapayag din ni Miles ang ama. Naging busy naman sa hospital si Miles kaya nawala na din sa isipan niya ang nangyari sa bahay ng mga Moriones.

Kumuha na din ang mga ito ng ibang private nurse para mag-alaga kay Amelita. Nakakulong na din si Vic. Hanggang isang buwan ang nakaraan ay ginagawa na lang biro ni Miles ang nangyari sa kanya.

"Sobrang ganda ko siguro kaya hindi napigilan ni Sir Vic na gapangin ako" biro niya sa mga kaibigan.

"Maganda naman din ako ah pero hindi pa din ako ginagapang ni Aldrey" wika ni Riann.

"Hahaha loka loka ka talaga kaya nga hindi ka pa ginagapang kasi hindi ka nga maganda" tukso niya rito.

"Hoy! Aldrey, magtapat ka nga. Maganda ako 'di ba?"

"Oo naman mahal" sagot ni Aldrey.

"See."

"Takot lang iyang si Aldrey na maiwan hahaha."

"MM, kaibigan mo ba talaga ako?" sumimangot si Aldrey.

"Ewan ko nagdududa rin ako hahaha."

"Oh tama na 'yan baka magbangayan na naman kayong dalawa pagkatapos" saway ni Riann.

"Nga pala matutuloy ka na ba talaga sa Davao, Riann?"

"Oo eh, tinanggap ko na rin sayang naman din kasi at saka isang buwan lang naman ako doon."

"Iiwan mo ako, mahal?"

"Magtatawagan naman tayo at isa pa 'wag ka ngang OA mahal, isang buwan lang nga ako sa Davao."

"Kahit na paano na ako wala akong kasabay sa pag-uwi o kaya kapag kakain ako."

"Ako Aldrey, pwedeng pwede mo kasabay sa pagkain" wika ni Miles.

"Siba ka talagang babae ka tapos ako naman manglilibre, tigilan mo ako."

"Sira! May pera ako Aldrey, ikaw lang man talaga itong nag-i-insist na ikaw na ang magbayad."

"Syempre iba din kong ikaw ang magbabayad lahat ng kinain samantalang ako iyong lalake."

"Hmp! Awat na nga kayong dalawa mukha kayong aso at pusa baka naman magpatayan na kayo nyan habang nasa Davao ako."

"Sige friend para sayo hindi ko muna aawayin itong boyfriend mo."

Matapos ang isang linggo ay umalis na si Riann papuntang Davao. Nangako naman itong tatawag kapag nasa Davao na.

=================================

Isang araw maagang natapos ang shift ni Miles sa hospital kaya niyaya ni Izhi ang dalaga na kumain sa labas.

"Excuse me sir ano po ang order nila?" tanong ng waiter.

"One Pot roast, Fried Chicken and for are dessert one Macaroni Salad please" wika ni Izhi rito.

"Ang dami mo naman inorder may inimbita ka pa ba shatsie?"

"Nope. I just knew that you eat like hungry lion according to Aldrey."

"Walang hiyang Aldrey na 'yon tsinismis pa pala ako sayo."

"Hayaan mo na. Ikaw shatsie ah lagi mo na lang inaaway iyong kaibigan mo na 'yon."

"Hahaha wala akong matripan eh at saka kilala ko iyang si Aldrey mula pa man noon sa grade school nag-aaway man kami hindi niya naman ako natitiis."

"Kaya nagpapasalamat ako sa kanya kasi naging kaibigan mo ang katulad niya."

"Oo kaya ikaw huwag mo talaga akong paiiyakin kundi isusumbong kita kay Aldrey. Sinasabi ko na ngayon pa lang sayo na black belter ang kaibigan ko na iyon baka lumpuhin ka."

"Tinatakot mo naman ako shatsie, pero hindi naman kita paiiyakin."

"Talaga lang ah?"

"Oo naman alam mo naman kung gaano kita kamahal."

"Oo na po tsk. hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na sinasabi mo 'yan sa akin."

"Why?"

"Eh kasi inis na inis pa naman ako sayo dati, ang hilig mo kayang mang-asar kaya nagulat ako na doctor ang kinukuha mo."

"Hahaha natutuwa kasi ako sayo everytime you turn red."

"Ang saya mo siguro noh?"

"No words can express how much I am happy."

"Here's your order sir" lapit ng  waiter.

"Alright, thanks."

Habang kumakain hindi mapigilan na titigan ni Izhi ang nobya na ninanamnam ang pagkain nito. Napahinto naman sa pagsubo ang dalaga.

"What's wrong may dumi ba ako sa mukha?" tanong ni Miles na nagtataka.

"Ha? Ano, wala naman."

"Huwag mo naman ako masyadong titigan shatsie, alam ko na maganda ako pero baka matunaw ako niyan sige ka."

Isang malutong na tawa ang pinakawalan ni Izhi dahilan upang makakuha sila ng atensyon sa ibang mesa.

"Hey! Stop it, ayaw kong maging center of attraction" pinandilatan ni Miles ng mata ang kasintahan.

"Sorry, I can't help it."

Marami pang napagkwentuhan sina Miles at Izhi bago nagdesisyon na umuwi.

La Vista del Amor (The Vision of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon