Chapter 16 (Oplan Brice Donor)

441 9 0
                                    


Nang makaalis ang ina nito nilapitan ni Miles si Brice at hinawakan ang mga kamay nito.

"Ate MM, mamamatay na ba ako?"

"Huwag kang magsalita ng ganyan Brice. Hindi ka mamamatay, okay?"

"Pero narinig ko wala pa akong donor."

"Ssssh. Hindi ko hahayaan na mamatay ka Brice gagawin ko ang lahat para mapagaling ka ako ang bahala."

Sobrang nasasaktan si Miles na makitang nahihirapan si Brice lalo na kapag namimilipit ito sa sakit. Para sa kanya hindi lang pasyente si Brice kundi tinuring niya na itong kapatid.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Kaya ng mga sumunod na araw nagpacheck si Miles kung pwede siyang maging donor ng kidney ni Brice.

"Hi."

"Hello."

"Oh bakit ganyan ang mukha mo?"

"Nagpacheck kasi ako."

"Teka may sakit ka ba?"

"Pwede patapusin mo muna ako. Nagpacheck ako kung qualified ako para maging donor ni Brice at bukas ko pa malalaman ang resulta."

"What? Alam mo naman ang after effects ng pagiging donor 'di ba?"

"Ano ang gusto mong gawin ko? Alam mong hindi ko pwedeng pabayaan si Brice."

"Just calm down okay. May plano ako. Mamaya pupunta ako sa inyo para masimulan ito."

"Pasensya ka na. Alam kong hindi ako dapat maging attach sa mga pasyente ko pero iba si Brice, alam mo iyan Izhi."

"Naiintindihan ko kaya nga willing kitang tulungan."

Inihatid ni Izhi si Miles sa bahay nito pero sumaglit muna siya doon para simulan ang kanyang idea para makatulong kay Brice.

"Nandito ka pala Izhi?" wika ni Delfin.

"Ah opo, tutulungan ko lang po si Miles."

"Sige, maiwan ko muna kayo."

"So ano ang binabalak mong gawin para makatulong kay Brice?"

"Iniisip ko magpost sa social media kung sino ang willing maging donor ni Brice at tatawagin natin itong 'Oplan Brice Donor'. Ano sa tingin mo?"

"Pwede natin 'yan subukan. So simulan na natin?"

Tumango si Izhi sa dalaga. Minu-minuto minomonitor ng dalawa kung may mga nagmemessage na ba sa kanila.

Alas nieve pasado pero konti pa lang ang nakakausap nila online kung pwede silang magdonate.

"Anak, hijo kumain na muna kayo. Bukas niyo na lang ipagpatuloy iyang ginagawa ninyo" usal ni Melen.

"Sige ho 'nay. Tara Izhi kain na muna tayo."

"Naku nakakahiya naman."

"Huwag ka na mahiya. Sige ka magtatampo ako niyan sayo hijo" wika ulit ni Melen.

"Narinig mo si nanay Izhi kaya halika na."

Nang matapos kumain ipinagpatuloy ulit nina Miles at Izhi ang ginagawa. Humihingi na rin sila ng kaunting tulong para sa mga gastusin ni Brice.

Halos hating gabi na nang makauwi si Ishi. Ipinagpilitan pa nga ng ama at ina ni Miles na doon na lang sa bahay nila matulog si Izhi pero tumanggi ang binata.

_________________________________________

Kinabukasan, nakuha na ni Miles ang resulta ng medical pero negative ito kaya sobrang nalungkot si Miles.

Kakaalis lang ng last patient ni Izhi nang matanaw niya si Miles kaya nilapitan niya ang dalaga.

"Ano ang nangyari? May problema ka ba?"

"Wala. Negative ako Izhi, hindi ako pwede maging donor ni Brice."

"Huwag kang mag-alala mamaya susubukan ulit natin sa social media" pang-aalo niya sa dalaga.

"(Sigh) Sige, susubukan ulit natin mamaya. Magkita na lang tayo later, pupuntahan ko muna si Brice."

Tumango siya sa dalaga. Samantala, itinuloy muna ni Izhi ang pag-attend sa kanyang mga pasyente.

"Next patient, please."

"Good morning, doc. Ako si Mira nahihirapan kasi akong makakita sa gabi lalo na kapag nagdadrive ako. Sa tingin niyo ano ang sakit ko?"

Tiningnan ni Izhi ang mga mata nito.

"That's sounds like night blindness na pwedeng mauwi sa nearsightedness at catarata. Some people are born with this problem or it might develop from a degenerative disease involving the retina and that is usually can't be treated."

"So anong dapat kong gawin, doc?"

"I suggest you need to be extra careful lalo na sa mga areas in low lights and to wear an eyeglass."

"Salamat, Dr. Vijandre."

"You are welcome."

Matapos ang shift ni Izhi ay agad din niyang sinundo si Miles para maipagpatuloy ang kanilang 'Oplan Brice Donor'.

Katulong na rin ng dalawa sina Riann at Aldrey.

"Riann, may mga nagmessage na ba sayo?" tanong ni Miles sa kaibigan.

"Mayroon na at magpapadala daw sila ng konting pera para sa mga gastusin ni Brice."

"Thank God! Aldrey, may nagmessage na ba sayo about the kidney donor?"

"Wala pa nga eh, pero nagbigay naman sila ng tulong for the expenses."

"Kahapon pa tayo bigo na makakuha ng donor. Sa bawat oras na nagdaan lumiliit na ang tiyansa ni Brice na gumaling" may bahid ng kalungkutan ang boses ni Miles.

"Guys I have a good news! This particular woman here message me at willing daw siyang maging donor ni Brice" masayang anunsyo ni Izhi sa kanila.

"Talaga? Mabuti naman at sa wakas may magdodonate na" komento ni Riann.

Walang inaksayang panahon si Miles at tinawagan agad ang donor at ipinaalam dito kung saang hospital naroon si Brice.

Sa sumunod na araw isinama ni Miles si Hana, ang donor ni Brice sa hospital. Para madalaw nito ang bata.

"Hi, sweety."

"Good morning ate MM."

"May good news ako sayo na alam kong ikakatuwa mo. Ready ka na ba na marinig ito?"

"Opo."

"Hana halika, please. Gusto kong makilala mo si Brice. Brice say hi to Ms.Hana."

"Hello po Ms.Hana. Ate MM sino po siya?"

"Siya ang magiging donor mo Brice kaya gagaling ka na" masayang anunsyo niya rito.

"Talaga po? Mommy narinig niyo iyon gagaling na daw ako."

"Oo anak kaya labis ang pasasalamat ko sayo Ms. Hana, nang dahil sayo gagaling na ng tuluyan ang anak ko."

"Naku wala pong anuman natouch po kasi ako sa post ni Nurse Miles kung paano niya mahalin ang kanyang naging pasyente."

"Post?"

"Sa katunayan po niyan ang kaibigan ko na Optometrist ang nagsuggest na ipost namin sa social media para humingi ng tulong at ang ultimate goal namin ay para makahanap ng donor."

"Naku maraming salamat Nurse Miles hindi ko alam kong paano ako makakabawi sayo gayong kay rami mo ng naitulong kay Brice mula pa lang sa pag-aalaga sa kanya habang wala ako."

"Wala po 'yon ma'am. Hindi na iba sa akin si Brice, para ko na siyang kapatid kaya gagawin ko ang lahat para tulungan siya."

Sinamahan na din ni Miles si Hana para makapagcheck kung qualified siyang maging donor at ikinasaya nila ang naging resulta. Kaya mabilis na naschedule ang operasyon kay Brice.

La Vista del Amor (The Vision of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon