Chapter 26 (Helping Hands)

392 8 0
                                    


May usapan ang magkasintahan na Miles at Izhi na magdate sa isang araw na off duty sila pareho.

Nasa town na si Miles at hinihintay ang binata. Matapos maipark ang sasakyan ay pumasok na sa isang mall si Izhi kung saan usapan nilang magkita ni Miles.

Nakita ni Izhi na may kausap ang dalaga.

"Hi miss ganda, ano ang pangalan mo?"

"Her name is none of your business pare" saad ni Izhi matapos inakbayan ang dalaga.

Kakamot kamot naman ng ulo na umalis ang lalake.

"Hey! That's rude, Izhi Brice" puna ni Miles dito.

"Sorry, mukha kasing kursunada ka." 

Tiningnan ni Izhi ang kabuuan ng girlfriend. Naka lavender off shoulder top at pinarisan nito ng maong na palda na hanggang tuhod ang haba.

"I like what I see" bulalas ni Izhi sa dalaga dahilan upang ito ay pamulahan ng pisngi.

"Puro puting uniform o di kaya blue uniform ng nurse na lang kasi ang nakikita mo sa akin buong linggo" paliwanag ni Miles.

"Halika mag-ikot ikot muna tayo dito" hinawakan ni Izhi ang kamay ng dalaga.

Nagpunta sila sa shades and eyeglass section.

"How do I look?" tanong ng binata matapos nitong isuot ang isang dark eyeglass.

"Hmm..suits you shatsie" nagthumbs up pa si Miles rito.

"Okay, miss I'll buy this one" ani nito sa isang sales lady.

Sunod naman nilang pinuntahan ang  mini items tulad ng mga figurines, accessories at mga stuff toys.

"Hi sir and ma'am ano po ang bibilhin ninyo?" wika ng isang saleslady.

"Can you please give me that two set silver watch" ani ni Izhi sa babae.

"Shatsie, huwag mong sabihin bibilhin mo 'yan?" nahintakutakun si Miles rito.

Isinuot ni Izhi kay Miles ang isang pares ng relo na woman style at isinuot naman niya ang isa.

"Look! Couple watch" he exclaimed.

"I didn't know you were into this things" tukso niya rito at naalala tuloy ni Miles ang sinabi ni Izhi last time.

"Bibilhin ko na ito miss" sabi ni Izhi sa saleslady.

"Ano ka ba naman Izhi nasisiraan ka na ba? Why on earth would you buy such expensive watch?" litanya niya sa binata.

"It's okay, sariling ipon ko naman 'yan. You can consider this as my early gift."

"Ewan ko sa'yo pero hindi ka na gagastos pa sa araw na ito. I'll buy our foods."

"But.."

"No buts Izhi Brice" sabay tinignan ng masama ang binata.

"Okay, okay. Ikaw na nga ang bahala sabi ko" he hands up.

Isinuot na nilang dalawa ang couple watch. Matapos ay dinala ni Miles sa isang bullalo ni Aling Tinay si Izhi.

"Uy Nurse Miles narito po pola kayo at may kasama pa kayong pogi ah" saad ni Aling Tinay.

"Ay opo si Izhi po. Izhi, siya si Aling Tinay naging pasyente ko siya dati."

"Hello po Aling Tinay ako pala si Dr.Izhi Brice Vijandre, boyfriend po ni Miles nice meeting you po" magalang na pagpapakilala ng binata rito.

"Ay naku boyfriend mo pala ang ke-gwapong doctor na ire Nurse Miles, ay ang swerte mo naman."

"Ako po ang maswerte kay Miles, Aling Tinay" wika ni Izhi.

La Vista del Amor (The Vision of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon