Dumating na ang araw na kinatatakutan ni Miles at iyon ay ang makatagpo si Paul.Isang umaga papunta si Miles sa canteen kasama ang kaibigan na si Riann nang makatagpo nila si Paul.
"Hi kumusta ka na?" bati ni Paul.
"Ito maayos naman."
(Nakamove-on na sayo!) hiyaw ng isip niya."Ah good for you."
"Yeah, good for me talaga."
"You look more beautiful."
"Thanks."
(May gana ka pa ngumiti dyan tampalasan ka! Nangbola ka pa eh kung kutusan kaya kita dyan!) segunda ng isip niya.
"Sige Miles alis na ako. It's nice to see you again."
"Ah okay, sige."
(It's not nice to see you,umalis ka na at kanina pa kita gustong balatan ng buhay at tadtarin ng pinong pino bago kainin.)
"Wow! Ang galing mo beshy. Ang galing mong magkunwari na masaya siyang kausap" sarcastic nitong sabi.
"Loka! Eh ginaya ko lang naman siya na sobra kung makangiti."
"I am proud of you beshy akala ko mauutal ka na naman."
"Ako pa.Tsk! Gusto ko na nga durugin iyon at kainin. Magiging aswang pa yata ako pagdating sa kanya."
"Hahaha grabe, sobra ka din."
"Oh natatawa ka dyan. Kung bakit mo pa kasi ako hinila dito sa canteen ayan tuloy nagkausap kami" litanya niya sa kaibigan.
"Okay, sorry po."
"Kung 'di lang kita kaibigan malamang kanina pa kita naihagis kung saan."
"Ay ang sweet mo talaga MM" Riann said sarcastically.
"Hi babe, hi MM" biglang sulpot ni Aldrey sa tabi nila.
"Ano ka ba naman babe aatakihin kami sa puso ng dahil sayo," saway ni Riann sa nobyo.
"Tama! May lahi ka bang kabuti Aldrey at sulpot ka ng sulpot sa kung saan" taas kilay na sita ni Miles.
"Hahaha sorry. Ang seryoso niyo kasi. Kanina ko pa kayo natatanaw sa malayo kaya naisipan kong gulatin kayo."
"Whatever. Maiwan ko na kayo two lovers at may aasikasuhin pa ako" paalam ni Miles sa dalawng kaibigan.
"Ingat sila sayo!" pahabol na sigaw ni Aldrey dahilan upang pingutin siya sa tainga ni Riann.
Narinig iyon ng dalaga at pinakita ang kanyang kamao kay Aldrey.
=================================
Pagsapit ng hapon habang hinihintay ni Izhi ang kanyang klase ay natanaw niya ang kaibigang si Miles, nakaupo at tila kay lalim ng iniisip sa may bench.
"Oh baka malunod ka niyan. Ang lalim kasi ng iniisip mo" biro niya rito.
"Ikaw pala Izhi, ahm, wala may sumagi lang sa isip ko pero hindi naman importante. Wala kang klase?"
"Meron, hinihintay ko na nga lang. Ikaw?"
"Wala na hinihintay ko na lang si Riann at Aldrey sasabay kasi ako sa kanila."
Mayamaya, napadaan si Paul sa harap nila may kasama itong babae.
"Oy Miles ikaw pala 'yan."
"Hahaha ako nga (plastic!)."
"Si Divina nga pala girlfriend ko. Divina, si Miles kaklase ko noong highschool."
"Hi Divina, Miles here."
Feeling ni Miles nangangawit na mga labi niya sa kakangiti sa dalawa.
"So your with someone?"
"Yes, si Izhi Brice. Kaibigan ko" pagpapakilala niya sa kaibigan na kanina pa walang imik kaya siniko niya ito.
"Oh hi, Izhi Brice pare" at nakipagkamay si Izhi kay Paul.
"Babe, let's go!" mataray na sabi ni Divina.
"Sige Miles, Izhi mauuna na kami."
Nang makaalis ang dalawa saka naman nakahinga ng maayos si Miles.
"Kaklase mo pala iyon?"
"Kaklase? Tsk."
"Anong nangyayari sayo?"
"Wala. Nakahinga na ako ng maayos nang mawala sa harap ko ang asungot na 'yon."
"Tell me, who's that guy?"
"Ang magaling kong ex."
"Kaya pala nakabusangot 'yang mukha mo."
"Eh sa nakakabusangot naman talaga 'yang Paul na 'yan. Akala niya siguro napatawad ko na siya sa ginawa niyang panloloko sa akin."
"Alam ko wala akong karapatan na sabihin sayo na patawarin si Paul dahil hindi ko naman alam ang sakit na naidulot niya sayo pero it's been a years Miles, you also need to let go of that anger."
"I know gusto ko naman talaga siyang patawarin pero sa tuwing gagawin ko 'yon eh naaalala ko lang ang panlolokong ginawa niya."
"I know this is hard but you can always try and try."
"Yeah. may point ka naman. Salamat."
"For what?"
"For this? For listening to me."
"Kaibigan mo ako kaya ginagawa ko ito."
"Matino ka naman palang kausap."
"Oh it might surprised you" he chuckled.
Gulat si Miles dahil hindi niya akalain na may malalim na personalidad si Izhi. But he's mysteriously deep and genuine. Ang Izhi na kilala niya lang kasi ang mapang-asar at mapagbiro na kaibigan.
BINABASA MO ANG
La Vista del Amor (The Vision of Love)
AcakMakakayanan mo ba na makita ang mahal mo na unti -unti nang nanlalamig sayo?Paano kung sumuko na ito na mahalin ka? Subaybayan ang pag-ibig na sinubok nang mata ng kasawian.