Chapter 15 (Bouquet)

493 7 0
                                    


Makalipas ang mga araw gayon na lamang ang pagsuyo ang ginagawa ni Izhi sa dalaga.

Napapansin naman ni Miles ang malalagkit na tingin at palipad hangin ng binata kung kaya minsan hindi niya mapigilan ang mamula na labis namang kinatutuwa ni Izhi.

"Nurse Miles, pinatatawag ka ni Dr. Vijandre sa office. Kailangan niya ng isang nurse to assist him" wika ng isang head nurse.

"Sige po, susunod na."

"Nurse Miles, pakiassist nga please ang mga pasyente ko" utos ni Izhi.

"Yes, doc. Mr and Mrs.,pinapaalala ko lang po na pumila po tayo ng maayos. Mayroon po tayong mga upuan dito para sa lahat at kung kayo po ay nauuhaw mayroon po tayo ditong water despenser, libre lang ho" anunsyo niya sa mga pasyente.

"Tulong! Tulungan niyo po ako."

"Yes sir? Ano po ang nangyayari dito?" lapit ni Miles sa mga ito.

"Hindi ko po alam bigla na lang siyang nagcollapsed."

Miles checked the patient blood pressure and temperature.

"Normal naman po siya sir pero we still need a doctor opinion. Halika sasamahan ko po kayo kay Dr.Tan."

Matapos niyang maihatid ang pasyente ay agad din siyang bumalik sa pag-asiste kay Izhi.

"Kumusta na iyong babae kanina?" Izhi was talking about the woman who collapsed earlier.

"Maayos na ang kanyang pakiramdam. Actually, hindi lang pala nakapag-almusal 'yong babae. Kawawa nga eh kaya hayun at pinakain ko muna sa canteen."

"That's what I like you. You never fail to help those who are in need" he winks at her.

"Tigilan mo nga ako, nasa gitna tayo ng trabaho Dr. Vijandre" she flashed him a glare.

"What? (nagmaang maangan)."

"No flirting Dr. Vijandre it's working hour" biglang pasok ni Eric sa room.

"Pagsabihan mo nga iyang kaibigan mo Dr. Lopez" tumalikod si Miles para ipagpatuloy ang pag-asiste sa mga pasyente.

Manaka naka naman ang pagsulyap ni Izhi sa dalaga na hindi naman lingid sa paningin ni Eric.

"Tinamaan na tayo doc ah. Gusto mo magpacheck ng puso sa akin?"

"Tinamaan na talaga ako ng sobra. Teka nga, tigilan mo ako Eric ah. Optometrist ka pare hindi Cardiologist" he chuckled.

"Eh 'di ligawan mo na. Huwag mong sabihin kukupad kupad ka pagdating sa panliligaw. Naku! Makawala pa iyan Izhi, ikaw din."

"Eh hindi ko pa nga siya nakakausap after what happened between us."

"Naku mailap pala iyang si Miles, mahirap 'yan pare" iiling iling na saad ni Eric.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Hindi pa rin mawaglit sa isip ni Miles ng halikan siya ni Izhi. Pinipilit niyang hindi isipin ang nangyari kaso lalo lang siyang nahihirapan dahil para itong isang sirang plaka nagpaulit-ulit sa kanyang isipan.

"Hoy! MM nakikinig ka ba?"

"Ha? Ano 'yon?"

"Pambihira ka Miles Meriz! Kanina pa ako nagsasalita dito naseen zone mo lang pala ako."

"Ah ano kasi may iniisip lang."

"Mukhang in love si Nurse Dominicah ah" tukso ng kaibigan.

"Tigilan mo nga ako Riann. Iniisip ko lang ang mga naging pasyente ko."

La Vista del Amor (The Vision of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon