Kumakain ng almusal ang mag-anak na Dominicah nang dumating si Izhi sa bahay nila."Good morning, everyone."
"Good morning din sayo hijo. Halika sabayan mo kami dito sa hapag"anyaya ni Aling Melen dito.
"Salamat po pero nakapag-almusal na po ako sa bahay."
"Pakihintay na lang muna ako sa sala Izhi matatapos na rin ako dito" saad ni Miles rito.
"Don't worry about me, kumain ka lang dyan."
Matapos kumain ay mabilis na naligo at nagpalit ng damit si Miles at agad na umalis ang dalawa papunta sa hospital. Pareho sila ng hospital na pinapasukan pero magkaiba lang sila ng department.
Nang tanghaling iyon napadaan si Miles sa isang incubator room. Tinitingnan niya ang sanggol nang mapadaan si Izhi.
"Oh bakit ganyan ang pagmumukha mo?"
"Naaawa kasi ako doon sa sanggol kung anu-ano na ang nakakabit sa kanya na tubes."
"What can we do, she is a premature baby."
Mayamaya tumabi ang ina ng sanggol na nakasuot pa ng hospital gown.
"Bakit po nandyan ang anak ko?" tanong nito sa kanya.
"Premature baby po ang anak niyo. Napaaga ang labas niya at hindi nakompleto ang nine months. We kept her in a incubator until she reach her normal weights" paliwanag niya.
"Pero lalaki naman siya ng maayos 'di ba?"
"Oo naman. As a matter of fact isa po akong premature baby" saad ni Izhi.
"Salamat sa panginoon" naiwika nito.
"Excuse us ma'am" at naunang maglakad si Miles na sinundan naman siya ni Izhi.
"Did you eat lunch?"
"Wala pa nga eh, kailangan kasi ako kanina sa labor room."
"Let's go. Let's eat lunch together. Mamaya pa naman ang schedule ng mga patients ko."
"Sige, pero saglit lang tayo at baka kailangan ako ng team."
"Don't worry, dala ko ang sasakyan."
Pumasok sila sa isang mini restaurant at nag-order ng makakain. Habang hinihintay nila ang pagkain nakatuwaan ni Miles na kunan ng litrato si Izhi.
"Hey! Delete it."
"Bakit? Cute mo nga dito oh. Bakit naman kasi ang gwapo mo tapos doctor ka pa marami tuloy akong kaagaw sayo. Pansin mo nga dito pa lang oh pinagtitinginan ka na nila."
"Eh ano ang masama pinagtitinginan lang naman?"
"Pinagtitinginan ka nila na may kasamang pagnanasa, ganoon!"
"Hahahaha 'wag ka na magselos ikaw naman ang mahal ko at sayo lang ako titingin" at ngumiti si Izhi ng kay tamis sa kanya.
"Huwag ka nga ngumingiti dyan baka kung ano ang malaglag sa kabilang table" sumimangot si Miles.
"Ha? I don't get you."
"Wala. Huwag mo na lang akong pansinin may dalaw lang ako kaya nagseselos" paglilinaw niya sa binata.
"You're so cute!" he pinch her on the nose.
"Aray! Huwag mo akong simulan Izhi ah" pagbabanta niya dito.
"Sorry. Masakit ba? Ikiss ko na lang para mawala na ang sakit."
"Should I beat you here, doc?"
"Nagbibiro lang naman. Anyway, nandito na pala ang orders natin. Let's eat para makabalik na tayo sa hospital."
BINABASA MO ANG
La Vista del Amor (The Vision of Love)
RandomMakakayanan mo ba na makita ang mahal mo na unti -unti nang nanlalamig sayo?Paano kung sumuko na ito na mahalin ka? Subaybayan ang pag-ibig na sinubok nang mata ng kasawian.