Nakaligtaan na lang ni Miles ang mga bilin sa kanya ng kasambahay na si Ella tungkol sa amo nitong si Vic.Isang umaga, matapos makapagpalit ng nurse uniform ay bumaba si Miles sa kusina para makakain ng almusal. Wala si Ella dahil namalengke ito kaya si Miles na ang naghanda ng kanyang makakain.
Habang kumakain nakita niyang bumaba si Vic sa kusina at nagtimpla ng kape.
"Good morning, Nurse Miles" bati nito at umupo sa tabi ng dalaga.
"Good morning din sir. Kain ho tayo?"anyaya niya dito.
"Sige, salamat pero busog pa ako."
Mayamaya naramdaman ni Miles ang kamay ng lalake sa kanyang hita kaya napapitlag ang dalaga.
"Sir!"
"Sorry, nasagi ko lang ng kamay ko."
'May nasagi ba na hinipo pa nito ang kanyang hita', hiyaw ng isip ni Miles.
Pinagpatuloy na lang ni Miles ang pagkain at laking pasasalamat niya nang dumating na si Ella buhat sa pamamalengke.
"Oh bakit namumutla ka dyan Miles?"himig pag-alala nito.
"Ano kasi..si sir Vic hinipuan ako kanina."
"Ano?" sigaw nito.
"Sssh 'wag ka nga maingay baka may makarinig sa atin."
"Naku! Kung ako sayo isusumbong ko iyang si sir kay Ma'am Carol."
"Huwag na, magkakagulo pa at saka baka nga nasagi lang talaga."
Ayaw niya ng bigyan si Amelita ng alalahanin lalo na unti-unti ng bumubuti ang kalagayan nito.
Ngunit isang gabi habang nag-over time sa kompanya si Mrs.Carol hindi naisip ni Miles na may nakaabang na panganib sa kanya.
Alas dyes ng pinuntahan ni Miles si Amelita sa silid nito para tingnan ang temperature at pressure nito pagkatapos ay bumalik na sa kanyang silid. Nang maisara niya ang pintuan ay humiga na siya sa kama at nakatulog.
Pero pagsapit ng hating gabi naalimpungatan si Miles nang maramdaman na may dumagan sa kanya. Nang maimulat ang mga mata nakita niya si Vic na nasa ibabaw niya na.
Gusto niyang magsisigaw pero may humaharang na panyo sa kanyang bibig. Hinampas niya ng hinampas ang lalake pero hinawakan nito ang mga kamay niya at sinikmuraan ang dalaga.
"Hahahaha kung ako sayo nurse Miles huwag ka ng pumalag para hindi ka na masaktan. Hahahaha akin ka lang ngayong gabi!" halakhak nito na parang nababaliw.
Sinimulan nitong buksan ang butones ng kanyang blouse. Nakipagbuno ang dalaga kay Vic. Pinagpapadyak ni Miles ang mga paa pero mas malakas ang lalake.
Umiiyak na siya laking pasasalamat niya ay nakaya niyang maabot ang lamp shade at naihulog kaya lumikha iyon ng ingay.
Narinig ni Ella ang kalabog sa kwarto ni Miles kaya dali dali niya itong pinuntahan kaso wala siyang susi sa kwarto nito, sakto naman na dumating si Mrs.Carol.
"Oh Ella ano ang ginagawa mo sa tapat ng kwarto ni Nurse Miles?"
"May narinig po kasi akong kalabog sa loob pero wala naman po akong susi."
"Heto ang susi, buksan mo na para macheck kung maayos lang si Nurse Miles."
Nang buksan nila ang pinto, nadatnan nila ang dating asawa ni Mrs.Carol na nasa ibabaw ng dalaga. Mabilis na pinaghahampas ni Mrs.Carol si Vic at tinulungan naman ni Ella si Miles.
"Walang hiya ka talaga Vic pati ba naman si Nurse Miles ay hindi mo sasantohin hinayupak ka!" asik ni Mrs.Carol kay Vic.
Habang si Miles ay tigmak pa rin sa luha ang mga mata at hindi pa rin ito makapagsalita.
Biglang tumunog ang cellphone nito pero walang lakas ang dalaga na sagutin ito kaya kinuha ito ni Ella at sinagot.
"Hello shatsie, bakit matagal mong sinagot ang tawag ko?"
"Hello po, sir. Si Ella po ito kasambahay ng pamilya Moriones."
"Ah ganoon ba. Nasaan pala si Miles?"
"May nangyari po kasi sa kanya."
Dinig na dinig ni Izhi ang buong salaysay ng kasambahay na si Ella at halos sumulak ang dugo niya. Nasa over time duty si Izhi ng gabing iyon nang naisipan niyang tawagan ang nobya.
"Oh pare parang hindi ka mapakali dyan?" tanong ni Eric sa kaibigan.
"May nangyari daw masama kay Miles kaso hindi ko naman maiwan ang mga pasyente natin."
"Don't worry ako na ang bahala dito puntahan mo muna si Miles.''
"Salamat pare" sabay tapik niya sa balikat ni Eric.
Mabilis na pinasibad ni Izhi ang sasakyan sa lokasyon ni Miles.
-----------------------------------------------------------
Nang makarating ay agad siyang pumasok sa bahay ng mga Moriones, sinalubong naman siya ni Ella at dinala kay Miles.
Naikuyom ni Izhi ang kamao nang makita ang itsura ng nobya. Wala sa ayos ang buhok nito at halos bukas ang butones ng blouse nito. Mabilis niyapos niya ang dalaga.
"Are you okay, shatsie?"
Tumango ang dalaga pero ramdam ni Izhi na sobrang natakot ito sa nangyari.
"Sisiguraduhin kong mananagot ka Mr.Vic sa ginawa mo kay Miles I will surely put you behind jail. I swear!"asik dito ng binata.
"Walang akong ginagawang masama inakit ako ng nurse na yan!" wika ni Vic.
"Huwag ka ng magmaang maangan Vic, alam ko ang tunay na baho mo!" duro dito Mrs.Carol.
"I-Izhi pwede iuwi mo na lang muna ako please gusto ko ng magpahinga" saad ni Miles sa mahinang tinig.
Mabilis niyang inalalayan ang dalaga at kinuha ang mga gamit nito. Habang nagmamaneho hinawakan niya ang kamay ng dalaga at hinalikan ito.
"Kanina ka pa tahimik? Huwag kang mag-alala makukulong ang Vic na iyon!"
"Please sa inyo na muna ako ngayong gabi lang Izhi. Ayaw ko kasing mag-alala pa sina tatay at nanay kapag nalaman nila ang nangyari sa akin."
"Sige, welcome ka naman lagi sa bahay."
"Salamat."
Nang makarating ay nadatnan nila si Vina na nasa balkonahe.
"Hija, I heard what happened. Are you alright?"
"Opo tita, sa kabutihang palad ay hindi nagtagumpay si Sir Vic sa kanyang masamang balak sa akin."
"Thank God!"
"Mom, pwede ba munang magstay kahit ngayong gabi lang si Miles dito sa bahay?" tanong ni Izhi sa ina.
"Sure no problem. Sa katunayan niyan ay handa na ang guest room, son."
"Sige po iaakyat ko muna si Miles ng makapagpahinga."
"Sige, good night hija."
"Good night din tita."
Nanghihina pa rin ang mga tuhod ni Miles kaya todo alalay ang ginawa ng binata rito. Nang maihiga ay kinumutan nito ang dalaga.
"You surely have a tough day shatsie, sleep well" sabay hinalikan niya sa noo ang dalaga.
"Salamat shatsie at dumating ka kahit naistorbo pa tuloy kita sa trabaho mo" hinging paumanhin nito sa binata.
"Ano ka ba hanggang kailan mo ba sasabihin na iniistorbo mo ako sa tuwing hihingi ka ng pabor? Alam mo naman lagi akong may time para sayo" ginagap ni Izhi ang palad ng dalaga.
"Salamat, good night."
"Likewise. I'll be next door just knock if you need anything."
Isang tingin ang iginawad ni Izhi sa dalaga bago isinara ang pinto.
A/N:
Keep reading,hit stars!😃😁
BINABASA MO ANG
La Vista del Amor (The Vision of Love)
De TodoMakakayanan mo ba na makita ang mahal mo na unti -unti nang nanlalamig sayo?Paano kung sumuko na ito na mahalin ka? Subaybayan ang pag-ibig na sinubok nang mata ng kasawian.