Chapter 14 (Confession)

531 10 0
                                    


Kanina pa pabaling baling sa higaan ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Izhi. Sumasagi pa rin kasi sa isip niya ang halik na nangyari sa kanila ni Miles.

Hindi naman sa first time niya ang makahalik but when it comes to Miles iba ang naging epekto nito sa kanya. Kaya nagdesisyon ang binata na kausapin ang dalaga.

Kinabukasan, nakita niya ang dalaga na naglalakad sa may hallway ng hospital.

"Can we talk?"

Hindi siya pinansin ng dalaga at patuloy lang sa paglalakad ng mabilis.

"I just want to clear things out Miles, please."

"May aasikasuhin pa akong pasyente, excuse me."

"Why are you being so difficult Miles?"

"Save your word. I don't want to talk about what happened Izhi so please, enough."

Nagpatiuna na ito sa paglalakad.
Nakasalubong ni Izhi si Joyce sa hallway at nilapitan siya ng dalaga.

"Hi Izhi" ngiting bati nito sa kanya.

"What are you doing here Joyce?"

"May check-up schedule ako sa doctor ko. So dito ka pala nagtraining?"

"Yeah. Ihahatid na kita."

"Don't bother kaya ko pa, okay."

"Are you sure?"

"My gosh Izhi, ginagawa mo akong baby. Sige na kita na lang tayo later."

Sa sumunod na araw papalabas si Izhi nang makasalubong niya ang kasamang nurse ni Miles sina Rosel at Mary.

"Hi doc."

"Hi. Si Miles?"

"Nauna na kanina pa, hindi ba kayo nagkasabay?"

"Hindi eh, sige salamat."

Hindi nirereplayan ng dalaga ang mga text niya kaya kinabukasan inabangan niya ito sa hallway.

Nakita ni Miles ang binata na nakasandal sa pader at ang dalawang kamay ay nakalagay sa white gown nito.

"Good morning Nurse Dominicah?" ngiting bati nito.

"Same to you, doc."

"Kumusta naman ang mga pasyente mo?"

"Maayos naman sila. Bakit mo natanong?"

"Okay. No particular reason. Iniiwasan mo ba ako?"

"At bakit naman kita iiwasan?"

"Malay ko sayo. Hindi mo nga nirereplayan ang mga text ko kahapon."

"Maaga natapos ang duty ko at wala akong load."

"Inaaway mo ba si ate MM?"

"Who's this kid?"

"I am Brice at huwag mong aawayin si ate MM or else I will put you behind bars."

"Hey Brice, don't talk to him like that his older than you. You should respect him."

"I don't want! Inaaway ka niya."

"No were not. Nag-uusap lang kami."

"Really?"

"Of course, little kid. Miles and I are friends" ani Izhi.

"Okay!"

"Bakit ka ba lumabas Brice? Naku ang kulit mo talaga I told you to stay in bed baka atakihin ka na naman."

La Vista del Amor (The Vision of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon