Kabanata 4
Past
Tahimik kaming dalawa habang nasa biyahe kami pauwi. Napatingin ako sa gawi niya ng huminto ang sasakyan dahil sa red light. Within 5 years, he became more mature, not just physically but also mentally.
"Kumain ka na ba?" Kaswal niyang tanong saakin. Umiling lang ako bilang sagot at hindi na nagsalita.
I heard him breath heavily before starting the engine again.
"Kakain muna tayo," sabi niya saakin pero hindi ko na kinontra. Gustuhin ko mang umuwi na lamang at magpahinga ay pinaunlakan ko nalang ang nais niya.
Kanina ay naitanong saakin ni Tristan kung paano ko nakakayanang makitira sa tahanan ng fiancee ng ex ko. Paano ako nagiging kalmante lamang at kumikilos na parang wala lamang nangyari sa nakaraan.
"Are you doing this for Daniela? Para hindi siya masaktan?" I laugh at his question.
"Come on, Tristan! Matagal na kaming wala and there's no point para ma bitter ako or what. I am...happy with my life now and so he is," mataman kong sabi sakanya. Napailing-iling lamang siya sabay sabi ng 'Wow'.
"Hindi man lang ba siya nagalit nang makita ka niya? You broke him years ago," natigilan ako sa sinabi niya at pilit na inalala ang mga nangyari. Nang magkita kaming dalawa ay hindi naman siya nagpahiwatig ng kung ano mang galit para saakin.
"You know what? He already moved on, Tristan. It's been five years," sabi ko sakanya. I took an apple on the table at kinagatan ito, "if we bound ourselves too much in our past, it can lead us to destruction Tristan," marahan kong sabi sakanya at pagkatapos niyan ay wala na siyang sinabi ba o itinanong saakin.
It is okay to remember the past but if you'll bring the past together with your present, it will break you apart.
"We're here," napukaw ang atensyon ko nang nagsalita si Henrik bigla. Napakurap-kurap ako at nakita kong nasa tapat kami ng isang restaurant.
"This is Daniela's favourite restaurant, I am sure magugustuhan mo rin dito," sabi saakin ni Henrik. Nauna siyang bumaba pagkatapos pero hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya ako ng pintuan, bumaba ako mag-isa.
"Henrik? Ikaw nga hijo!" Narinig kong sabi ng isang lalakeng may edad na. Binalingan siya ni Henrik ng tingin at kaagad siyang lumapit dito para magmano.
"Aba! Ang laki-laki mo na! Balita ko ikakasal ka na ah?" Nagagalak na tanong ng ginoo bago bumaling saakin at ngumiti, "kay ganda naman ng mapapangawasa mo hijo!" Nagulat ako sa sinabi niya kaya di ako naka-alma kaagad. My face heated up sa isiping napagkamalan akong mapapangasawa niya.
"Hindi po siya. Ibang babae po,Daniela ang pangalan," paliwanag ni Henrik kaya tumingin muli saakin ang ginoo tila ba humihingi ng paumanhin sa inasal.
"Pasensya ka na hija. Bagay kasi kayo kaya akala ko tuloy-- pasensya na talaga," pagpapaumanhin ng ginoo saakin. Hindi na ako nagsalita, ngumiti lamang ako dahil naiilang ako sa seryosong mga mata ni Henrik. Para bang hindi niya gusto na napagkamalan ako.
Matapos silang mag-usap ay pumasok na kami sa restaurant, sa itaas kami pumwesto na dalawa at nagkanya-kanya kami ng order na dalawa, nagtake-out nadin ako para kay Mikael kung sakali.
Hindi paman kami tapos kumain ay nahinto ako bigla dahil sa tawag.
"Khalil," tawag ko sa pangalan niya nang masagot ko ang tawag. May narinig akong iyak sa kabilang linya kaya kinabahan akong bigla.
"What happened?!" Nag-aalala kong tanong at medyo napalakas ata ang boses ko dahil napatingin bigla si Henrik sa gawi ko pero kalaunan ay itinuloy niya lang ang pagkain niya.
BINABASA MO ANG
✔️Incarcerated Hearts (BOOK 2 of Under Arrest: Dela Conde No. 1)
Storie d'amore@AquiraWP Separated by fate, united by love. Book 2 of under arrest dela Conde #1 WARNING: DO NOT READ THIS STORY WITHOUT READING UNDER ARREST. I REPEAT, READ UNDER ARREST FIRST. 😉 #538 in action (12\23\17) #638 in action (11\10\17) Photo not mine...