Chapter 32 - Henrik and Jenan

1.1K 38 16
                                        

Chapter 32
Henrik and Jenan

Ang malamig na hangin mula sa aircon ay nanunuot. Parang may kulang, dahil kahit nakaakap siya sa akin ay nilalamig pa rin ako.

"Gising ka pa ba?" tanong ko sa asawa kong nasa likuran ko, nakaakap sa akin.

Hininga niya lang ang naririnig ko. Hindi man lang siya kumibo. Hindi kami ayos, ramdam ko ito.

I shifted my position, humarap ako sakanya at nakita kong kanina pa nakatitig ang malungkot niyang mga mata.

"What's bothering you?" tanong ko pero hindi pa rin siya sumagot.

Sa halip ay tinitigan niya lamang ako at hinigpitan ang yakap niya.

I've waited for a couple of minute. I let silence to eat us but it's killing me. I don't like this.

"Khalil," tawag ko.

Bumuntong hininga siya at pumikit. Inilapit niya ang labi niya sa noo ko at marahan itong hinalikan.

"Mahal na mahal kita, sabihin mo lang sa akin, pagbigbigyan kita."

Kumunot ang noo ko at bahagyang kumirot ang puso ko. What the hell is happening? Hindi ko siya maintindihan. But the inner me feels so guilty.

"Nah, I should fight and I should win. I won't let someone take my light away from me," dagdag pa niya nang nakatitig sa akin gamit ang namumungay niyang mga mata.

"What are you talking about, Khalil? Hindi kita maintindihan."

Ngumisi siya at hinalikan ang tungki ng ilong ko.

"Ok, I know, you did nothing. I trust you."

"Khalil, kinakabahan ako sayo," sabi ko.

He smiled and gently caress my cheek.

"Don't be. Go, close your eyes and sleep," he said softly.

"I love you," I said in a whisper.

His lips rose into smile.

"I love you too."

Nag-umaga na lang ay palaisipan pa rin sa akin ang ibig sabihin ni Khalil. Did he saw us talking last night? Is he afraid?  Or my response upon seeing the ring was still bothering him?

About the ring, naging emosyonal lang naman ako kasi biglang nagbalik 'yong mga alaala namin. I wasn't hurt, I feel guilty instead. I know it's in the past, and no one cares about it anymore, however, nakasakit pa rin ako ng tao. Hindi ko nilinaw sakanya ang mga rason ko. Basta ko na lang siyang iniwan. Sa parteng iyan lang naman ako naguilty, and I don't feel guilty for loving another guy. It's been years, what's over is over, period!

"Mama! Papa Henrik is here! Babye na, te quiero!" Eurence shouted while running to his father.

Hindi na kami ulit nagkausap ni Henrik nang masinsinan matapos nong gabing iyon. Pumupunta lamang siya at sinasabing gusto niyang dalhin sa kanila ang anak niya at pagkatapos ay aalis na sila at hindi na siya nagtatanong pa.

His relationship with his son is getting stronger each day. May isang araw pa nga na dito siya sa bahay namin natulog dahil sa kagustuhan ng anak niya, luckily, it was nothing for Daniella.

Hindi ko alam kung nasabi na ba niya kay Daniella ang gusto niyang sabihin rito pero sa napapansin ko ay hindi pa ata. O baka naman baliwala na talaga sa kanya ang nangyari sa amin dati ni Henrik. Sana ganyan nga ang nangyari. Hindi ko naman pwedeng husgahan na lang ang pinsan ko dahil lang sa isang pagkakamali niya dati, normal lang naman na magalit siya dahil nilihim namin ang katotohanan.

✔️Incarcerated Hearts (BOOK 2 of Under Arrest: Dela Conde No. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon