Chapter 25 - Eurence

1.1K 41 15
                                        



Chapter 25

Eurence
.

"Khalil?" tawag ko sa pangalan niya habang nagbabasa siya ng diyaryo.


"Hmm?" him, still focusing his sight on whatever he's reading in the newspaper.


"Naisip ko lang, we haven't celebrated our fourth wedding anniversary kasi nga 'di ba na-coma ako nang panahong 'yon?"


Now, I've got his attention. Binaba niya ang diyaryo't inalok ako na maupo sa kanyang kandungan. He then immediately snakes his arms around my waist and buried his face between my neck and my shoulder.


"That time, the celebration is really out of my mind. Ang gusto ko lang magising ka na and when you woke up, nasabi ko na lang na natanggap ko na ang pinakamahal na regalong matatanggap ko. Idagdag mo pa na buntis ka."


Napanguso ako roon at naitanong sa kanya kung wala ba siyang balak na e-celebrate namin 'yon kahit late na.


"Hmm...we could still enjoy our late anniversary without some party," sabi niya at saka pilyo akong nginitian.


Nakataas ang kilay ko habang ang mga kamay ko ay nakapulupot sa leeg niya habang kandung-kandong niya ako.


"At paano naman?" tanong ko.


Ngumisi siya sa akin bago inilapit ang bibig sa aking tainga upang bumulong.


"Through making love in any position you want."


Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at sinakal siya nang mahina dahil sa sinabi niya but he only laughed at my reaction and then hugged me after.


"We'll go to Papua New Guinea."


Bahagya akong natigilan sa bagong bulong niya sa akin at ang kasiyahan ay unti-unting umahon sa kalooblooban ko.


"A vacation?" gulat kong tanong sa kanya and when he told me yes, labis na lamang ang tuwa na nadarama ko.


Like what he planned, we traveled to Papua New Guinea. Isang linggo lang sana ang gusto namin but since Abuela loved to stay for a bit to celebrate Christmas ay nagtagal pa kami.


We stayed in a hotel dahil wala naman kaming bahay rito. Eurence also loved the Papuans. Isang araw nga'y nakita ko siyang nakikipaglaro. But aside from the kind people, nagustuhan din namin ang isla. The beaches are all nice, even their rivers, at hindi namin pinalampas ni Khalil ang mga bagay na ito kahit pa man buntis ako. I even joined him to climbed a mountain, hindi naman kami nag rappelling, simpleng lakad lamang hanggang sa makarating sa tuktok.


Dapit hapon na kami nang makarating sa tuktok. With all smile, binuka ko ang mga kamay ko't dinama ang hangin. The scenery is breathtaking, papalubog na ang araw at iba't ibang klase ng ibon pa ang nagsiliparan. No wonder why this island is called as the birds of paradise!

✔️Incarcerated Hearts (BOOK 2 of Under Arrest: Dela Conde No. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon