Chapter 16- Watching her

982 42 14
                                        

Chapter 16

Watching her

.

Nang makarating kami sa tahanan ay kaagad na sinalubong kami ng mga katulong at pati na rin ni Abuela.

"Nikolai, por favor trae todas sus cosas a su habitación," (Nikolai, please bring all her things to her room.) utos ni Abuela sa isa niyang trabahador bago binalingan at sinalubong ng yakap ang kanyang apo.

"Jenan, finalmente has llegado! "(Jenan, you're finally here!) may pagkagalak na sabi ni Abuela kay Jenan.

"I miss you, Abuela," sabi naman ni Jenan sa matanda.

"Mabuti naman at nakinig ka sa asawa mo na umuwi," turan ng matanda at saka kinalas ang yakap sa apo.

"Matitiis ko ba naman sila?"

Natawa ang matanda sa sinambit at ako naman ay napangiti na lamang habang karga-karga ang si Eurence na natutulog.

Tinawag ko ang isang katulong at inutusang dalhin muna sa kwarto si Eurence.

"¿Cómo estás viajando?" (kamusta ang biyahe) tanong ni Abuela sa asawa ko.

"Está bien. Aunque, estoy cambiando aquí en Stockholm. ¿Cuándo planeas volver a España?" (Ayos lang naman. Although, naninibago ako rito sa Stockholm. Kailan niyo ho ba planong bumalik sa Spain?) kausap niya sa ginang.

"Gusto ko munang manatili rito. Pero kayo kung gusto niyong bumalik ng España, hindi ko kayo pipigilan. You can even visit Philippines if you want to. Magbakasyon muna kayong tatlo," alok ni Abuela sa amin.

Tumingin ang asawa ko sa akin tila ba tinatanong kung anong masasabi ko sa minungkahe ni Abuela.

"Masyadong malamig na ang klima rito lalo na sa edad niyo, mas makabubuti sigurong sumama kayo sa amin kung magbabakasyon man kami sa Pilipinas," suhesyon ko na tinanguan naman ni Abuela.

"Kung sabagay ay maganda ang mungkahe mo Khalil. O siya, ipagpahinga mo muna si Jenan and let me have some words with you in private," sabi ni Abuela bago maunang maglakad patungo sa library na nasa unang palapag lamang.

"Susunod ako," sabi k okay Jenan at saka hinalikan ang noo niya bago sumunod kay Abuela.

Sa mga taong nagdaan na kasama ko ang pamilya ng asawa ko ay madali ko lamang nakuha ang loob nila. I even got his father's trust and even had his consent before I married Jenan. Maybe it was because of my family background? Maybe...

"What are your plans?" Abuella asks me.

Napakunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.

"Anong plano niyo kay Eurence?" tanong niya sa akin habang nakatingin nang deritso sa mga mata ko.

Hindi ko alam kung binabasa niya ba ang nasa isipan ko o pinahihiwatig niya sa akin na hindi siya sasang-ayon sa magiging sagot ko.

I cleared my throat before answering her, "We cannot hide the truth."

"But we can prevent it from spreading," she said which made me confuse.

Napaayos ako ng upo at kunot noong napatanong sa kanya.

"What do you mean, Abuella?"

She chuckles.

"Kaunti lang naman silang nakakalam di 'ba? And I think, it would be easier to shut them up."

That gives me horror.

✔️Incarcerated Hearts (BOOK 2 of Under Arrest: Dela Conde No. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon