Chapter 31: Ring

1K 35 22
                                        

Chapter 31
Ring
.
"I told you! It's You-rens!" gigil na sabi ng anak ko.

Tumawa naman ang iilang tao sa harden ng mga dela Conde dahil sa inasta ng anak ko. Namumula na ang tenga niya at kumukunot na ang noo at ang kilay nagkasalubong na, manang-mana nga talaga sa ama niya.

"Fine! Youlens!" Lauren said.

"Eurence sabi! Youuu-reeens!"

"Ok, Eulence!"

Napasabunot na lang si Eurence sa sariling buhok niya sa pagkainis sa maling pagbigkas sa pangalan niya. Natawa ako, he loves his name so much at ayaw na ayaw niya na may maling magbigkas nito.

Alinier and her daughter is here to have some brunch with us. Kanina pa dapat kami umalis pagkagising ni Eurence but Henrik's mom insisted na maya-maya na lang daw dahil gusto niya pang makasama ang apo niya. I am actually glad that the dela Condes welcomed my son whole heartedly. Ang inaasahan kong panunumbat ay hindi ko narinig, even a single thing about our past was never mentioned, seems like everyone had already forgotten it.

"Hey, where are you going kuya Eulence?!" tanong ng mumumting bata na si Lauren.

"Ugh! Don't talk to me! I don't wanna play with you!" sigaw niya kay Lauren nang hinarap niya ito at hindi man lang siya natinag sa paghikbi ni Lauren.

"Young man?" Henrik said in a warning tone kaya napalunok si Eurence.

Tumingin naman ang anak ko sa akin tila ba nagpapatulong but I just pouted at him, testing him kung ano ang gagawin niya.

Tinaasan siya ng kilay ni Henrik kaya nanubig bigla ang mga mata niya at namula ang ilong na tila ba isang kalabit na lang ay iiyak na siya.

"You're a man big boy!" sabi ni Khalil tila ba pinapaalala niya ang dapat gawin ng isang lalake kapag ka may pinaiyak na babae. At dapat hindi umiyak ang lalake nang walang dahilan.

"Fine! Fine! Sorry! Lo siento! Lo siento!" pagsuko niya at hingi ng tawad habang tumutulo ang sariling luha. Pinunasan niya pa ang mga luha ni Lauren kaya napangiti ako at natawa na lang ang iba.

"Don't cry," Eurence said as he continued wiping her tears out.

"But you're crying too!" the kid insisted.

Lumapit si Henrik sa dalawa and he patted Eurence head and hugged the both kids.

Mas lumapad ang ngisi ko, I can already see that he will be a good father someday. Daniella would really be lucky to have him. Any woman would always be lucky.

When the brunch was over, napakwento ang Lola ni Henrik ng kwentong pambata dahil sa kahilingan ni Lauren. She loves fairytale, Eurence on the other hand, hate it. Gusto niya marinig 'yong kwento tungkol sa papa Henrik niya. Lauren protested dahil ayaw niya sa ganoong kwento.

"I am your kuya, we're siblings. You should listen to me kasi you're bata pa!"

Walang nagawa si Lauren kung hindi tumango at makinig na lang sa kwento na kalaunan ay tawa na nang tawa dahil ang kwento ay tungkol sa pagkabata ni Henrik.

"That's gross, grandma!" Lauren reacted nang marinig niya na noong sinipon si Henrik at inubo ay nilunok nito ang sariling plema.

Natawa ako nang palihim. That's really gross but I think that's normal, halos lahat naman ng tao eh nagawang lumunok ng plema.

"You've raised him well," biglang kausap sa akin ni Maier na nakangiting nakamasid sa anak kong nakaupo at nakangiting nakikinig sa kwento ng Lola niya.

"Salamat sa tulong ni Khalil ay napalaki namin siya nang maayos," sabi ko.

"Thank you, Jenan," si Maier.

✔️Incarcerated Hearts (BOOK 2 of Under Arrest: Dela Conde No. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon