Chapter 13: A night with the dela Conde's

1K 35 9
                                        

Chapter 13: A night with the dela Condes

Alauna emedya dumating ang damit na sinasabi ni Hendrix sa akin kanina. I don't know what he's planning to do later. Iipitin niya ba ako sa presensya ng mga kalahi niya hanggang sa maamin ko sa lahat na may anak ako kay Henrik? Pero sinasabi ng puso ko na hindi naman magagawa ni Hendrix sa akin 'yon, I know he's mad at me pero hindi niya ako magagawang ipitin sa isang sitwasyong hindi ko magugustuhan.

"Ang gara ng damit, pag sinuot mo 'to magmumukha kang mayaman. Ay, mayaman ka na man talaga, e," sabi ni Thalia habang pinagsasawaan sa tingin ang long gown na pinadala ni Hendrix.

The gown is glittering from waist to its tip. The upper part is lace, which I found so elegant. Hindi siya revealing sa harap dahil makikita mong balot na balot ako pag sinuot ito–maging ang mga braso ko'y mababalutan ng ginintuang lace. Pero kung sa likod mo tiningnan, kita buong likuran ko nito at klaro ang hubog ng katawan ko.

"Maiba ako, di ba nakausap mo na ang mga kaibigan niya? They didn't know where she is, so I think this friend of her na sinasabi mo e, mag-deny rin sa atin," wika ko.

"We talked to her friends and not with her most trusted friend. Catherine W-, basta si Catherine, ang hirap banggitin ng apilyedo niya, is Czarina's most trusted friend. But we need to be careful, based on my intelligence, she's a dangerous woman," sabi niya.

"How dangerous? Drug addict? Criminal? Assassin?"

"Grabe ka naman, you're too much but she's dangerous. Let's just see later if how dangerous she is."

Tumango na lang ako sa sinabi niya at ipinikit ang mga mata ko habang nakaupo sa sofa.

I am still thinking kung kailan ako aamin sa kanya.

Siguro kung hindi ko tinanggap ang trabahong 'to hindi na muli pang magtatagpo ang mga landas naming dalawa. Hindi sana ako kakabahan sa maaaring gawin ni Hendrix na siyang tanging nakakaaalam ng lihim ko.

But then, life must go on. This is maybe fated to happen.

Minulat ko ang mata ko at kinuha ang selpon ko't nag tipa ng mensahe para kay Tristan.

To Tristan:

How is she?

Kakasend ko pa lang ay nagreply kaagad siya. Siguro'y hindi siya abala ngayong araw.

Tristan:

She's getting better each day and she's trusting me.

Tristan:

Tungkol sa kaso, tatawagan na lang kita kapag naipanalo ko na. Don't worry, I will do everything just to make those asshole pay.

Matapos mabasa ang mensahe niya'y nawala ang pangamba ko tungkol sa babaeng tinulungan ko. Tama ang desisyon kong ihabilin siya kay Tristan.

"Ah, Jenan, aalis nga pala ako. I am going to report to Czar about our progress at maghahanap din ako ng damit na maaaring rentahan para mamaya. Bwesit na Hendrix iyon, hindi man lang ako pinadalhan ng damit," sabi niya at mahahalata mo talagang naiinis siya kay Hendrix.

Ngayon, mag-isa na lamang ako.

Hmm..makatulog na nga, beauty rest kumbaga.

Mabilis ang naging takbo ng oras at nagising na lamang ako na alas-kwatro na pala ng hapon at nakarating na rin si Thalia mula sa lakad niya.

Ngayon, nagkakape siya habang nanunuod ng palabas sa TV.

"Yong baklitang Czar na 'yon, nakakaasar siya. Sinabihan ba naman ako na trabahong pagong daw tayo kasi hanggang ngayon di pa natin nahahanap si Czarina. Sinabi niya pang h'wag na tayong mangialam sa ibang bagay at si Czarina nalang ang hanapin," kwento niya sa akin nang makita niyang umupo ako sa sofa.

✔️Incarcerated Hearts (BOOK 2 of Under Arrest: Dela Conde No. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon