Chapter 28: Beg

1K 37 6
                                        

Chapter 28

Beg

.

Everything turns so fine. Our days run so smooth. Walang exciting na nangyari o ano man maliban sa pagkatuwa ni Henrik sa anak niya.


Now that Eurence already recognized him ay halos araw-araw na niyang gustong makita ang anak niya. But we both know na hindi niya pwedeng isama ang bata sa kanila dahil hindi pa naman alam ng pamilya niya ang katutohanan.


Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang bagay na iyon o ipangamba. Hindi ko pa alam kung ano ang magiging reaksyon nila pag nalaman nila. Lalo na si Daniella. Baka hindi nila matanggap ang bata, at baka mas gugustuhin nilang huwag na lamang kilalanin ni Henrik ang anak niya dahil tiyak akong magiging skandalo ito lalo na't ikakasal na siya, at sa pinsan ko pa.


If they decided to take Henrik away from his son ay isa ako sa papagitna. Hindi dahil sa may nararamdaman ako sa kanya kung hindi dahil para sa anak ko. They already built a special bond, ayaw kong masira iyon.


Para saan pa na nagdesisyon akong ipagtapat kay Henrik ang lahat kung makikinig lang pala ako sa sasabihin nila kung sakali?


Isa pa, masaya ang anak ko kasama siya, kahit pa man sabihin nating hindi pa niya naiintindihan ang mga nangyayari. Pero sa bawat araw na kasama niya ang tunay niyang ama, bakas sa mga mata't labi niya kung gaano siya kasaya, at ganoon din si Henrik.


Everything takes time.


"Mommy, picture tayo please!" pakiusap sa akin ni Eurence habang punong-puno ng icing ng chocolate cake na dala ni Henrik ang bibig niya.


Tumango ako at lumipat sa sun lounger nila. Nandito kami ngayon sa pool area ng bahay namin ni Khalil dahil tinuturuan ni Henrik lumangoy ang anak niya. Si Khalil dapat ang magtuturo sa kanya ngayon kaya lang may biglaang meeting na sinagawa si Abuela para sa law firm namin kaya nagmadali siyang umalis at sinabing babawi na lang.


I saw how my son frowned when Khalil told him about the meeting, lalo na nang umalis na ito ng bahay. Nagulat na lang ako na dumating si Henrik sa bahay. Ang sabi niya'y tumawag ang Yaya ni Eurence, and yeah, I remember Eurence asking me if he could talk to his papa kaya pinatawagan ko sa Yaya niya, but I did not ask him to come here, it was our son who asked him if he could teach him how to swim.


"You already ate too much of chocolate, Eurence," sabi ko pero ngisi lang ang binigay niya sa akin.


Kumuha pa siya ng icing at kinalat sa palad niya sabay ngisi sa akin nang malapad.


"Don't you dare," babala ko sa kanya.


He pouted at me and he faced his father.


"Papa, help me."


Nagulat na lang ako na hinawakan na ni Henrik ang kapwa ko palapulsuan upang di ako makapalag.


"Sige na, pagbigyan mo na," sabi niya pa sa akin.


✔️Incarcerated Hearts (BOOK 2 of Under Arrest: Dela Conde No. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon