Chapter 35
A day to celebrate and to mourn
.................
From outside, I smiled weakly while staring at my poor daughter. I know, mababa ang posibilidad na mabuhay siya, pero alam ko ring lumalaban siya. Bawat segundo ay mahalaga para sa kanya. Bawat araw naman ay nagpapakaba sa amin, dahil alam ko, kahit lumalaban siya maaari rin siyang mapagod.
"She's strong, Jenan," sabi ni Eurika na katabi ko habang pinagmamasdan ang anak ko na kanina lamang ay hirap na namang huminga. Thank God at nasalba siya.
After Eurence's birthday, I swear, aalis kami at tutungo na sa ibang bansa upang ituloy ang paggamot kay Kendra.
"I don't know which is better, Eurika. Gusto ko siyang mabuhay pero ayaw kong nakikita siyang nahihirapan. She's too young to suffer," mahina kong sabi.
Naramdaman ko ang mainit niyang yakap mula sa likod. Nilagay niya sa balikat ko ang baba niya.
"Think positive, Jenan. Your daughter is still an Oquendo, and an Oquendo is not born for nothing. Have faith, Darling. Have faith."
Tumango lamang ako sa sinabi niya.
Faith. Iyan na lang ang makakapitan ko sa ngayon.
"Tita, can I play with Eulence?" nakangiting paalam sa akin ni Lauren nang minsa'y napadalaw sila ni Alinier dito sa amin.
I nodded at the kid but my son almost rolled his eyes on Lauren nang makalapit ito sa kanya.
"This is not a girl thing!" sabi niya pa nang magkatapat na sila ni Lauren.
Sumimangot si Lauren kaya napabuntong hininga na lamang si Eurence.
Aba, parang matanda na kung kumilos ah.
"Fine! Laro na tayo basketball," tila pagsuko niya.
Hinila niya nang marahan si Lauren papuntang garden para doon na sila maglaro. Samantalang tahimik naman kaming umiinom ng tsaa ni Alinier. Subalit ang katahimikan ay biglang binasag ni Eurika sa pamamagitan ng nagtatanong.
"I've heard from s reliable source na tuloy raw ang kasal. How true is that?" Eurika, as she takes a glance at Alinier.
The lady just nodded in a classy way before putting her cup down.
"I can't believe it! Seryoso talaga 'yong ex mo, Jenan? I mean, he's marrying Daniella the 'psycho'" at tumawa pa siya pagkatapos.
Napailing na lamang ako sa kanya habang nanatiling tahimik naman si Alinier.
"When a man stays loyal despite your negative character, that would mean true love, Eurika," sabi ko na lang.
"Woah. Big words. But, I rather call it, blinded love," sagot naman ni Eurika sa akin matapos ay tumayo nang tumunog ang telepono niya dahil sa isang tawag mula sa special na tao slash kinaiinisan niya.
Ang naiwan na lamang sa sala ay ako at si Alinier. Ngumiti siya sa akin bago siya nag desisyong magsalita.
Kinakabahan ako sa mga sasabihin niya, pakiramdam ko may parte sa nakaraan ko ang babanggitin niya.
"Jenan, I know how the both of you broke up, it was tragic. But you both moved on, however, it took Henrik years before he finally forgets you, before he finally realizes that there is still another woman for him."
Napakurap-kurap ako't nagtatakang tinitigan siya.
"Why are you telling me this?" I ask her nang nakangiti pero hilaw dahil hindi ko makuha ang gusto niyang puntuhin sa mga sinabi niya.
BINABASA MO ANG
✔️Incarcerated Hearts (BOOK 2 of Under Arrest: Dela Conde No. 1)
Romance@AquiraWP Separated by fate, united by love. Book 2 of under arrest dela Conde #1 WARNING: DO NOT READ THIS STORY WITHOUT READING UNDER ARREST. I REPEAT, READ UNDER ARREST FIRST. 😉 #538 in action (12\23\17) #638 in action (11\10\17) Photo not mine...
