Chapter 42: Extraordinary love

1.5K 56 14
                                    

Sorry for the very late update...

Anyway, as you read this chapter sa mga may wifi o load diyan, try to listen to Tayong Dalawa of Ogie Alcasid para mas dama. Ewan ko kung effective sa inyo, effective kasi sa akin haha.

Enjoy reading guys...
__________________________
Chapter 42
Extraordinary love

"Ilang buwan na ba ang lumipas?" Khalil asked through the phone.

"Ahm...Two months and a week," sakot ko tapos napanguso.

Nakasilong ako ngayon sa ilalim ng puno ng manga habang kausap si Khalil. Pinagmamasdan ko rin mula sa gawi ko si Henrik na siyang tumutulong kina Mang Kanor na mag-ani ng mga mais.

Mahigit walong taon din ang lumipas bago kami nakabalik sa lugar kung saan kami unang nagsumpaan na dalawa.

Being here reminiscing our past is just so good. And being with him is just so fulfilling.

"Exactly! N'ong nakaraan lang pagbalik natin ng Pilipinas ay nagkabalikan kayo tapos ngayon ikakasal ka na sa kanya," wika ni Khalil.

Napangiti na lang ako hindi siya halos makapaniwala sa nangyayari. Maging ako man ay hindi rin makapaniwala sa nangyayari.

"D'on din naman ang punta naming dalawa," sabi ko sa kanya.

"I know. Ang sa akin lang naman eh talaga bang agaran ang kasal? You deserve a grand wedding. Sa lahat ba naman ng pinagdaanan niyong dalawa. Kung hindi kaya ng bulsa niya ang engrandeng kasal ako na ang gagastos."

Natawa na talaga ako nang tuluyan sa inasta ni Khalil.

Henrik and I actually decided to have a simple wedding. Iyong kahit kaibigan lang naming dalawa ang magiging saksi. Ang mahalaga ang maikasal kami sa isa't-isa.

"H'wag mo namang maliitin ang magiging asawa ko, Khalil. Kahit kaibigan kita malilintikan ka talaga sa akin," pabiro kong sabi.

"But you still deserve a grand wedding, my friend," giit niya.

I know he only wants the best for me. Alam niyang matagal ko na itong pangarap at gusto niya lang na gawing engrande ang napakahalagang araw sa buhay ko, pero sapat na sa akin na andito si Henrik sa tabi ko.

"Having Henrik as my husband is already enough for me. A grand wedding can't beat that," I said.

Narinig kong napabuntong hininga siya sa kabilang linya.

"I'll just congratulate you in advance. Pasensya na kung hindi ako makakadalo. May bagyo ngayon sa Virgin Island kaya na-cancel ang flight ko,"sabi niya.

"Ayos lang. Naiintindihan ko naman," sabi ko.

Matapos naming makapag-usap ni Khalil ay kumaway-kaway ako kay Henrik na nakakunot noong papalapit sa akin.

Tumakbo ako papunta sa kanya dala-dala ang isang puting bimpo para mapunasan ang pawis niya.

Napangiti naman siya sa ginawa ko at bigla na lang akong dinampian ng halik sa labi kaya naghiyawan ang mga kasamahan nina Mang Kanor.

"Dalawang araw na lang, magiging akin ka na ulit," bulong niya sa akin sabay yakap nang mahigpit.

"Nga naman oh, walang panama ang init ng tumutirik na araw sa taong nagmamahalan. Sumilong nga muna kayong dalawa at baka'y magkakuto pa kayo," wika ni Uray.
Nagtawanan na lang kami bago sumilong sa ilalim ng manga.

Mag-iisang linggo na rin simula nang makarating kami rito sa Limunsudan, Rogongon. At natutuwa akong makita ulit ang ilang taong minsan nang naging saksi sa pagmamahalan naming dalawa ni Henrik.

✔️Incarcerated Hearts (BOOK 2 of Under Arrest: Dela Conde No. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon