So since marami-rami talaga ang nagrerequest ng special chapter, ito na ginawan ko na talaga. (LOL) I hope you will like this chapter. :)
Happy 4th year anniversary to me :)
Enjoy Reading!
~~~
Special Chapter: DELA CONDE FAMILY
Jenan's POV
Abala ako sa paglalagay ng mga niluto ko sa lamesa nang may umakap bigla sa baywang ko. Hindi ko na kailangang lumingon pa para alamin kung sino ito, dahil sa amoy at matipunong braso niya pa lang, alam ko ng ang asawa ko ang umaakap sa akin.
"Good morning, Hon," Henrik sweetly whispered to my ear. I can't help but to smile.
We've been married for sixteen years already pero hindi pa rin nagbabago ang turing ng asawa ko sa akin. His love is still the same, it's so pure and so unconditional.
"Good morning, too," bati ko pabalik.
Hinalikan niya naman ang buhok ko bago siya kumalas at tumulong sa akin sa paglalagay ng mga niluto ko para sa agahan namin.
It's the typical breakfast lang naman, but I cook some chicken adobo today since my youngest son requested it yesterday.
"Handa na ba ang mga bata?" tanong ni Henrik sabay baling ng tingin sa orasan. It's already half past six at wala pa ni isa sa mga anak namin ang nagsibabaan. Lunes pa naman ngayon at tiyak na mahuhuli sila ng pasok kung hindi pa sila bababa ngayon.
"Puntahan ko muna sa taas," paalam ko. Subalit hindi pa man ako nakakaakyat sa hagdanan ay nakita ko na isa-isang nagsibabaan ang mga anak ko sa pamumuno ni Lauren.
"Good morning, Ma!" Ali Lauren greeted me. Humalik pa siya sa pisngi ko pagkatapos ay nagtungo na sa hapagkainan.
Nakabusangot naman habang padabog na bumababa sa hagdanan ang bunso kong si Clyde Henrik. Napailing na lang ako.
"It's so early in the morning and you're sulking already, Clyde? What's the matter?" tanong ko rito at nilapitan siya.
Nakauniporme na siya at nakasuot ng itim niyang sapatos. Nakabusangot niyang itinuro ang kapatid niya.
"Si kuya kasi!" sabi niya.
"Jerence ate his chocolates, Ma. Hindi nagpaalam kaya nagalit si Siomai," Zerence said habang sinusuklay ang basa pa niyang buhok. She loves to call her brother siomai dahil mahilig ito sa siomai. Sinanay kasi ni Odette.
Jerence and Zerence are twins, I named them after Eurence. And if my son is still here, he would probably like his siblings, as well as sasakit ang ulo niya sa kakulitan ng mga ito.
Ang puso ko patuloy pa rin na umaasa na buhay pa ang anak ko, but it's been sixteen years at wala pa rin kaming balita. Matagal na rin naming itinigil ang paghahanap, pero umaasa pa rin ako kahit na malabo na. Pero tanggap ko na naman kahit paano. Maski si Henrik, tanggap na rin niya. Pero hindi pa rin mawawala sa amin ang pangungulila. Eurence is our first born after all.
Napabaling ako sa maliit kong anak nang malakas itong nagsalita. .
"Ate! I am not Siomai! Mama oh!" pagsusumbong niya na tinawanan lang ng kapatid.
Pinanlakhan ko naman ng mata si Zerence. She clearly knows na palaiyak itong kapatid niya, pero araw-araw na lang niyang inaasar.
"Enough already, okay? Kumain na muna kayo." Hinarap ko naman ang bunso ko at hinaplos ang buhok niya.
"Bibilhan na lang kita ng bago okay?" sabi ko sa bata. Tumango naman siya at saka ngumiti sa akin.
"Can you buy me six bars of chocolate, Mama?" Nag-puppy eyes pa siya pagkatapos.
BINABASA MO ANG
✔️Incarcerated Hearts (BOOK 2 of Under Arrest: Dela Conde No. 1)
Romance@AquiraWP Separated by fate, united by love. Book 2 of under arrest dela Conde #1 WARNING: DO NOT READ THIS STORY WITHOUT READING UNDER ARREST. I REPEAT, READ UNDER ARREST FIRST. 😉 #538 in action (12\23\17) #638 in action (11\10\17) Photo not mine...
