A.N
This chapter is entirely a flashback. Di ako mahilig maglagay ng (Flashback and end of flashback...lol) so ito nagleave nalang ako ng note. Happy readings!
Kabanata 7: Luckiest woman
Apat na taon na ang lumipas at masasabi kong nakatulong talaga ang pananatili ko rito sa Europa sa paglimot ko sa sakit na dulot ng nakaraan. Totoo nga talagang oras ang hihintayin bago gumaling ang mga sugat mula sa kahapon.
"Maganda ba ito?" turo ni Khalil sa larawan ng cake na may kulay asul na icing. "Ito nalang kaya?" Napailing na lamang ako at napangisi. Hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi at pinanlakhan siya ng mga mata.
"Relax! Next month pa ang birthday ni Eurence. Every year ganiyan ka na lamang. Sige ka tatanda ka ng maaga niyan," I told him. Bumuntong hininga naman siya at binaba ang dalawa kong kamay mula sa pagkakahawak sa pisngi niya bago nilaro-laro ang daliri ko.
"I just want the best for our son," sabi niya nagpagaan sa dibdib ko.
"Thank you for everything," sabi ko na lamang sakaniya. Ngumiti muna siya sa akin bago niya inangat ang kanang kamay ko para mahalikan.
"I will do anything for my senyorita," sabi niya at napangiti na lamang ako. Nagkatitigan kaming dalawa saglit and silence then coated us for a moment at sa isang kisap mata lamang mga labi namin ay nagtagpo na. It was sweet and full of love. Marahan ang bawat pagdampi na tila ba dahan-dahan akong dinadala sa isang paraiso.
Eurence third birthday came at si Khalil ang umasikaso sa lahat, from small details to the larger one. Marami ang dumalo at panay ang puri nilang lahat kay Eurence na siyang nagpagalak naman sa akin.
It was a successful birthday party, masaya ang lahat especially Eurence kahit pa man wala siyang alam sa nangyayari.
Mabilis ang naging takbo ng oras, at sa bawat segundong nagdaan hindi ko na namamalayan na unti-unti na pala akong nahuhulog para sa isang tao.
"Alam mo? Ang gwapo pala ng asawa mo," Eurika said kaya napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan si Khalil na pinapakain si Eurence.
"Aba! Aba! Iba ang ngiti oh!" tukso niya sa akin. Napadaan lamang siya rito sa amin dahil malapit sa bahay namin ang kleyenteng binisita niya.
"Nagkaputukan ba kayong dalawa kagabi?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya dahil hindi ko ito nakuha kaagad pero nang makita ko ang kakaibang ngisi niya ay sa tingin ko iba nga ang ipinapahiwatig niya sa putukang nabanggit. Napailing na lamang ako.
"Ang dumi ng utak mo!" Sabi ko sa kaniya pero humalakhak lamang siya at tinapik ang balikat ko.
"Malaki na ang anak niyo pwede niyo nang sundan si Eurence." Nasisiraan na ata itong kaibigan ko, kung ano na ang pinagsasabi.
Pinagmasdan niya ang mag-ama ko at natahimik siya na para bang may iniisip na malalim.
"Hmm...Sa itsura ng asawa mo? Mukhang malaki ang kargada niyan, matindi rin siguro kung bumira iyan! Nasubukan mo na iyan, ano gaano ba kalaki?" Napapikit na lamang ako sa kahihiyan. Napadilat na lang ako nang humagikhik na si Eurika.
"Shut up, Eurika. Ang bastos mo," sabi ko na lamang. Tumawa pa siya ulit habang may kinukuha sa wallet niya at nang makita niya na ay ibinigay niya sa akin.
"Aanhin ko ito?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa condom na bigay niya.
"Itanong mo sa asawa mo. Bye, bye Jenan, thanks for the dinner," sabi niya at pumanhik na. Napailing na lamang ako bago tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa at itinapon sa trash can ang condom.
BINABASA MO ANG
✔️Incarcerated Hearts (BOOK 2 of Under Arrest: Dela Conde No. 1)
Romance@AquiraWP Separated by fate, united by love. Book 2 of under arrest dela Conde #1 WARNING: DO NOT READ THIS STORY WITHOUT READING UNDER ARREST. I REPEAT, READ UNDER ARREST FIRST. 😉 #538 in action (12\23\17) #638 in action (11\10\17) Photo not mine...