Chapter 30
dela Conde
.
Kahit nasa baba kami ay rinig namin 'yong palitan ng taasan ng boses ni Jamilah at Daniella, hanggang sa tumahimik sila. With Daniella's mom, I and Khalil waited in the Sala, waiting for her to come down here so that we could talk.
Alam kong curious na si Tita sa nangyayari pero mas pinili niyang manahimik at hindi na lamang magtanong. Ang tanging nasabi ko lang sakanya ay may dapat kaming pag-usapan ni Daniella tungkol kay Henrik na gusto kong linawin. Subalit kanina lamang ay nakiusap siya sa akin, na kung ano man ang nangyayari sa amin ni Daniella ay maayos na at sana ay intindihin ko na lamang siya.
Makalipas ang ilang minuto ay si Jamilah lamang ang bumaba. Mugto ang mga mata at ang ilong ay namumula. Bagsak ang balikat niya at bakas ang lungkot sa mga mapupungay niyang mata, pero nagawa niya pa ring ngumiti sa akin nang payak.
"Si Daniella?" tanong ko.
"Nakatulog na kakaiyak," sagot niya.
Umupo siya sa sofa katabi ko, nang marahan, at saka hinawakan ang kamay ko.
"Let's give her time. Alam ko sobrang paranoid niya lang pero hindi natin siya masisisi dahil wala tayong alam sa pinagdadaanan niya. Hindi madali para sakanya ang lahat, it was a bang to her, so let her process everything," Jamilah said.
I nodded curtly and smiled at her.
"Her actions are justifiable, nilihim namin ni Henrik sa kanya ang totoo. Naiintindihan ko kung galit siya sa akin, ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit natatakot siya na baka, baka bawiin ko si Henrik? I mean kasal na ako, ba't siya matatakot? I really tried to understand her but she's too difficult to define," I told Jamilah.
Napatingin naman ako kay tita na ngayon ay napasinghap na para bang nakuha niya agad ang ibig kong sabihin.
"So you and her fiance had a history. Therefore, ikaw ang dahilan kung bakit nagkakagayan ang anak ko. Jenan, as your aunt, I don't want to butt in, in your conflict with my daughter but as I can see, Daniella is already hurting and I can't just let this pass. I don't want to see my daughter getting hurt again, so please settle this mess but for now, kindly leave our house and give Daniella some time and a peace of mind."
Napaawang ang labi ko sa narinig ko kay tita. Hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya pero sa puntong ito napahiling ako na sana buhay pa rin ang ina ko para maipagtanggol ako.
I understand my aunt, she's just protecting her daughter. As a respect, I and Khalil made our way out of the house and said our apologies to the host for the trouble we made.
Sa labas ay naabutan pa namin si Henrik na papasok sa gate suot ang kulay asul na v-neck shirt and maong na shorts. Magulo ang mahaba niyang buhok at ang mga mata niya ay namumula maging ang ilong niya na tila ba kagagaling niya lang sa pag-iyak. May dala siyang bulaklak papasok, siguro'y susuyuin ang nobya.
Umandar ang sasakyan namin nang tahimik pa rin ang asawa ko kaya't hinawakan ko ang kamay niyang nasa manibela at tinanong kung ayos lang ba siya o may problema ba kaming dalawa pero ni tingin ay hindi niya ginawad sa akin. Patuloy siya sa pagmamaneho habang nakakunot ang noo.
"Khalil, stop the car. Khalil!"
He stopped the car near the park sa subdivision nila Daniella. Nakapikit ang mga mata niya at mabibigat ang bawat hiningang binibitawan niya.
"May problema ba tayo? Kausapin mo naman ako. May gusto ka bang puntahan, pag-usapan o ano?" nag-aalalang tanong ko sa kanya habang nakahawak at pinipisil ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
✔️Incarcerated Hearts (BOOK 2 of Under Arrest: Dela Conde No. 1)
Romance@AquiraWP Separated by fate, united by love. Book 2 of under arrest dela Conde #1 WARNING: DO NOT READ THIS STORY WITHOUT READING UNDER ARREST. I REPEAT, READ UNDER ARREST FIRST. 😉 #538 in action (12\23\17) #638 in action (11\10\17) Photo not mine...
