Chapter 24 - Henrik's Side

1K 42 15
                                        

Chapter 24

Henrik's side

.

"Daniella? What are you doing here?" nagtatakang tanong ni Henrik nang makita ang kasintahan sa loob ng silid na inukupa niya sa ospital.

Napasimangot naman si Daniella sabay lapit dito.

"You were unconscious for three days. I was so worried Henrik."

Napabuntong hininga na lang siya at niyakap ang kasintahan.

"I'm sorry for making you worried," he whispers.

Henrik became unconscious for three days. Matapos niyang iligtas si Jenan ay hindi na niya alam ang mga sunod pang nangyari. Nagising na lamang siya na nasa isang silid na siya.

The doctor came in and he was examined. Nang makitang maayos naman na ang lagay niya ay sinabihan siyang maaari na siyang e-discharge. Nang palabas na sila ng silid ni Daniella ay nakita niya si Eight na naglalakad kaya tinawag niya ito at nilapitan. Bahagya naman itong nagulat nang makita siya pero kaagad din namang nakabawi.

"Ayos ka na ba?" Eight asks her.

Bago sumagot ay bumulong muna si Henrik kay Daniella na mauna na muna ito sa kotse dahil kakausapin niya lang ang kaibigan niya saglit. Kaagad namang tumango si Daniella at nauna nang lumakad.

"Ayos naman na. Tatlong araw raw akong walang malay," sagot nito.

Tumango ang kausap at naghintay ng idudugtong dahil batid naman niya na itatanong din ng binata ang tungkol kay Jenan.

"Ah, s-si Jenan, kamusta na siya?" tanong niyang may pag-aalangan.

Eight did not answer him, instead he invited him on Jenan's room for him to see her current state.

"Don't worry, wala pa ang pamilya niya. I mean nasa hotel pa sila dahil pagod sa biyahe si Senyora Margarita at si Eurence," paliwanag ni Eight nang makita ang pag-aalangan sa mukha ni Henrik.

Bumuntong hininga naman si Henrik at saka sumunod dito papunta sa kwarto. Nang marating nila ang kwarto ay tila ba napepe si Henrik. Tumiim ang bagang niya samantalang ngumiti naman nang mapait sa kanya si Eight.

"She's in coma. Hindi nasabi kung kailan siya magigising o kung gigising pa ba siya," sabi ni Eight.

Dahan-dahan namang lumapit si Henrik sa kama ni Jenan. May mga pasa ang maganda niyang mukha. May sugat ang makinis niyang balat.

Bumuntong hininga na lamang si Henrik at pinigilan ang sarili na hawakan ang mukha niya.

Just like before, she's a sleeping beauty.

"I know her, gigising siya," sabi pa niya tila ba tiyak siya sa mga salita niya.

Nakahalukipkip naman si Eight habang pinagmamasdan ang dalawa. Napailing siya subalit kalaunan ay napangisi dahil sa naisip pero kaagad niya namang isinawalang bahala ito.

"The President wants to thank you personally. You should see him," Eight said.

Henrik nodded when he finally take a glance to Eight.

"His daughter was here earlier. Nagpasalamat siya kanina at kahit nakakahiya ay wala akong nagawa nang sinabi niyang sila ang bahala sa hospital bill."

"Sila rin ang bahala sa bill ni Jenan, even Thalia's bill. Nga pala kailan ang balik mo sa Pilipinas?"

"Bukas o sa makalawa. Mauuna siguro ako kay Thalia. Patapos na rin kasi ang bakasyon ko," sagot niya.

✔️Incarcerated Hearts (BOOK 2 of Under Arrest: Dela Conde No. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon