Chapter 17
The aching heart of the lover
"Hiramin ko muna ang asawa mo?" paalam ni Rico kay Jenan na siyang tinanguan lamang nito.
May kaunting salu-salong ginanap sa bahay para sa pagdating ni Jenan, mga iilang nandito sa Stockholm na malalapit lamang sa amin ang naimbitahan.
"Kung hindi ka tumawag sa 'kin hindi ko pa malalaman na narito ka sa Stockholm!" Rico said.
"Bakit? Nangungulila ka ba sa 'kin?" tukso ko sa kanya na inilingan at tinawanan niya lamang.
"Nakakabaklang isipin pero miss ko ang best buddy ko. Ilang taon din kaya tayong hindi nagkita. Nga pala, kamusta ba ang buhay may-asawa?" tanong nito at saka ngumisi.
"Ayos lang naman. Paminsan-minsan eh may problemang kinakaharap," pag-amin ko bago ko tinungga ang inumin sa kupita ko.
Timango siya sa akin at saka uminom na rin. Hindi na siya nag-abala pang itanong kung anong klaseng problema dahil hindi niya rin naman ako maiintindihan dahil mas pinili niyang maging binata muna kesa magpakasal at lumagay sa tahimik.
"Maiba ako, nakikita kong nagkakamabutihan na kayo. May hindi ka ba sinasabi sa 'kin? Kasi sa pagkakaalam ko hindi ka naman ganyan kasaya rati pero ngayon iba ang kislap ng mga mata mo."
Natawa ako nang bahagya sa sinabi niya.
"The years of waiting are finally over. The feeling is now mutual!" sabi ko sabay pasilay ng isang ngisi.
Napakunot naman ang noo niya at ilang sandali pa'y humalakhak ito.
"Really? Well, congrats! Sa wakas ay nagbunga na rin ang katangahan mo," umiling pa siya matapos.
Rico is my longtime friend, sa lahat ng kaibigan ko ay sa kanya lamang ako mas nagtitiwala. Maging ang dahilan sa likod ng pagpapakasal ko ay alam niya. Mas maalam pa siya sa nangyayari sa buhay ko kesa sa pamilya ko. Ganyan naman kasi siguro sa buhay, there are things that we cannot tell to our family kaya sa mga kaibigan natin tayo tumatakbo.
"Parang hindi ka naman talaga natutuwa," imik ko.
"Hindi natutuwa ako! Pero sigurado ka bang talaga diyan? Baka nakakalimutan mo, may anak sila at ikininasal–"
"That was just a ritual marriage, and it would only be legal once it was registered. Sa panahong iyon sa tingin mo ba may oras pa silang e-register iyon? He was in jail and they faced a lot of problems. Besides, do you think I am going to marry her if she's married?" pagputol ko sa sinasabi niya.
"Ok, sabi mo eh. Pero pare, baka nakakalimutan mo? Ang tagal niya pa bago maka-move-on, sigurado ka ba talaga na ikaw na ang sinisinta niya?"
BINABASA MO ANG
✔️Incarcerated Hearts (BOOK 2 of Under Arrest: Dela Conde No. 1)
Romance@AquiraWP Separated by fate, united by love. Book 2 of under arrest dela Conde #1 WARNING: DO NOT READ THIS STORY WITHOUT READING UNDER ARREST. I REPEAT, READ UNDER ARREST FIRST. 😉 #538 in action (12\23\17) #638 in action (11\10\17) Photo not mine...
