PROLOGO

431 5 0
                                    

A/N: Ang bawat eksena at pangalan ay pawang kathang isip lamang. Kung meron man itong katulad iyon ay pawang pagkakataon lamang.

May mga grammar na sadyang minali wag natin piliting itama wag kill joy haha.

->picture of Ayy on the side

-*-*-*-*-*-*-

PROLOGO

<Third Person's POV>

Anong aasahan mo sa first day of school?

Lesson na hindi mo maintindihan?

Kaklase na warfreak?

Seatmate na napaka arte o madaldal?

Teacher na nakakaantok magturo?

Ang walang sawang Introduce your self?

At ang pinaka masaya sa lahat ang baon.

"Ayy!" - tawag sa akin ng isang babae at hingal na hingal papalapit sa akin.

"Uy Nerdine. Anong section mo?" - tanong ko

"Section C. Ikaw?" - sagot nya.

"Yes may mapagkokopyahan na naman ako!" - natutuwang sabi ko

"Depende kung magkatabi tayo. Alam mo na baka alphabetical ang seating arrangement." - pagdadahilan ni Nerdine.

"Oo nga nuh. Letter M apelyido mo. Letter T naman ako. Pero first day pa lang ngayon tabi muna tayo ha?" - sabi ko sabay taas baba ng mga kilay ko.

"Oo na. Bilisan mo malapit na mag bell. Balita ko terror daw yung teacher natin. Si Ms.Ramos. yung matandang dalaga." - sabi nya

"Hala. Di nga naku mukang lagot ang katangahan ko nito. Tara takbo!" - nag aalalang sabi ko at sabay kaming tumakbo papunta sa classroom.

Pagkadating namin sa classroom

Ay bumungad sa amin ang mga grupo ng maarteng babae.

Mga lalaking nagbabatuhan ng crumpled paper.

Mga grupo ng nerd na may makakapal na salamin at nagbabasa ng libro.

Grabeh ang sakit siguro sa ulo na maging estudyante ang section namin.

Naghanap kami ni Nerdine ng upuan hanggang sa makita namin ang dalawang bakante sa dulo.

Uupo na sana kami ng mag biglang may siga na nag salita.

"Hoy jan ako. Maghanap kayo ng iba!" - sabi nung siga kong classmate na di ko pa alam ang pangalan. Ngayon ko lang to nakita dito. Sayang gwapo pa naman kaso siga.

"S--sory" nauutal na sabi ni Nerdine.

"Teka teka. Nauna kami dito. Ikaw na lang ang lumipat. Bakit ikaw ba may ari ng school para paalisin mo kami ng ganyan?" - naiinis na sabi ko.

"Pano kung sabihin kong oo? Aalis na ba kayo?" - tanong nya.

Tssss di lang pala siga to hambog pa. Sayang talaga yung kagwapuhan nya.

"Whats happening here?!" Biglang sigaw nung teacher at lahat ng estudyante ay napatigil sa ginagawa nilang kalokohan.

Agad kaming umupo ni Nerdine sa bakanteng silya na pinag aagawan namin nung lalaking siga.

Sya naman ayun sa may unahan napilitang umupo doon. At mukang sasabog ang muka sa inis dahil hindi nya kami napaalis.

"Ok seating arrangement tayo. Hindi ito aphabetical tulad ng ibang section" - sabi nung teacher naming terror na si ms. Ramos. Pano ko nalaman pangalan nya? Eh sikat sya sa pagiging terror eh.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon