KABANATA 14: Student assistant

168 3 0
                                    

Picture of Ayy Tangarin on the side---->

KABANATA 15

<Gynn POV>

Alas 7 pasado na at kagigising ko lang first time kong malalate sa aking klase. Dahil sa sobrang dami kong inaasikaso.

Kagabi gumawa ako ng lesson plan. Nung isang araw nagrecord ako ng mga scores ng mga estudyante ko sa bawat activities nila.

May school works pa ako na kaylangan kong tapusin dahil requirements yun para makagraduate ako ng college. Alam nyo naman na trainee teacher pa lang ako diba?

Pero masaya ako kasi malapit ko na rin matupad ang pangarap ko.

Pero nakakapagod din mukang kaylangan kong humanap ng student assistant.

Sa sobrang pagiisip ko ng malalim bigla akong napabalikwas dahil naalala ko late na nga pala ako.

Tumakbo ako papuntang banyo at naligo ng pagkabilis bilis. Bahala na kung anong klaseng ligo ang gagawin ko basta ang importante naligo ako.

After 2 minutes natapos na akong maligo. Oh sabi ko sa inyo todo madali ako. At bumalik ako sa kwarto para magbihis.

May isang minuto lang ako para magbihis.

Pagkatapos ng isang minuto natapos na rin ako. Nakakahingal para akong contestant sa minute to win it sa sobrang pagmamadali ko buti na lang hindi ko nakalimutan suotin ang brief ko hahaha.

Aba mahirap na baka mapagdiskitahan ako ng estudyante ko.

Kinuha ko ang mga gamit ko at sumakay ako sa aking black na sports car. Pinaandar ko ito ng mabilis dahil ilang minuto na lang late na talaga ako.

Nang makarating ako sa Mata Lino High School ay agad kong ipinark ang aking sasakyan sa parking, kinuha ko yung gamit ko at nagmadali sa paglalakad papunta sa section nila Ayy.

*Ting! I have an idea.. Pero secret muna mamaya ko sasabihin.

Pagkadating ko sa classroom nila Ayy ang ganda bagong decorate ito naging buhay at makulay ang classroom. Mabuti naman at inayos na nila para rin yan sa ikakabuti ng paaralan.

"Good morning class." - sabi ko habang nililibot ko ang aking mga mata sa mga estudyante ko.

"Good morning sir." - sabay sabay na sabi ng mga estudyante ko.

"Wow ang ganda ng classroom ngayon sino ang nag abala para dito?" - tanong ko sa kanila.

"Sir kami po nila Devon, Ayy at Matt." - proud na pagkakasabi ng transfery student ko na si Chin.

"Ah okay salamat Chin." - sabi ko at ngumiti ako sa kanya.

Nakita ko ang reaction ni Chin at nagblush sya? Anong nagyari sa batang to? Adik ba to? I know killer smile ako pero ewan ko parang ang weird lang.

"Anyway kaylangan ko ng student assistant." - sabi ko at natahimik naman ang lahat.

"Sir ako po pwede?" - sabi na naman ni Chin na parang kinikilig. Bakla ba to?

"Sorry pero nakapili na ako." - sabi ko sabay tingin kay Ayy na busyng busy sa pagsusulat ang sipag nya ata ngayon.

Nilapitan ko si Ayy para tingnan kung ano ba yung pinagkakaabalahan nya.

Bigla naman nyang inangat ang muka nya na pulang pula na parang kamatis sabay takip ng kamay nya sa notebook nya.

"Sir sorry anjan pala kayo." - sabi nya.

Hindi ko sya pinansin at hinila ko sya patayo sa desk nya. Hawak hawak ko yung kamay nya at ang lambot.

"Si Ayy sya ang bago kong assistant." - sabi ko sa buong klase ko.

Crush Ko Si Teacher [CKST] - COMPILATION (COMPLETE/NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon